Direk Joyce Bernal says Kimmy Dora producer Piolo Pascual is cheap--but in a good way

IMAGE 0


When asked which of the twins Kimmy Dora director Joyce Bernal identifies with, she said it was the Type A Kimmy: "Kasi we don't compromise, e. Ayoko yung ganun lang na, 'Okay na yun, tama na yun!' Parang si Kimmy na pareho kaming we push everyone to the limit pagdating sa trabaho."


Hanggang ngayon, ang dream project ni director Joyce Bernal ay isang pelikulang magkakasama bilang mga bida sina Judy Ann Santos, Aga Muhlach at Regine Velasquez.

Actually, noon pa ito pinaplano, pero hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin matuluy-tuloy. Matutuloy pa ba iyon?

"Sana," ang tanging nasambit ni Bb. Joyce nang tanungin ng (PEP) Philippine Entertainment Portal) ang tungkol sa dream project niya.

Sa ngayon, very happy si Joyce sa Kimmy Dora: Kambal Sa Kiyeme, ang pelikula ng Spring Films na kung saan kambal ang ginagampanan ng bidang si Eugene Domingo.

Tinanong ng PEP si Joyce kung sino sa kanila ni Eugene or Uge ang Kimmy (na laging galit sa mundo at dedicated sa negosyo) at kung sino ang Dora, na lagi namang nakangiti at makulay ang tingin sa kapaligiran.

"Actually pareho kaming Kimmy ni Uge kasi we don't compromise, e. Ayoko yung ganun lang na, 'Okay na yun, tama na yun!' Kami ni Uge, parang si Kimmy na pareho kaming we push everyone to the limit pagdating sa trabaho."

PIOLO AS PRODUCER: "MAGTIPID KAYO!" Hate nga raw ni Direk Joyce kapag may time constraint ang isang proyektong ipapagawa sa kanya.

"Nakakaano na kapag napanood mo yung pelikula mo, sasabihin mo, 'Sayang, sana nagawa ko pa yung ganito, yung ganun.' Na hindi mo nagawa dahil sa time constraint, ayoko nang ganun."

Kaya nga pareho sila ni Eugene na habang tinatapos ang Kimmy Dora ay hindi tumanggap ng ibang movie project para maibuhos nila ang kanilang buong panahon at atensyon sa pagawa nito.

We also found out from Direk Joyce na matipid si Piolo Pascual. Isa kasi si Piolo sa mga producers sa likod ng Spring Films along with Joyce, Shayne Sarte and Erickson Raymundo at ang kuwento ni Joyce, ang famous line ni Piolo ay, "Magtipid kayo!'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Si Piolo, nung first day pa lang namin, meron na kaming famous line... 'Magtipid kayo!' Yun yung line niya lagi. So meron kaming personal joke na kunwari, minsan magtatawagan, magkakayayaang manood ng sine. Tatawag 'yang si PJ (Piolo), sasabihin niya, 'Oh, nasaan ka na?' Sasagot ako, 'Oh, nandito pa ako, nagtitipid pa ako, e!' Na ang ibig sabihin, nasa shooting pa ako, or may ginagawa pa. Kahit anong ginagawa ko, ang isasagot ko sa kanya, 'Nagtitipid pa ako, teka lang!'"

OPPORTUNITIES FOR OTHER DIRECTORS. Tatlo na ang naka-line up na follow-up projects ng Spring Films after Kimmy Dora. Isang movie ulit with Eugene, isang love story, at isa na bata ang bida. This time, hindi muna magdidirek si Joyce.

"Hindi ako ang magdidirek, producers lang kami for that. Ayaw rin kasi namin na parang masabi na parang we only produce for ourselves, parang ganun. Kasi we're open talaga for everyone... direktor na bago, direktor na may magandang materyal, open talaga ang Spring Films dun, open kami sa lahat."

Masuwerte si Joyce na mabigyan ng pagkakataon na makapagtrabaho sa dalawang giant networks, ang ABS-CBN noon at sa GMA-7 ngayon. And very grateful si Joyce doon.

"Parang ang yabang ko naman kung hindi ko ina-acknowledge pareho. We really need them. Una sa lahat, natuto ako sa ABS. Ngayon gusto kong katrabaho ang GMA."

Sa Kimmy Dora nga naman, magkakasamang nagtrabaho ang mga Kapuso at Kapamilya: si Joyce, si Eugene, si Piolo, at ang leading man ni Uge na si Dingdong Dantes.

"Yung ganun, yung lahat kami, may pinanggalingan na parehong istasyon, so hindi namin sila puwedeng iitsa-puwera sa personal naming endeavor.

"Parang dapat kasama sila kasi kasama namin sila. Actually sila [ABS-CBN at GMA-7] yung bumuo ng pagiging direktor ko, ng pagiging artista ng kung sino man."

Someday ba, gusto rin ni Joyce na maging isang national artist?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi! Wala akong sensitivity ng pagiging artist, aminan na ito, hindi ako artist. Maarte lang ako, uma-artist pero hindi kaya... wala akong sensitivity nang ganun, hindi ako ganun mag-isip. Wala e, pasensiya na, ha? Konti lang ang pangarap ko."

The latest news is, ang Solar Films na ang magre-release ng Kimmy Dora, hindi na ang Star Cinema, kaya maipapalabas na ang pelikula sa mga sinehan ng SM.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN