Dingdong Dantes on Marian Rivera: "She has seen the worst in me and still she accepted me."

IMAGE 0


Dingdong describes his new bookazine: "Sa lahat ng sagot ko rito, mas intimate siya, mas detalyado. Siyempre, at the end of the day, kapag nagbigay naman ako ng sariling sagot, may sariling interpretasyon pa rin 'yan. Pero kung ano ang saloobin ko talaga at kung ano ang nais kong iparating, nandito lahat sa bookazine."


Nagkaroon ng pocket presscon kahapon, August 25, para sa "bookazine" ni Dingdong Dantes. Ang aktor ang kauna-unahang featured star ng YES! Life Stories mula sa Summit Media.

Sa naturang presscon, na ginanap sa Belissimo Ristorante, T. Morato Ave., Quezon City, ipinakilala ni Dingdong ang kanyang bookazine.

Tinanong si Dingdong kung detalyado ba ang nilalaman ng libro at may mga rebelasyon ba siya rito na ikabibigla ng mga magbabasa?

"Siguro much more it's being detailed, e... kumbaga, mas intimate siya. Hindi lang yung pagsagot ko kundi pati na yung topic. Halimbawa, e, meron akong isang issue or something about myself na palagi kong napag-uusapan, dito naman, makikita nila ang mga things na hindi nila palaging nakikita.

"Kumbaga, kung ano lang talaga ang nangyayari sa loob ng utak ko, mga dreams ko, fantasies, and kung ano yung mga gusto kong mangyari in the future. So, nandito siyang lahat. Kumbaga, very candid ang pagsagot ko, akong-ako. Walang halong edit, walang editing," paliwanag ng aktor.

Kung anuman daw ang gustong malaman ng mga tao sa kanya, nasa bookazine ito.

"Gaya nga ng sinabi ko, I never answered a 'yes' or a 'no' dito," sabi pa ni Dingdong. "Kumbaga, sa lahat ng sagot ko rito, mas intimate siya, mas detalyado. Siyempre, at the end of the day, kapag nagbigay naman ako ng sariling sagot, may sariling interpretasyon pa rin 'yan. Pero kung ano ang saloobin ko talaga at kung ano ang nais kong iparating, nandito lahat sa bookazine."

Hindi naman itinanggi ni Dingdong na may mga frustrations din siya sa kanyang career. Pero tinatanaw pa rin niya ang kanyang future in the industry. Isa sa gusto niyang gawin ay magandang pelikula.

HIGH ON SUPERHEROES. May pictorial si Dingdong sa bookazine na nakasuot siya ng Superman costume. Sa mga taong kilala siya talaga, hindi na bago ang pagkahilig niya sa mga superhero. Isa ba sa career frustrations niya ang hindi pa niya pagganap bilang superhero?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"You know what, dati inisip ko ganoon," sabi niya. "Pero habang tumagal, habang nag-mature ako, it's not really more of wanting to do the roles. Kumbaga, magampanan ko sila as me. Tama na sa akin na magsilbi silang inspirasyon, not to the point na kailangan ko silang gampanan dahil naniniwala naman ako na marami namang roles out there na hindi similar, hindi eksakto, pero may parehong inspiration, parehong intensity. So, 'etong mga characters na makikita nila sa bookazine ay talagang nagsilbing inspirasyon sa akin ever since."

How does he feel na siya ang kauna-unahang artista na nagkaroon ng bookazine?

"Siyempre, isa siyang privilege na maiparating yung mga things na... Siyempre, hindi naman natin masabi lahat. Normally, kapag nagkakaroon ng interview or chance na maiparating kung ano ang gusto nating maiparating. Pero through this bookazine, minsan may mga bagay rin tayong kailangang sabihin, may mga bagay tayong gustong sabihin para maliwanagan. And, most importantly, makilala ako ng mga gustong bumili nito," ani Dingdong.

MARIAN RIVERA. Isa sa nabasa namin sa bookazine ni Dingdong ay yung sinabi ng rumored girlfriend niyang si Marian Rivera. Noong akala nilang mag-e-end na ang loveteam nila, naramdaman ni Marian kung gaano kaimportante sa kanya ang aktor.

Posibleng maging impression or conclusion ng makakabasa nito ay baka kung kailan patapos na ang serye nila ay saka naman nagsimula kung anumang meron sila ngayon. Ano ang masasabi ni Dingdong dito?

"Well, siguro oo," sagot niya. "Like, sabi ko nga, kapag nabasa n'yo ang book, magkakaroon ng iba't ibang interpretasyon, e. Like ako, noong nalaman ko, noong ikinukuwento niya yun, first time ko lang din na narinig sa kanya yun. Kasi, magkasama kami sa interview, e.

"So, noong ikinukuwento niya yun kay Andrew Paredes, yung nagsulat [ng bookazine], parang nagulat din ako. Na, 'Ah, yun pala, ha!' So, even in the process, marami ang realization. Hindi lang sa ibang tao kundi sa akin din. Marami akong na-discover na ngayon lang sa sarili ko. Siguro, dahil ngayon lang din ako natanong. At siguro, kung hindi rin ako natanong, hindi ko mahahanap sa sarili ko ang totoong sagot."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Habang ginagawa ba nila ang Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang nagkaroon ng ligawan at naging sila?

"Siguro ayoko namang i-disregard lahat ng pinagsamahan namin sa mga shows," maingat na sabi ni Dingdong. "Kumbaga, masasabi ko na each show na pinagsamahan namin, may isang portion dun na malaki ang kinalaman kung ano ang meron kami ngayon.

"Like Marimar, nandoon ang acquaintance, nagkakaasaran. Hindi namin trip ang isa't isa. Sa Dyesebel, mas tumindi ang challenge sa kanya bilang Dyesebel. Tapos ako, nandun ako to support her. So, mas nag-elevate ang level of closeness namin hanggang sa mapunta sa Tadyang... So, kumbaga, klaro ang development niya.

"Hindi kasi ako naniniwala sa ligaw. Siguro, kanya-kanya naman 'yan. Para sa akin, kung manliligaw kasi ako, masyado siguro akong magpapa-impress and it doesn't work for me. Like, para sa akin, noong kalagitnaan siguro ng Dyesebel, siguro masasabi ko, she has seen the worst in me and still she accepted me, at ganoon din ako sa kanya.

"Yun ang mahihirap na times, e. Yun ang under pressure, under stress. Doon lang talaga lumalabas ang pagkatao ng isang tao at mas naa-appreciate namin ang isa't isa noong panahong yun. So, pagdating ng Tadyang, we could say na kilalang-kilala na namin talaga ang isa't isa."

Diretsuhan na rin itinanong kay Dingdong kung noong Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang naging sila ni Marian?

"Well, gaya ng palagi kong sinasabi, ayoko talaga siyang bigyan ng definite period, definite label. Basta para sa akin, I'd like it to be an ongoing process, ongoing mystery na hanggang ngayon dini-discover pa namin ang isa't isa at ini-inspire pa namin ang isa't isa.

"For me, it's a good thing that it's always in a positive note. Kumbaga, we always wanted to be better. Kasi, once you put any label, parang hanggang doon na lang yun, e. Ayoko namang hanggang doon lang," sagot ng aktor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mabibili na sa leading bookstores at magazine stands ang YES! Life Stories: Dingdong.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN