Akihiro Sato: "It's a privilege for me to be loved—it doesn't matter kung girls or gays."

IMAGE 0


"And thanks to the Filipinos, that they open opportunities for foreigners who come here, like a taste for everyone. Na why do people from other countries want to be actors in the Philippines, why not in Brazil, why not in America? You guys really showed me you're friendly, really showed me you like me," says Brazilian-Japanese model Akihiro Sato.


Diretsahang inamin ng Brazilian-Japanese model na si Akihiro Sato na crush niya ang Kapuso actress na si Iza Calzado.

"Oo, maganda siya. Pero hindi ko pa siya na-meet. Once ko pa lang siya nakita, sa anniversary ng GMA, we were introduced," sabi ni Akihiro sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

Aminado rin si Akihiro na attracted siya sa Filipina beauties.

Ayon sa kanya, "The Filipinas are very nice looking, very beautiful people, especially in showbiz. All the big artists and singers, they all look very pretty.

May plano ba siyang ligawan si Iza kung sakaling wala itong boyfriend?

Natawa muna si Akihiro bago sumagot. Aniya, "I don't know, but she's really a good actress and really pretty, she has all the characteristics that I'm looking for in a woman."

"IT'S A PRIVILEGE TO BE LOVED." Dahil guwapo at macho si Akihiro, marami siyempre ang nagkakagusto o nagpapantasya—mapa-babae man o mapa-bading. Paano niya ito naha-handle?

"Really? I get surprised when people tell me about it, that they have fantasies about me, that they like me. Whether babae or bakla, it's a privilege for me to be loved—it doesn't matter kung girls or gays," sagot niya.

Hindi ba homophobic si Akihiro?

"No, because all the gays have good heart," aniya. "I am happy with all the compliments they say about me, that's why really masaya ako to be admired by them."

AKIHIRO'S NEW HOME. Successful ang mga Brazilian models dito sa Pilipinas. At si Akihiro, na isang Brazilian-Japanese, ang isa sa itinuturing na top male models ngayon sa bansa. Happy raw si Akihiro na lahat ay nabibigyan ng chance dito sa Pilipinas.

"Not just for me, for Brazilians. And thanks to the Filipinos, that they open opportunities for foreigners who come here, like a taste for everyone. Na why do people from other countries want to be actors in the Philippines, why not in Brazil, why not in America? You guys really showed me you're friendly, really showed me you like me," pahayag ni Akihiro.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Brazilian ang ina ni Akihiro at Hapon naman ang kanyang ama na parehong nasa Brazil. Sa siyam na buwang pamamalagi ni Akihiro sa Pilipinas, last Christmas at New Year lang ulit siya nakadalaw sa pamilya niya sa Brazil.

Mga kaibigan niyang Brazilian na naunang pumunta sa Pilipinas ang naghikayat kay Akihiro na subukan ang kanyang kapalaran dito.

"They advised me that I should try to go to the Philippines because I look like a Filipino," banggit ng hunky model.

Kaya isinantabi muna raw ni Akihiro ang kanyang Physical Therapy course sa Brazil at pumunta na rito sa Pilipinas.

CELEBRITY DUETS. Isa si Akhiro sa nine contenders ng Celebrity Duets Season 3, na hinu-host nina Regine Velasquez at Ogie Alcasid. Ano bang klaseng mga kanta ang gusto niya?

"Hindi ko alam sa ngayon, because if they give me any song, I want to challenge myself. It doesn't matter what kind of song, I'll try," sagot niya.

Lahat daw ng klase ng kantang ibibigay sa kanya sa Celebrity Duets ay aawitin ni Akihiro.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN