John Lloyd Cruz still prefers women even after "kissing" In My Life co-star Luis Manzano

In My Life co-star Luis Manzano" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/19800/john-lloyd-cruz-still-prefers-women-even-after-kissing-in-my-life-co-star-luis-manzano" data-desc="The Box-Office King compares working with Vilma Santos and director Olivia Lamasan with "skydiving."" data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/4cc035556.jpg"> In My Life co-star Luis Manzano" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/19800/john-lloyd-cruz-still-prefers-women-even-after-kissing-in-my-life-co-star-luis-manzano" data-desc="The Box-Office King compares working with Vilma Santos and director Olivia Lamasan with "skydiving."" data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/4cc035556.jpg"> In My Life co-star Luis Manzano" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/19800/john-lloyd-cruz-still-prefers-women-even-after-kissing-in-my-life-co-star-luis-manzano" data-desc="The Box-Office King compares working with Vilma Santos and director Olivia Lamasan with "skydiving."" data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/4cc035556.jpg">

In My Life co-star Luis Manzano" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/19800/john-lloyd-cruz-still-prefers-women-even-after-kissing-in-my-life-co-star-luis-manzano" data-desc="The Box-Office King compares working with Vilma Santos and director Olivia Lamasan with "skydiving."" data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/4cc035556.jpg"> In My Life co-star Luis Manzano" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/19800/john-lloyd-cruz-still-prefers-women-even-after-kissing-in-my-life-co-star-luis-manzano" data-desc="The Box-Office King compares working with Vilma Santos and director Olivia Lamasan with "skydiving."" data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/4cc035556.jpg"> In My Life co-star Luis Manzano" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/19800/john-lloyd-cruz-still-prefers-women-even-after-kissing-in-my-life-co-star-luis-manzano" data-desc="The Box-Office King compares working with Vilma Santos and director Olivia Lamasan with "skydiving."" data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/4cc035556.jpg"> In My Life co-star Luis Manzano" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/19800/john-lloyd-cruz-still-prefers-women-even-after-kissing-in-my-life-co-star-luis-manzano" data-desc="The Box-Office King compares working with Vilma Santos and director Olivia Lamasan with "skydiving."" data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/4cc035556.jpg">

IMAGE 0


"Unang-una ho, actually, natatakot ho kami na magkaroon ng label yung eksena na 'kissing scene'. Kasi, hindi ho siya kissing scene, e—it's a very intimate scene... Sana pag napanood n'yo, hindi kayo ma-distract na antayin n'yo sila o ia-anticipate n'yo na magba-brush yung lips nila. But rather, sana makita n'yo yung intensiyon ng eksena. At sana makita n'yo yung puso ng dalawang characters," says John Lloyd Cruz about his intimate movie scene with Lui


Bagong hamon na naman sa kakayahan sa pag-arte ng Box-Office King na si John Lloyd Cruz ang role na ginagampanan niya sa Star Cinema movie na In My Life. Siya si Noel, isang straight-acting gay na karelasyon ni Mark, played by Luis Manzano. Mami-meet niya rito ang nanay ni Mark na si Shirley, played by Star for All Seasons and Batangas Governor Vilma Santos. Ang istorya ay iikot sa naturang tatlong characters sa movie.

Anong klaseng gay lover ba siya rito ni Luis?

"Kung titignan n'yo ho si Noel, hindi n'yo aakalain na he's gay," panimula ni John Lloyd. "Hindi siya yung typical na gay na nakikita natin dito. Pero 'pag nakita n'yo na siya sa iisang lugar kasama yung pinakamamahal niya, doon lumalabas yung pagmamahal, yung pagiging maasikaso. Kumbaga nga sa babae, nagbu-bloom siya dahil nandiyan yung kanyang minamahal.

".... Ang ginawa ko ho, ang collaboration namin ni Inang [Direk Olivia Lamasan], e, lalaki pag tinignan mo, pero ang puso niya babae. Ganun ho yung intensiyon niya, yung pagmamahal niya kung paano siya mag-asikaso, yung language of love niya, e, doon pumapasok yung pagiging gay," paglalarawan ng aktor sa kanyang role sa grand presscon ng In My Life, na ginanap last August 25 sa Dolphy Theater sa ABS-CBN.

INTIMATE SCENE. Bilang gay lovers may kissing scene sina John Lloyd at Luis sa In My Life. Paano hinarap ni John Lloyd ang intimate scene na ito?

"Unang-una ho, actually, natatakot ho kami na magkaroon ng label yung eksena na 'kissing scene,'" sabi niya. "Kasi, hindi ho siya kissing scene, e—it's a very intimate scene. Napakaganda ng setting namin. Hinintay talaga namin yung tamang oras para ma-capture yung tamang ilaw. And lahat yun, lahat ng mga factors na yun, nagsama-sama. We were able to create a very beautiful scene na sana 'pag napanood n'yo, hindi kayo ma-distract na antayin n'yo sila o ia-anticipate n'yo na magba-brush yung lips nila. But rather, sana makita n'yo yung intensiyon ng eksena. At sana makita n'yo yung puso ng dalawang characters."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Malambot at masarap ba ang mga labi ni Luis?

"Alam n'yo nung nandun ako sa moment na yun, nung ako si Noel at siya si Mark, e, sa tingin ko, kumbaga, parang si Drew Barrymore sa Never Been Kissed na tumaas yung kanyang right leg. So, nagustuhan po ni Noel. Si Noel po has to like the kiss kasi, siyempre, mahal niya yun e, di ba?" saad ni John Lloyd.

STILL LIKES GIRLS. Since masyadong kontrobersiyal ang mga relasyon niya sa mga babae at "natikman" na niya si Luis, would John Lloyd consider a relationship na katulad ng role niya sa In My Life?

"Alam n'yo ho, mga kapatid, ako ho, e, sa paggawa po ng pelikula, bukas na bukas ang pagkatao ko. Ang puso ko bukas na bukas 'yan. Every time na meron akong bubuuing character, talagang parang hinihiwa ko ang katawan ko at ibubukas para sa character na yun. Pero sa pagkakataon pong ito, nahiwa ko man harap at likod, bukas na bukas na, pero nang isara ko po, e, pareho pa rin po ang gusto ko [babae pa rin]. Yun pa rin po ang gusto ko, kung ano yung nagustuhan ko bago po nag-landing itong role na ito sa buhay ko. Yun po," natatawang paglilinaw ni John Lloyd.


WORKING WITH ATE VI & DIREK OLIVE. Bukod sa big challenge sa pagganap bilang gay, aminado si John Lloyd na nakaramdam din siya ng pressure na makatrabaho si Vilma Santos at ang direktor nilang si Olivia Lamasan. Pero hinarap daw niyang lahat ito at malaki ang natutunan niya mula sa experience na ito.

"Para sa akin kasi, kung ide-describe ko yung the whole experience working with Inang and Ate Vi combined, para siyang ano, e, para sa akin yung pressure kasing tindi ng pressure kapag first time mong mag-try ng skydiving. Alam n'yo yun? Yung skydiving talaga na mula pagsakay mo ng eroplano, na alam mong wala kang choice kundi tumalon. Kasi pag hindi ka tumalon at nag-chicken out ka, pagbaba mo ng lupa, ang sama ng loob mo sa sarili mo. At hanggang sa pagtulog mo, hanggang sa pagtanda mo, dadalhin mo yun. So, I took on the challenge.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sabi ko, sige kahit na alam naman ni Direk Olive na in my last three films, isang direktor lang ang kasama ko, si Direk Cathy Garcia Molina, na hindi naman maiiwasan na 'pag lagi mong kasama yung direktor nagiging dependent ka. Pero kahit na first time kong makakasama si Inang sa pelikula, kahit sa tindi ng pressure, e, wala akong choice kundi, sige, harapin natin.

"And ako, made-describe ko na lang siya sa ngayon kahit na hindi pa kami tapos, na magawa ko man o magampanan ko man yung mga natitira pa naming eksena, maging masaya man ako, or maging fulfilled man ako o hindi, para sa akin, the experience alone working with Direk Olive and Ate Vi is quite enough for me, na hanggang sa pagtanda ko, hindi na sasama ang loob ko sa sarili ko, kasi alam ko na tinanggap ko yung challenge," pagmamalaki ni John Lloyd.

ALL PRAISE FOR LUIS & ATE VI. Puring-puri rin ni John Lloyd ang ugali at kilos ng mag-inang Vilma at Luis on and off camera.

"Alam n'yo si Luis, talagang sabi ko nga sa mga interviews ko, talagang Luis was really on top of his game sa pelikulang ito. Kasi 'pag nakita n'yo po siya sa set kung gaano siya ka-focused, kung gaano siya kadeterminado na mag-deliver at saka yung effort na pag-aralan, yung willingness po.

"Ako, para sa akin, kasi hindi naman lingid sa kaalaman natin na si Luis ay batikang host, considering his age, his young age. Pero kumbaga sa pelikula, yung para mai-open mo yung sarili mo, yung puso mo, yung whole being... Para sa akin, yun ang nakita ko kay Luis—yung willingness niya to open his whole heart, yung his whole being para sa character na ito. Yun ang pinaka-na-appreciate ko.

"Kay Ate Vi naman ho, talagang walang ka-effort-effort. Papanoorin ko lang 'yan, nakaupo lang ako sa isang gilid, pagmamasdan ko lang siya. Mas masarap ho siyang pagmasdan sa likod ho ng camera. Totoo po, doon po kayo mas maraming makikitang mas magagandang bagay tungkol kay Ate Vi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"'Pag nakita n'yo ho siya sa harap ng camera, wow, maa-amaze kayo! Pero 'pag nakita n'yo ho siya sa likod ng camera, kung paano siya makisama sa lahat ng tao, kung paano siya mag-asikaso mula sa direktor hanggang sa crew namin, kung paano po kami pakainin nang pakainin... Masarap ho kasi nung tulingan! Yun ho. Sa akin, mas importante yung mga leksiyon na natutunan ko kay Ate Vi sa likod ng camera. Feeling ko, yun yung magpapatagal sa akin sa business na ito," mahabang salaysay ni John Lloyd.

Mapapanood ang In My Life sa mga sinehan simula September 16.

In My Life co-star Luis Manzano" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/19800/john-lloyd-cruz-still-prefers-women-even-after-kissing-in-my-life-co-star-luis-manzano" data-desc="The Box-Office King compares working with Vilma Santos and director Olivia Lamasan with "skydiving."" data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/4cc035556.jpg"> In My Life co-star Luis Manzano" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/19800/john-lloyd-cruz-still-prefers-women-even-after-kissing-in-my-life-co-star-luis-manzano" data-desc="The Box-Office King compares working with Vilma Santos and director Olivia Lamasan with "skydiving."" data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/4cc035556.jpg"> In My Life co-star Luis Manzano" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/19800/john-lloyd-cruz-still-prefers-women-even-after-kissing-in-my-life-co-star-luis-manzano" data-desc="The Box-Office King compares working with Vilma Santos and director Olivia Lamasan with "skydiving."" data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/4cc035556.jpg">


In My Life co-star Luis Manzano" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/19800/john-lloyd-cruz-still-prefers-women-even-after-kissing-in-my-life-co-star-luis-manzano" data-desc="The Box-Office King compares working with Vilma Santos and director Olivia Lamasan with "skydiving."" data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/4cc035556.jpg"> In My Life co-star Luis Manzano" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/19800/john-lloyd-cruz-still-prefers-women-even-after-kissing-in-my-life-co-star-luis-manzano" data-desc="The Box-Office King compares working with Vilma Santos and director Olivia Lamasan with "skydiving."" data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/4cc035556.jpg"> In My Life co-star Luis Manzano" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/19800/john-lloyd-cruz-still-prefers-women-even-after-kissing-in-my-life-co-star-luis-manzano" data-desc="The Box-Office King compares working with Vilma Santos and director Olivia Lamasan with "skydiving."" data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/4cc035556.jpg"> In My Life co-star Luis Manzano" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/19800/john-lloyd-cruz-still-prefers-women-even-after-kissing-in-my-life-co-star-luis-manzano" data-desc="The Box-Office King compares working with Vilma Santos and director Olivia Lamasan with "skydiving."" data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/4cc035556.jpg">

WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN