Ruffa Gutierrez explains why she was crying last week

IMAGE 0


Ruffa Gutierrez tells on The Buzz why she was seen crying off-camera while doing her ABS-CBN late morning show, Ruffa & Ai.


Naging usap-usapan ang pag-iyak off-camera ni Ruffa Gutierrez last week habang ginagawa ang kanyang late morning show na Ruffa & Ai. Naging misteryo naman para sa lahat ang tunay na dahilan nito. Iba't ibang mga espekulasyon ang naisulat sa mga pahayagan.

Isa roon ang tsismis na si John Lloyd Cruz na nali-link sa kanya ang dahilan ng kanyang pag-iyak. Diumano'y nagseselos at nasasaktan daw si Ruffa sa pagiging close ulit at pagkakaroon ng open communication nina John Lloyd at ex-girlfriend na si Liz Uy.

Sa grand presscon ng Star Cinema movie ni John Lloyd with Vilma Santos at Luis Manzano na In My Life last August 25, isa ito sa mga isyu na tinanong sa aktor ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press.

Ayon kay John Lloyd, "Hindi ko alam yun, a."

Sabi pa ng aktor, wala naman daw masama kung nagkakausap sila ni Liz ngayon; maski naman daw sila ni Ruffa ay nagkakausap din. At hindi niya raw talaga alam na may naganap na ganung eksena si Ruffa.

RUFFA REVEALS REASON. Para matigil na ang kung anu-anong tsismis at haka-haka, kanina sa The Buzz ay nagpaliwanag na si Ruffa tungkol sa naturang pag-iyak niya habang kausap ng co-host niya sa show na si Boy Abunda.

"Nationwide news ang pag-iyak ko, di ba? Grabe!" bulalas ni Ruffa bilang tugon sa tanong ni Boy kung ano ang dahilan ng kanyang pag-iyak.

Patuloy pa ni Ruffa, "Anyway, I just like to clear everything. Kasi siyempre marami na ang lumalabas. Marami na ang may haka-haka. So, I'm not gonna go into detail, basta ang gusto ko lang sabihin... Umiyak ako dahil sa daddy ng mga anak ko [Yilmaz Bektas].

"It was Yilmaz that made me cry. Last week, I mean, we're communicating again. Malapit na ang birthday ni Venice [bunsong anak ni Ruffa] sa September 11. So, she was telling me, 'Mommy, when is Baba [tawag ng mga anak ni Ruffa kay Yilmaz] gonna come and visit us.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sabi ko, 'Well, maybe soon, you know he's working.' And she said. 'How soon? Maybe in September?' Sabi ko, 'Yeah, that's next month already. Baka, sige, I'll ask Baba, maybe he'll come and visit you.' 'Can he come on September 11?' And that's her birthday."

Nasasaktan daw si Ruffa para sa mga anak niyang sina Lorin at Venice lalo na kapag hinahanap ng mga ito ang kanilang ama.

"So, parang ang feeling ko, yung mga anak ko hinahanap-hanap na rin siya. So, para sa akin, you know, kahit wala na kami ni Yilmaz, it's been two and a half years, para sa akin nandiyan pa rin yung sakit, Tito Boy. You know, hinahanap siya ng mga anak ko. It's family, it's very personal. So, ayoko namang pag-usapan. At para sabihin pa sa buong mundo," paliwanag pa ni Ruffa.

Ani Boy, "Pero ang importante, ang sinasabi mo ay the reason why you cried is Yilmaz?"

"Yes," sagot ni Ruffa.

"Very clear at wala nang ibang reason?" tanong ni Boy.

"Wala na," diin pa ni Ruffa.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN