Kris Aquino says her family prefers Piolo Pascual over Cesar Montano to play Ninoy in a biopic

IMAGE 0


Both Piolo Pascual (top inset) and Cesar Montano have expressed their intentions to play Ninoy Aquino in a biopic about the fallen hero. But, according to Ninoy's youngest daughter, Kris Aquino (main photo): "Actually, ang mga kapatid kong babae, pati ako, mga fans ni Piolo! So, we're being very honest about it. Sabi talaga ng sisters ko, 'Wow, gumuwapo [si] Dad!'"


Ilang linggo pagkatapos maihatid sa kanyang huling hantungan si dating President Corazon Aquino, usap-usapan ngayon ang pagsasapelikula ng buhay niya at ng kanyang asawa na si Ninoy Aquino.

Kung ang Star For All Seasons na si Vilma Santos ang napipisil na gumanap bilang Cory, matunog naman ang mga pangalan nina Cesar Montano at Piolo Pascual na siyang gaganap daw bilang Ninoy. Sa katunayan, nagpahayag na ng kanilang kagustuhan ang dalawang aktor na gampanan sa pelikula ang bayaning napaslang noong Agosto 21, 1983. (Click here and here to read related stories.)

Dahil ang buhay nina Ninoy at Cory ang binabalak na gawan ng pelikula, napakahalaga siyempre na may basbas ang Aquino family—partikular na ang limang anak nila na sina Ballsy, Pinky, Noynoy, Viel, at Kris.

CESAR VS. PIOLO AS NINOY. Sa "POV" segment nga ng The Buzz noong Linggo, August 23, ay nagbigay ng kanyang pahayag si Kris tungkol sa pagsasapelikula ng buhay ng kanyang mga magulang.

Nabanggit ng co-host ni Kris sa The Buzz na si Boy Abunda na importante siguro na kung sino man ang gaganap bilang Cory o Ninoy ay na-experience ang protesta nang ilibing si Ninoy at ang pagpapakita ng pagmamahal ng mga tao sa libing naman ni Cory.

Tinanong ni Boy at ng isa pa nilang co-host na si Ruffa Gutierrez si Kris kung nagpunta ba sa burol ng kanyang ina sina Cesar at Piolo.

"Piolo sang right... in the [Manila] Cathedral?" sagot ni Kris. "Unfortunately, I don't know if Cesar was able to go... I don't think so."

Malaking tulong ba sana ito? tanong naman ni Boy.

"No, I'll clarify that, ha.... Before the senatorial election [2007], ang alam ko, tinour pa siya [Cesar] sa Aquino Museum ng Tarlac ng Mom [Cory]. Nagpa-lunch pa ang Mom for him and then they had several meetings.

"But during the election, siguro because he did run under the administration, nawalan ng communication with Mom. And, unfortunately, when Mom was ill, hindi naman na-renew yung communication.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, akala namin, in our end, hindi na sila interesado. So, noong binanggit sa akin ni Ma'am Charo [Santos-Concio, president of ABS-CBN], if we would be interested, the family, to have Ate Vi to portray Mom in a movie that Star Cinema is interested to produce, I immediately asked my sisters and they said, they could not think of any other actress but Vilma Santos to portray Mom. But as it is, wala pa namang final. Pero yung, siyempre, malaking bagay sa pamilya namin na Vilma Santos is Vilma Santos, and we really feel she can give justice.

"And we have to remember, my dad, yung story niya kasi, nakulong siya, hindi pa siya 40 years old. Martial Law was declared, Dad was only 39. Kung tutuusin, halos kaedad ko. So, kung pagbabasehan mo yung love story nila ni Mom, they got married when Mom was 21, all the way to martial law... Ang tamang edad dun, si Piolo Pascual," sabi ni Kris.

Sabi naman ni Ruffa, Piolo can give justice to the role.

"Actually, ang mga kapatid kong babae, pati ako, mga fans ni Piolo!" natatawang dugtong ni Kris. "So, we're being very honest about it. Sabi talaga ng sister ko, 'Wow, gumuwapo [si] Dad!"

Pero si Kris na rin ang may sabi na hindi pa rin nila alam kung ano ang mangyayari.

"The only thing is, we don't know what will happen sa movie na 'yan," aniya.

THE AQUINO SIBLINGS. Pagkatapos nito ay nagsalita rin si Kris tungkol sa mga plano nilang magkakapatid ngayong nailibing na ang kanilang ina.

"Last night [August 22], napag-usapan namin... Kasi marami ang nakapanood sa atin sa SNN. Sabi nila, sana raw huwag gibain ang [bahay nila sa] Times. Sabi naman ni Noy, whatever I decide, kasi ako naman daw ang magbabayad. Pero siyempre, nirerespeto namin ang opinion ng mga tao. So I told Noy, 'Mamili ka na lang kung saan mo gustong lumipat, sagot ko yun.' Pero Noy, huwag masyadong mahal, ha!" natatawang sabi ni Kris.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag niya, "And the other thing, us, my sisters naman have committed to Father Manoling Francisco, because I really promised Mom... I was so happy when Zsa Zsa [Padilla] mentioned that every day, nagro-rosaryo siya.

"I said 'Mom,' sa hospital pa lang, sabi ko, 'Mom, gagawa ako ng rosary DVD.' So, yung three sisters ko, nag-agree with me to do it under sa Star Cinema at yung mga songs ni Father Francisco. So, that would be our gift to our Mom and Dad sa October 11, sa kanilang wedding anniversary naman.

"So, yun ang siguradong-sigurado—gagawa kami ng rosary DVD. And yun naman talaga kami, we pray our rosary talaga. And yung mga kapatid ko, tinanggal ang kanilang pagka-shy at makikipag-recording na sa akin!"

Nag-sorry rin si Kris na wala siya sa mga event kaugnay ng pag-alaala sa death anniversary ng ama niyang si Ninoy Aquino noong August 21.

"I would like to apologize na wala ako last Friday because I was really sick. And in-explain sa akin ni Manay Gina de Venecia, that all of us sa family, isa-isa kaming nagkakasakit. It's part daw of grief that in a way daw, nalulungkot ka, umiiyak ka, at all, pati yung katawan mo raw, bumibigay.

"Lahat kami... Joshua got sick, Baby James got sick, I got sick. Noy got sick, Viel got sick, Pinky got sick... Parang si Ate [Ballsy] lang so far ang hindi nagkasakit. So, I think, it's really a process and hindi pa po namin alam kung ano ang balak namin for September 9. Pero marami ang nag-a-approach at kumakausap sa amin. So, we don't know how we will commemorate that day. Sana naklaro ko ang lahat."

Pahabol pa niya, "Sana rin po, hindi magkaroon gulo or any alitan kung sino ang magiging Ninoy or Cory... The rights belong to our family naman kung sino ang pipiliin namin or kung sino man ang maglalatag ng magandang istorya. At bigyan kami ng pagkakataon din to listen to everybody."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN