Civil case filed by Wilma Galvante against Annabelle Rama will continue after failed mediation

IMAGE 0


The mediation hearing between Wilma Galvante and Annabelle Rama did not work out. And so, the civil case filed by the GMA-7 executive against the talent manager will return to the Quezon City Regional Trial Court.


Magtutuluy-tuloy na sa korte ang P7-million damage suit na isinampa ng SVP for Entertainment TV ng GMA-7 na si Wilma Galvante laban sa talent manager na si Annabelle Rama. Ito ay matapos na hindi nagkaayos ang dalawang kampo sa ginanap na mediation hearing sa Quezon City Hall of Justice noong Biyernes, August 28.

Matatandaang isinampa ni Galvante ang civil case laban kay Rama noong March 17 sa Quezon City Regional Trial Court. (Click here to read related story.)

Pagkatapos ng halos 30 minutes na paghaharap ng dalawa, kasama ang kani-kanilang mga abugado—sina Atty. Alfred Villamor para kay Galvante at Atty. Agnes Maranan para kay Rama—sa opisina ng officiating mediator na si Atty. Ricardo Dacanay, napagdesisyunan nila na wala talagang pagkakataon na magkasundo sila.

Ayon kay Atty. Dacanay, "Actually, meron ngang indication na magpe-fail, e. Kaya lang ako, siyempre, as mediator, we tried our best na magkaroon. So, binibigyan ko nga ng opening. Sinasabi ko na, 'O, may nakikita akong opening dito, mapag-usapan natin.' Pero ano naman, okey naman sila nagkaharap."

Matapos ang proceeding, sinalubong ng media sina Galvante at Rama, pero nabigo ang mga ito na makakuha ng detalye sa naturang paghaharap dahil "confidential" daw ito.

Pero ayon sa legal counsel ni Galvante na si Atty. Villamor, "Alam n'yo naman, she's [Galvante] very composed. She's at her usual self."

Pahayag naman ni Annabelle: "Siyempre, hindi ako puwedeng mag-absent kasi 'yan ang ano ng court. Kailangan na sisipot ka sa mediation kaya ako nandito. Confidential. Ang masasabi ko lang, tuloy-tuloy ang kaso namin."

Dahil nga sa pangyayari, ang kanya-kanyang legal counsel na lang ang nagbigay ng pahayag.

Ayon kay Atty. Villamor, "All that I can say is the mediation proved futile and it failed. To speak about the details at kung ano ang nag-transpire sa loob, it's confidential in nature and I might be cited in contempt if I may have said something about it."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pahayag naman ng legal counsel ni Annabelle na si Atty. Maranan, "Actually, we [prefer] not to comment on the mediation proceedings because it's confidential. So, we will just wait for the subsequent order and report. The result will come out on the mediation report, so, at this point, we're not prepared to say anything."

Sinabi naman ni Atty. Dacanay na ang susunod na hakbang dito ay "ipapa-receive ko sa court ang report na ibinabalik ko ang case. Failed mediation na kami at magta-trial na sila."

Pero ayon kay Atty. Dacanay, puwede pa rin daw silang magkaroon ng compromise agreement at magkaayos.

"Although kahit may case na at magpo-proceed na sa trial, puwede pa rin silang magkaayos kasi civil case naman 'to. Sabihin lang nila sa court na, 'Okey na kami, puwede na kaming mag-agree or puwede ba kaming mag-compromise.' Ina-allow naman ng court 'yan, basta civil case."

Sabi naman ni Rama, "Wala na...wala nang pag-uusapan 'yan."

Pahayag ng legal counsel ni Galvante: "Depende kasi kung ano na ang desire ng both parties. Kung talagang the parties are standing on their position na wala nang settlement, there's no point of proceeding further. Sa tingin ko, malinaw naman yun from the very beginning."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN