Dingdong Dantes asks his fans to give his new leading lady Rhian Ramos a chance

IMAGE 0


"So far, I like what I see in her. She has a wide range when it comes to acting. Alam ko na marami pa siyang maibibigay at magagawa," says Dingdong Dantes about Stairway To Heaven leading lady Rhian Ramos.


Ang Enchanted Kingdom sa Santa Rosa, Laguna ang naging location para sa second day taping ng upcoming drama series ng GMA-7 na Stairway To Heaven, na pinagbibidahan nina Dingdong Dantes at Rhian Ramos.

Ang naturang amusement park ang magsisilbing lugar kung saan magaganap ang ilan sa mga magaganda at malulungkot na bahagi ng buhay para sa dalawang pangunahing karakter ng istorya, Cholo (Dingdong) at Jodi (Rhian).

FIRST TAPING DAY. Naikuwento naman ni Dingdong sa PEP (Philippine Entertainment Portal) ang nangyari sa first taping day nila noong Monday, August 24, kung saan nagkaroon na sila kaagad ng eksena ng bagong leading lady niya na si Rhian.

Simple lang daw ang eksenang kinunan ni Direk Joyce Bernal sa kanilang dalawa. Pero ang gusto raw ni Direk Joyce na ma-feel kaagad nito ang chemistry nila.

Kuwento ni Dingdong, "Sabi nga ni Direk Joyce, kailangan daw maramdaman na niya ang itinatakbo ng istorya sa eksena naming 'yon. It was just a simple scene kung saan hinatid ko si Rhian sa bahay nila. Kailangan daw may makita na siyang maganda sa amin. I guess nagawa naman naming dalawa ni Rhian 'yon. It was our first time to do a scene and we both want this to work. Naramdaman naman 'yon ni Direk Joyce kaya she was satisfied sa mga nakunan niya sa aming dalawa."

Sa ginawa nilang acting workshop para sa Stairway To Heaven unang nakasama ni Dingdong si Rhian. Wala naman daw reklamo si Dingdong dahil nararamdaman niya kay Rhian na kaya nito ang demands sa role niya bilang si Jodi.

"Sa ginawa pa lang naming workshop for the series ang puwede kong basehan on how Rhian works," sabi ng aktor. "And so far, I like what I see in her. She has a wide range when it comes to acting. Alam ko na marami pa siyang maibibigay at magagawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sa first taping day nga namin, comfortable na kami agad sa isa't isa considering na first time naming dalawa na magsasama sa scene. Hindi ko na-feel na nailang ako sa kanya, or siya nailang sa akin. It only means na okey na kami and we're doing things right for the series.

"Anyway, nasa second taping day pa lang naman kami and marami pang puwedeng mangyari. But what's important is that, we both want this to work and we are out to do our best para sa mga sumusuporta sa amin," saad ni Dingdong.

GIVE RHIAN A CHANCE. Aware din si Dingdong na may mga fans siya na hindi sang-ayon sa pagpili kay Rhian para sa role na Jodi. Very vocal nga ang mga ito sa pagsasabi na hindi nila gusto si Rhian bilang katambal ng aktor.

Ayon naman kay Dingdong, naiintindihan niya ang damdamin ng ibang mga tagahanga niya, lalo na ang mga fans nila ni Marian Rivera. Pero wala naman daw siyang magagawa para pigilan ang kanyang mga fans na mag-react dahil may kanya-kanya silang mga opinion at nirerespeto niya ang mga ito.

Ang tanging magagawa lang daw niya ay ang pakiusapan ang kanyang fans na suportahan pa rin ang Stairway To Heaven at bigyan ng pagkakataon ang kanyang bagong leading lady.

"Definitely, hindi ko sila mapipigil sa mga gusto nilang sabihin or mga reactions nila," sabi ni Dingdong. "It's something that I respect sa kanila, e. What I can do lang talaga is ask them to still support the series kahit na si Rhian ang ka-partner ko at hindi si Marian.

"Trabaho namin ito and pagtutulungan naming lahat ng nasa show para lumabas na maganda at kaabang-abang ang series na ito. Bigyan lang naman nila ng pagkakataon ang tulad ni Rhian to work in a project like this," pakiusap pa niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Makakasama nina Dingdong at Rhian sa Stairway To Heaven sina Glaiza de Castro at TJ Trinidad.

"WHAT YOU SEE IS WHAT YOU GET." Speaking of Marian, hinanap ng fans si Dingdong nang mag-premiere ang horror movie ng aktres with Dennis Trillo, Tarot, last Monday. Nagsimula na kasing mag-taping si Dingdong para sa Stairway To Heaven kaya hindi na ito nakadalo sa premiere night ng pelikula ng kanyang rumored girlfriend.

"But my family was there to support her and her movie," sabi ni Dingdong. "Kahit nga wala ako doon, nandoon naman ang mga representatives ko at marami-rami silang nandoon. Naiintindihan naman ni Marian ang naging sitwasyon ko noong araw na 'yon, e. But she was very happy to see my whole family there. Kahit papa'no ay naramdaman niya ang presence ko dun."

Sa naging interview ni Marian sa 24 Oras, tinanong ito tungkol sa estado ng kanilang relasyon ni Dingdong dahil tila hindi na raw nila itinatago ang nararamdaman nila para sa isa't isa. Ang sinagot ni Marian ay: "What you see is what you get." Ano ang masasagot ni Dingdong dito?

"Well, self-explanatory naman ang sinabi ni Marian. Para sa akin, the situation calls for it. People will only believe in what they see, di ba? Kung anuman ang interpretation nila sa mga kinikilos namin ni Marian, nasa kanila 'yon. What's important is that we are always there for each other," saad ni Dingdong.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN