Loveless Karylle attributes inner glow to her peace of mind

IMAGE 0


Karylle also joked that she does more maintenance now that she endorses beauty products. "Wala akong choice kung hindi magpaganda nang magpaganda para ma-justify ang endorsements na ito," she laughed.


May inner glow na nakikita kay Karylle kaya naman laging napapansin na paganda nang paganda yata ito sa bawat araw na humaharap siya sa press. Especially ngayon, very visible si Karylle dahil sa promo ng Dahil May Isang Ikaw kung saan binibigyan na siya ng partida sa larangan ng drama sa ABS-CBN.

"Nag-e-endorse na rin kasi ako ng iba't ibang beauty products. Ang latest nga yung Pink Water Body Spray at Vicki Belo. Wala akong choice kung hindi magpaganda nang magpaganda para ma-justify ang endorsements na ito," nakangiting sabi ni Karylle.

More than that, it's the spirituality within her. Dito maia-attribute ng young actress-singer ang pag-e-exude ng glow.

"Nararamdaman ko ngayon yun, yung peace. Hindi lang yung panlabas na kaanyuan. We should also nurture our faith. Lumalabas talaga sa akin yung peace na nararamdaman ko, kaya siguro yun ang sinasabi nila, na gumaganda nga raw ako," parang nadiyadiyahe pang aminin ni K.

Nagugulat nga si K dahil maraming kabataang nakaranas ng breakup at kasawian sa pag-ibig ang nakaka-empathize sa kanya.

"Nag-e-email talaga sila, sinasabi nilang broken-hearted din daw sila at ginaya nila yung ginawa ko," aniya pa. "Nag-retreat din sila, and they found peace there.

"At least, maganda yung impluwensiya. Sa halip na magmukmok sila, ini-enjoy na lang nila ang buhay."

READY FOR DRAMA CHALLENGES. Sa workshop para sa Dahil May Isang Ikaw, naihanda nang husto si K sa challenges na kaakibat ng bagong assignment niya sa ABS-CBN.

"Marami akong natutunan kay Direk Jerry [Sineneng]," sabi ni Karylle. "Sa workshop, ibang klase ang motivation sa akin. Doon ako natuto kung paano tumawa, yung bigay na bigay na halakhak, kung talagang nakakaramdam ako ng saya.

"Kasi, napansin ko rin 'yan sa akin noon, matipid akong tumawa. Sabi nga ni Direk Jerry, siguro nga raw hindi ako nag-enjoy sa buhay ko noon. Naiisip ko nga. Siguro nga, nagma-manifest sa akin yun. Tipid ako kung tumawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi katulad ngayon, kung talagang tawa, malakas na tawa," at lalo nga siyang natawa.

Wala pa raw ang mga eksena nila ng tiyahin niyang si Lorna Tolentino. Excited na siyang makaeksena ito.

"Ang lagi kong nakakaeksena sina Kristine [Hermosa] at Sid [Lucero]. Sa kanila pa lang nga, up on my toes na ako. Paano pa kaya kay Tita LT? Pero, sabi nga niya, huwag daw akong matakot. Kakayanin ko raw yun. Happy ako dahil nararamdaman kong supportive ang mga kasama ko.

"Sabi nga ni Mommy [Zsa Zsa Padilla], kailangan daw humingi ako ng tips kay Tita LT on how to act. Tiyak na marami pa raw akong matututunan kung magkakatrabaho talaga kami," kuwento pa ni K.

NOTHING BETWEEN HER AND ECHO. Nasabi nga ni K na sa ngayon, open siya for dates. Mas marami siyang kaibigang lalaki ngayon.

"Hanggang doon na lang muna, nobody really special," sabi pa niya. "Lahat sila okey sa akin, gusto ko ng maraming kaibigan, yung maraming nagbibigay ng atensiyon sa akin, and somehow, nagse-share din ako ng attention ko sa kanila.

"Nagkikita rin kami ni Echo [Jericho Rosales] sa set, at nagkakabiruan na lang. Kasi noon, may tuksuhan, di ba? May chika na parang mina-match kami sa isa't isa, e, hindi naman talaga nanliligaw si Echo.

"Kaya wala talagang nangyari sa tuksuhan. Ako naman, wala lang, natutuwa lang ako sa concern ng ibang tao. Kasi, pareho kami ni Echo na nawalan ng love, kaya siguro ganoon. Pero, wala rin kasi talaga," natatawa na lang si Karylle.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN