Jomari Yllana wants to duet with past lovers Aiko Melendez, Ara Mina, and Pops Fernandez

IMAGE 0


"Siguro nga sa kagustuhan kong mawala na ang pagiging mahiyain ko, napa-oo tuloy ako dito sa Celebrity Duets. Noong sinabi rin sa akin na it's for a good cause din because yung premyo na P1 million ay para sa charity organization of our choice. So, maganda naman pala ang purpose ng contest. Kaya okey lang na sumali na ako," says Jomari Yllana about joining Celebrity Duets.


Kabado na si Jomari Yllana sa kanyang pagsali sa third season ng Celebrity Duets ng GMA-7. Hindi nga raw maintindihan ni Jom kung paano siya napapayag na sumali sa naturang singing contest dahil pagdating daw sa kantahan at pag-perform sa stage ay parati siyang kinakabahan.

Inamin ni Jomari sa PEP (Philippine Entertainment Portal) na noong nagsimula siya sa showbiz via the teen group Guwapings, siya ang may stage fright sa kanilang tatlo nina Mark Anthony Fernandez at Eric Fructuoso. Kailangan daw palakasin muna ang loob niya bago siya mapakanta at mapasayaw sa harap ng maraming tao.

"Alam ng marami na mahiyain talaga ako kapag magpe-perform na sa maraming tao. Akala lang ng marami na nage-enjoy ako, pero sa loob-loob ko, natatakot na ako. Sinasabayan ko lang noon sila Mark at Eric kasi sila talaga yung performers. Kung ako lang, ayoko talaga. Ewan ko ba kung bakit hindi makapal ang mukha ko!" sabay tawa niya nang malakas.

Gusto na ngang ma-overcome ni Jomari ang kanyang stage fright, dahilan kung bakit pumayag siyang maging isa sa mga celebrity contestants ng Celebrity Duets.

"Siguro nga sa kagustuhan kong mawala na ang pagiging mahiyain ko, napa-oo tuloy ako dito sa Celebrity Duets. Noong sinabi rin sa akin na it's for a good cause din because yung premyo na P1 million ay para sa charity organization of our choice. So, maganda naman pala ang purpose ng contest. Kaya okey lang na sumali na ako. Kung suwertehin tayo, may mga matutulungan na ako, mawawala pa ang pagiging mahiyain ko. Nakakahiya, di ba? Tumanda na ako pero nahihiya pa rin ako!" tawa niya ulit.

DUET PARTNERS. Nabanggit ni Jomari na kung papipiliin siya, gusto niyang maka-duet sa show ang mga nakarelasyon na niyang sina Aiko Melendez, Ara Mina, at Pops Fernandez.

May magandang rason kung bakit sila ang pinili ni Jomari na maka-duet sa show.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, "Yung mga nakarelasyon ko lang kasi ang mga inaawitan ko. Totoo 'yon, itanong n'yo pa sa kanila. Sa kanilang tatlo, hindi ako mahihiya talaga kasi kilala na nila ako. Pero nahihiya akong tawagan sila ngayon para tanungin kung okey silang maki-duet sa akin. Parang hindi ko kayang ako ang tumawag sa kanila.

"Kaya may sinabihan na lang ako from the staff of Celebrity Duets kung puwede sila na ang kumausap sa kanilang tatlo. Kung pumayag, okey at happy ako. Friends ko naman ang tatlong 'yan, e, kaya wala akong nakikitang problema kung maka-duet ko man sila sa show."

RADHA. Pagkatapos ng relasyon ni Jomari sa Concert Queen na si Pops Fernandez, matagal siyang hindi na-link sa kaninong babae. Pero recently ay lumitaw ang pangalan ng singer na si Radha na parating nakikitang kasama si Jomari sa mga lakad nito. May nakakita pa nga raw sa kanilang dalawa na nagde-date at parang naglalambingan pa.

"Kaklaruhin ko pala 'yan kasi ang dami ngang tumatawag sa akin tungkol sa issue na 'yan," sabi ni Jomari. "First of all, Radha works for my production company, which is Fearless Productions. Isa siya sa mga tumutulong sa akin when it comes to our projects.

"Matagal na kaming magkakilala ni Radha kaya natawa ako noong may magtanong sa akin kung bakit ang sweet daw naming dalawa sa isang date. Siguro yung nakakita sa amin, baka na-misinterpret niya pagiging palabiro kong tao. Sa lahat naman ng friends ko, either palabiro ako or malambing ako. Walang malisya yung mga ginagawa ko.

"And si Radha rin ang vocal coach ko dito sa Celebrity Duets. Siyempre, gusto kong tumagal sa contest, di ba? Ayokong matanggal ako agad kaya I got one of the best vocal coaches in the industry," pagmamalaki pa ni Jomari.

Dagdag ni Jom, may asawa't pamilya na si Radha kaya hindi raw sila puwedeng ma-link romantically.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN