Vilma Santos will always find time to act onscreen while serving her constituents

IMAGE 0


"Sobra kong love ang movie industry. Sa inyong lahat ako lumaki. Wala pa si Lucky [Luis] nasa inyo na ako. 'I love you, Lucky!' pa noon. Eto na siya, kasama ko pa rin. Bakit hindi ko mamahalin talaga ang movie industry? Dito na talaga ako lumaki, kaya I will always find time kahit ngayon na isa na akong public servant," says actress-politician Vilma Santos.


Buong diin na ipinaalam ng Star for All Seasons at Batangas Governor na si Vilma Santos sa grand presscon ng Star Cinema movie In My Life na hindi siya naging stage mother sa kanyang anak na si Luis Manzano, na kasama niya sa pelikula along with Box-Office King John Lloyd Cruz.

Ginanap ang presscon kagabi, August 25, sa Dolphy Theater sa ABS-CBN, kung saan bukod sa mga bidang artista ay present din ang direktor ng movie na si Olivia Lamasan, at ang mga writers na sina Senedy Que at Raymond Lee.

Ayon kay Ate Vi (tawag kay Vilma sa showbiz), ipinaubaya niya kay Direk Olive ang pagdidirek kay Luis.

"Gusto ko lang po na malaman n'yo na kung ano ang makikita n'yo dito kay Lucky, when it comes to kung paano niya dineliver yung kanyang character, yung acting na kanyang ibinigay, wala po akong kinalaman diyan. Hindi po ako nag-stage mother dito. Basta bago po kami nagkaeksenang dalawa, isa lang ang sinabi ko sa anak ko, yung first scene namin together: 'Anak, you're portraying a role here, hindi ka rito host.' Yun lang.

"Pero ang lahat po ay iniwan ko kay Direk—ang pagbibigay, pagga-guide, pag-motivate kay Lucky. Kahit kung minsan napapagalitan na si Lucky, kahit masama na ang loob ng nanay, tahimik si nanay. Si nanay nasasaktan, pero tahimik lang. Wala kong binibigay na, 'Anak, ganito...' wala. Kaya lahat ng mapapanood n'yo, how he delivered, whether good or bad, asahan n'yo lahat po 'yan, na kay Inang Olive, at hindi po ako nag-stage mother kay Luis," paliwanag ni Ate Vi.

FINDING TIME FOR SHOWBIZ. Proud na proud nga si Ate Vi sa kanyang panganay na si Luis, lalo pa nga't ito ang nakasama niya sa kanyang pagbabalik-pelikula, along with John Lloyd, na isa sa mga batang aktor na hinahangaan ng multi-awarded actress. Matapos ang halos limang taong pamamahinga sa pelikula para asikasuhin ang kanyang political career—naging mayor siya ng Lipa City at sumunod nga ay Batangas governor ngayon—muling nagbabalik si Vilma sa paggawa ng pelikula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang huling pelikulang pinagbidahan ni Ate Vi ay ang Mano Po 3 ng Regal Films na entry sa Metro Manila Film Festival noong 2004. Bagama't bihira nang gumawa ng pelikula si Ate Vi, hindi pa rin niya tuluyang matalikuran ang showbiz.

"Kahit po siguro nasa pulitika na ako, hindi po maiaalis sa akin yung dugo kong artista," sabi niya. "Talagang hinahanap ko po at 'pag nanonood ako ng TV, hinahanap ko siya, nami-miss ko siya talaga. 'Eto [In My Life] po kasi, two years ago pa namin naumpisahan. It took us three years to make the script. And then, last two years, dapat uumpisahan na namin ito. Kaya lang, kinausap ko sina Inang [Direk Olivia Lamasan] at Malou [Santos, managing director ng Star Cinema] na hindi puwede kasi nanalo po ako sa pagka-gobernador.

"E, kung gagawin namin yun that time, wala pa akong isang taon na nagsisilbi as governor. So, nakiusap po ako sa kanila, na puwedeng maka-isang taon muna ako magsilbi as governor bago natin magawa ulit. Noong medyo naka-isang taon na ako, sabi nila, 'Gusto mo pa bang gawin? Mukhang hindi ka na interesado.'

"But sobra kong love ang movie industry. Sa inyong lahat ako lumaki. Wala pa si Lucky [Luis] nasa inyo na ako. 'I love you, Lucky!' pa noon. Eto na siya, kasama ko pa rin. Bakit hindi ko mamahalin talaga ang movie industry? Dito na talaga ako lumaki, kaya I will always find time kahit ngayon na isa na akong public servant," pahayag ni Ate Vi.

COMPLETE OPPOSITE. Lahat na yata ng roles sa pelikula ay nagampanan na ni Ate Vi. Ano naman kaya ang bago sa role niya as Shirley, isang librarian at mother in her mid-fifties, sa In My Life?

"I guess yung character ko rito, unang-una, physically, first time kong ginawa," banggit niya. "First time kong nagkaroon ng ganitong hitsura sa pelikula. And then, secondly, yung klase ng parang may pagka-comedy ba yung character niya. Pero hindi naman siya nagpapatawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Plus the fact siguro yung character ko dito, lihis na lihis sa totoo kong character sa buhay. Kasi siya rito, parang ang feeling niya, hindi siya mahal. Cold siya sa pagse-share ng pagmamahal. Laging may iniisip na negatibo. Parang ang feeling niya, hindi siya mahal ng tao, hindi siya mahal ng pamilya niya, which is kabaligtaran naman sa totoo kong buhay. Kaya very, very challenging ito sa akin kasi lahat puro kabaligtaran."

EXCITING REASONS. Bukod sa bagong challenge ng kanyang role, inihayag din ni Ate Vi ang mga bagay na exciting sa kanya nang magdesisyon siyang ituloy ang paggawa In My Life.

"Ako siguro, ang pinakamalaking excitement na nangyari sa amin ni Luis in this film... first of all, ang nagbigay sa akin ng interest is working with John Lloyd, with all honesty. Alam ni Inang 'yan. Kasi alam naman natin, and I agree with all of you, na talagang si John Lloyd ay magaling na artista, malalim talaga, every time I see him on TV.

"Ang isa pang nagbigay ng pinakamalaking excitement sa akin talaga, kasi noong una, hindi naman si Lucky, e. Nung time na hindi kami natuloy, meron talagang initially na dapat gaganap sa role ni Luis. But nung mag-meeting po ulit kami, nung mag-resume kami, bigla silang nag-isip na itutuloy na, 'Sino kaya yung puwede nating magawa na maging effective at kapani-paniwala na gaganap talagang gay son?'

"But it came from Malou Santos and kay Inang na, sabi nila...I think nakita yata kayong dalawa [Luis and John Lloyd] na nagbibiruan sa ASAP or E-Live and then, parang mayroon kayong chemistry," patungkol ni Ate Vi kina sa dalawa niyang co-stars, na ikinatawa ng mga press at mga taong nasa loob ng Dolphy Theater.

"Oy, we're talking about the movie here, 'no! Mabuting malinaw ang usapan, nanay pa rin ako!" depensa ni Ate Vi habang tumatawa. "But anyway, yung kulitan nila at biruan nila, parang relax na relax sila sa isa't isa. Kaya noong nag-meeting kami, sabi nila, 'Why not Lucky?' Sabi ko, 'Oh my God, why not?'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero gusto kong malaman n'yong lahat na hindi po ako nakialam sa negosasyon. Kasi ayokong pangunahan yung anak ko. Anak, hindi kita tinawagan sa totoo lang, ha?" sabi ng aktres kay Luis, na katabi niya sa presscon.

Patuloy niya, "But, gusto ko sina Inang, sina Malou, ang Star Cinema ang kumausap sa kanya. Just in case he says yes, desisyon niya yun, hindi dahil naimpluwensiyahan ko siya. Kung ayaw naman niya, sinabi ko kina Inang at Malou na wala kayong mae-expect sa akin na kakausapin ko siya para kumbinsihin.

"So, all the negotiations, lahat ng yun is between Inang, Star Cinema, and Malou Santos and Luis's manager, of course, my kumare June Rufino-Torrejon, and my son Luis. So, you could just imagine yung excitement. Plus, sa New York pa namin gagawin. Ano pang hahanapin ko?

"Isa pang excitement, yung alam kong meron pa akong maibibigay, meron pa akong matututunan. Kasi pinakaimportante po sa paggawa ng pelikula, dapat excited ka. Kasi once wala yung excitement, hindi challenging yun sa iyo. Pero once na na-feel mo na you are excited, the whole thing—from the script, actors, shooting, hanggang ipalabas na 'yan, yung excitement mo nandoon. That's very, very challenging sa isa pong artist and ganun po ang nararamdaman ko sa pelikulang itong In My Life."

THE GAY KISSING SCENE. May kissing scene sa In My Life sina Luis at John Lloyd, na gumaganap bilang gay lovers. Sabi ni Ate Vi, hindi niya raw napanood during shooting ang naturang eksena. Pero hindi naman big deal sa kanya ang ganitong eksena ng anak.

"Sinadya yata, e!" biro niya. "'Pagka yun na yata ang kukunan, pina-pack up na ako ni Direk. Ang nakikita ko na lang, picture! So, wala akong nakita talagang ongoing sa shooting, wala. It doesn't matter naman even if gay yung roles. We're doing a movie with Star Cinema. Alam naman natin yung mga klase ng pelikulang ginagawa ng Star Cinema, so hindi ka naman kakabahan. Malaki ang tiwala ko kay Direk, so hindi ako nag-worry doon."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kung mangyari sa totoong buhay na magkaroon siya talaga ng gay son, paano niya ito tatanggapin?

"Na magkaroon ng gay son? Balewala sa akin," sagot ni Ate Vi. "Kung paano yung pagmamahal, pag-aalaga, respeto sa isang masasabi nating normal na anak, at halimbawang magkaroon ako ng anak na gay, it doesn't matter. Dahil whether gay siya o hindi, anak ko pa rin siya at sa akin siya nanggaling."

Hindi ba siya nag-alala na baka maging isyu kay Luis ang pagiging gay dahil sa role nito sa movie?

"Secure naman ako. I am very secure. I know my son and aware naman ako na we will be doing a movie. So, personally as an artist, hindi sa personal ko ito ilalagay, bagkus this is a challenge for my son. This is an opportunity. So, yung tutuksuhin siya, sasabihan siyang gay, no, I don't think so. Basta I know my son. So, hindi naging isyu sa akin yun."

LUIS AND EDU'S ACTING. Dahil pareho na niyang nakatrabaho ang kanyang dating asawa na si Edu Manzano at ang anak nilang si Luis, para sa kanya, who is the better actor—the father Edu or the son Luis?

"Kasi yung movie naman na ginawa namin ni Eduardo, e, Romansa [1979]!" natatawang pagbabalik-tanaw ni Ate Vi. "Bagong kasal lang kami noon, yun yung sa San Francisco. Hindi ko pa siya nakita talaga o nakaeksena talaga na heavy-heavy. And that time, nung kami ni Dina [Bonnevie], yung Palimos ng Pag-ibig, mas nataon si Eduardo sa action, e. So, hindi ko talaga nakita sa kanya yung dramang-drama na acting.

"But dito kasi, first time with my son, meron siyang moment, yung isang eksena na, of course, nadala ako bilang nanay. Pero kung sino ang mas magaling—magaling naman si Eduardo, pero mas magaling si Lucky!" sabay tawa ni Vilma.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bukod kina Ate Vi, Luis, at John Lloyd, kasama rin sa cast ng In My Life sina Rafael Rosell, Nikki Valdez, Dimples Romana, Arnold Reyes, Paw Diaz, Vice Ganda, at Tirso Cruz III, in a cameo role bilang asawa ni Ate Vi. Produced by Star Cinema, mapapanood ang In My Life sa mga sinehan simula sa September 16.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN