Bea Alonzo says she wants to feel the thrill of loving again

IMAGE 0


"Dati kasi, napaka-idealisitic ko. Gusto ko yung old-fashioned way. Gusto ko yung pinupuntahan ako sa bahay. Pero ngayon, na-realize ko na habang tumatanda ako, parang gusto kong maging magkaibigan. From there, doon kayo magkakakilala," says Bea Alonzo about courtship.


Fresh from the box-office success of her film And I Love You So from Star Cinema, nag-guest si Bea Alonzo sa The Buzz kahapon, August 23. Ininterbyu siya ng host ng programa na si Boy Abunda, at ilan sa mga pinag-usapan nila ay ang estado ng puso ni Bea ngayon.

Narito ang naging usapan nila:

BOY: Are you looking forward to love again?

BEA: I am...parang gusto ko ulit kiligin, di ba?

(Ang huling napabalitang boyfriend ni Bea ang ay ABS-CBN talent na si Mico Palanca. Pagkatapos nilang mag-break ay na-link ang young actress kay Jake Cuenca, pero hindi naman ito nauwi sa totohanang relasyon.)

BOY: Hindi ba dahil sa iyong mga pinagdaanan sa buhay, walang pagkakataon na pinagdudahan mo ang iyong pag-ibig?

BEA: Meron! Kapag merong gumagawa sa akin na mga bonggang gestures, iniisip ko, totoo ba 'yan? Baka naman meron lang mga hidden agenda? Malalaman mo naman yun kung totoo, mararamdaman mo. E, ano naman kung maarte lang? Artista ka naman, siguro naman alam mo.

BOY: How do you say no to a guy?

BEA: Umpisa pa lang, I say no na. Para hindi na sila masaktan. Huwag mo nang patagalin ang sufferings. Let's be friends.

BOY: What if you're wrong pala?

BEA: E, choice mo yun. In life, you have to take risks.

BOY: What if months forward, you'll realize...

BEA: Sayang, ang cute pala niya! Hindi, kaya that's why you can keep him as a friend. You have to explain it to him that, right now, I'm more of a friend. Meron namang right way of explaining.

BOY: Anong klaseng panliligaw ang naa-appreciate mo?

BEA: Dati kasi, napaka-idealisitic ko. Gusto ko yung old fashion way. Gusto ko yung pinupuntahan ako sa bahay. Pero ngayon, na-realize ko na habang tumatanda ako, parang gusto kong maging magkaibigan. From there, doon kayo magkakakilala.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

BOY: Nagamit mo na ba in real life ang linyang: "Sana I spent longer time with anyone in my life?"

BEA: Daddy ko po siguro... Kung may pagkakataon kaya ako, ano kaya ang nangyari? Kapag nagtatampo ako sa mundo, palaging dumadaan yun sa isip ko. Parang naging different kaya ang mga pangyayari kung meron akong dad na magpo-provide at hindi ko kailangang gawin ang mga dapat kong gawin?

BOY: Your mom and you, do you talk about your dad? Do you talk about your father?

BEA: Growing up, tinatanong ko siya. Ako kasi ang bata na kapag alam kong napipilitan kang magsinungaling, hindi na lang kita tatanungin. Mas masakit sa akin kapag nagsisinungaling ka sa akin.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN