Luis Manzano admits ongoing relationship problem with Angel Locsin

IMAGE 0


"May pinagdadaanan kami ngayon ni Angel. But kung anuman ang rason o disagreements, I won't divulge any details, sa amin na lang yun. But I can assure you na walang selos, walang third party involved," reveals Luis Manzano about his relationship with girlfriend Angel Locsin.


Pumutok ang bali-balita na nauwi na diumano sa breakup ang mahigit isang taon nang relasyon nina Luis Manzano at Angel Locsin. At may date pang binanggit ng breakup ng dalawa—August 10. Hindi nga lang malinaw kung ano ang dahilan ng diumano'y breakup ng dalawa.

Upang matapos ang mga ispekulasyon, minabuti ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na kausapin ang binatang anak ni Batangas Governor Vilma Santos-Recto at dating OMB Chairman Edu Manzano upang magbigay-linaw sa isyung ito.

"May pinagdadaanan kami ngayon ni Angel," pag-amin ng actor-TV host. "But kung anuman ang rason o disagreements, I won't divulge any details, sa amin na lang yun. But I can assure you na walang selos, walang third party involved.

"It's not also [because we lack] time. Wala sa amin yung time kasi nirerespeto namin ang schedule ng isa't isa. Never na mangyayari na mag-aaway kami dahil sa oras.

"Basta right now, we're trying to work things out. May pinagdadaanan lang kami. But, hopefully, sana maayos naman."

Bukas naman daw ang komunikasyon nilang dalawa ni Angel, sa kabila ng pinagdaraanan nila.

Ayon kay Luis, "We still talk, we get to talk once in a while. Pero sabi ko nga, nasa peak pa kami ng pinagdadaanan namin. Siguro kailangan pa naming i-process ang lahat."

Marami ang nakapansin nung Linggo sa ASAP ang pag-iiwasan nina Angel at Luis. Katunayan, may mga nakakita kung paanong hindi na ininterview ni Luis si Angel matapos ang production number nito. Kadalasan kasing iniinterbyu pa ni Luis ang guest na katatapos lang mag-perform. May paliwanag namang ibinigay si Luis tungkol dito.

Aniya, "Right after ng prod niya, ako sana ang sasalang. So, di ako makalapit kasi kami na ni Karylle ang mag-i-interview sa Hale."

Sa kabila ng masayang façade, aminado naman si Luis na nasasaktan siya sa nangyayari sa kanila ngayon ni Angel. Pero positibo pa rin si Luis sa pag-asang maaayos nila ng kasintahan ang gulong pinagdadaanan nila ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Definitely, masakit sa akin. Sino'ng di malulungkot? Ano ako, bato? But I think anything...kahit yung nangyari dati sa ASAP, we became stronger with that. Siguro itong pinagdadadaanan namin [ngayon] is pretty much the same."

Matatandaang nagkaproblema na rin noon sina Angel at Luis sa ASAP din mismo. Ito ay tampuhang magkasintahan na wala namang third party involved at naayos din kaagad.

APPLAUDED PERFORMANCE. Pinalabas na ang full trailer ng In My Life na pinalakpakan at nagustuhan agad ng marami. Aminado si Luis na excited siya sa nasabing pelikula at napakalaking challenge para sa kanya ang makatrabaho si John Lloyd Cruz at ang inang multi-awarded actress at respetadong lingkod bayan ng Batangas na si Vilma Santos-Recto.

"Ang daming tumatawag, ang daming nagte-text," sabi ni Luis. "Nakakatuwa lang na trailer pa lang, naa-appreciate na nila. Sana lang todo-todo ang suporta nila because talagang pinaghirapan namin ang pelikulang ito."

Pagmamalaki pa ni Luis, "When I worked with them [his mom and John Lloyd], dalawa ang katrabaho ko—isang kaibigan ko at mommy ko. The other side of it, katrabaho ko ang dalawa sa napakagagaling nating mga artista, and working with them is a challenge. Working with them is a challenge that I'm really up for and I hope I give naman my best."

Hindi na rin gaanong pinag-uusapan ang intimate scenes nila ni John Lloyd sa In My Life, na para kay Luis ay dapat lang naman lalo't hindi naman ito ang focus ng istorya.

"Siguro na-realize nila it's not a love story between two men. Di ito parang Brokeback [Mountain], di ito couple-couple love story. It's about the love of two men that helped someone to move on. Yung sa amin ni John Lloyd, palamuti lang siya. Yung istorya, iikot talaga sa mommy ko, yung mga pagdadaanan niya at kung paano niya mao-overcome [yung death ko]," saad ni Luis.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN