Ogie Alcasid a.k.a. Angelina denies "secret wedding" with Regine Velasquez

IMAGE 0


"Last movie muna ni Ogie ito. Siguro next year, lalaki naman siya o kaya bayawak!" says Ogie Alcasid a.k.a. Angelina about Yaya and Angelina (The Spoiled Brat Movie).


Nag-celebrate ng kanyang "7th birthday" si Angelina (Ogie Alcasid) sa Gerry's Grill, Tomas Morato kahapon, September 1, na dinaluhan ng kanyang Yaya (Michael V) at mga magulang na sina Aiko Melendez at Jomari Yllana.

Present din sa nasabing party ang mga big boss ng GMA Films at APT Films na sina Atty. Annette Gozon-Abrogar at Mr. Tony Tuviera.

Sa totoong buhay, Ogie just celebrated his 42nd birthday last August 27 kaya't ang press conference ng latest movie niya with Michael V na Yaya and Angelina (The Spoiled Brat Movie) ay naging children's party na dinaluhan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press.

Naka-pambatang pink gown si Ogie (a.k.a Angelina) all throughout the party at in character din siya kahit sa pagsagot sa mga tanong ng press sa kanya. Ano ba ang wish ni Angelina sa birthday niya ngayon?

"Pinaka-wish ko talaga, itong movie na maging blockbuster. Para magsunod pa yung movie namin ni Yaya. Kasi, napagod kami rito...napagod," sabi niya.

Ito na ang third consecutive movie ni Ogie na kundi babae ay nagpapanggap na babae ang role niya—una sa Desperadas 2 at sa OMG! (Oh, My Girl!).

Ayon kay Angelina, "Nagkataon lang na magkasunod na movie, in character, pero ito naman pambata naman ito. Siyempre po, pasalamat kami sa mga bosses ng GMA Films at APT Films sa tiwala na ibinigay nila kina Yaya and Angelina. Ang saya-saya namin every day, lalo na sa set! Umabot yata kami ng 17 days, pero ang saya-saya namin! Kahit na umuulan, ang saya-saya namin!"

Sa ngayon, last movie na raw muna ni Ogie ang Yaya and Angelina at bilang babae.

"Last movie muna ni Ogie ito. Siguro next year, lalaki naman siya o kaya bayawak!" natatawa niyang sabi.

Biro ni Angelina, nakakasawa na ang Yaya niya dahil four days a week ay kasama niya ito. Bukod kasi sa pelikula nila, magkasama rin sila sa game show na Hole In The Wall at sa gag show na Bubble Gang, kung saan nagsimula ang characters nila ni Michael V.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero every day is enjoyable naman," sabi ni Angelina.

Mas marami pa bang makikita at mapapanood sa kanila ang mga tao kahit halos araw-raw na silang napapanood sa TV?

"Marami!" sagot ni Angelina. "Kung ano ang napapanood n'yo sa TV, sa Bubble Gang, sa Hole in the Wall, ibang-iba ito. Siyempre, mas pinalaki. Mas malaki ang istorya. Tapos siyempre, nakakatawa talaga."

Ipapanood ba ni Ogie sa kanyang dalawang anak na sina Leila and Sarah ang bago niyang movie?

"Oo naman! At saka ito, kapag ipinapanood ni Ogie sa kanyang mga anak, talagang worth it. Kasi, una, nag-i-English-English naman si Angelina. Pangalawa, talagang nakakatawa sa bata ito. Hindi siya bastos. Nakakatawa talaga sa bata."

REGINE AS ANGELINA'S YAYA... Hindi ba naiisip ni Angelina na magpalit na lang ng Yaya?

"Ayaw ko! Kasi, madaling lokohin si Yaya! Hindi siya napipikon, e!" natatawang sabi ni Angelina.

Si Regine Velasquez ba, hindi niya type kuning yaya?

"Bakit, magaling ba yung mag-alaga ng bata? Hindi ko alam. Tanong n'yo kay Ogie!"

Hindi na niya naitatanong kay Ogie?

"Hindi pa. Pero sa tingin ko, mukhang magaling mag-alaga yung Regine kay Ogie. Kasi si Ogie, parang ang pogi-pogi ngayon!" sabi ni Angelina.

Patutulugin at kakantahan daw siya ni Regine ng "And I Love You So?"

"Wow! Ang sweet naman!"

Type niya ba ang ganoong yaya?

"Gusto ko ng ganoong yaya. Kasi itong si Yaya ko, hindi marunong magkanta. Puro siya palpak."

Totoo bang aalis sina Ogie at Regine sa November papuntang Australia?

"Aba, ewan ko! Bakit sa akin n'yo itinatanong?" tawa pa rin ni Angelina.

E, kasi, ikaw ang nakakakilala sa kanila.

"Oo, aalis sila, pero hindi pa confirmed!" tawa ulit niya. "Oo, November... November, aalis sila. Siguro mga two weeks, bakasyon na rin, ganyan. Kasi alam ko, matagal silang hindi nagbakasyon, so magbakasyon muna sila."

OGIE-REGINE WEDDING? Alam na ba ni Ogie kung ano ang ireregalo niya sa kasal ng kanyang ex-wife na si Michelle Van Eimeren?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Meron naman, pero, secret daw. Kasi, secret!"

Bakit sinabi ni Michelle na magpapakasal na raw sina Ogie at Regine?

"Sinabi niya yun? Hindi, yun lang ang wish niya siguro. Alam naman ng lahat na may kailangan pang ayusin si Ogie. Siguro yun ang wish ni Michelle sa kanilang dalawa, na ang cute naman, di ba?" paliwanag ni Angelina.

Nagbiro rin ang daddy ni Ogie na si Mr. Herminio Alcasid sa SOP noong Linggo kung kailan daw darating si "Herminio III." Ano ang reaksiyon dito ni Ogie, na Herminio Alcasid Jr. ang pangalan?

"Yun lang ang parang minimithi ng lolo. Tuloy, natsismis na parang buntis si Regine, pero hindi naman."

Matagal pa bang dumating si Herminio III?

"E, hindi pa natin yun puwedeng pag-usapan. Kasi nga, si Ogie, may inaayos pa."

May balita na nagpa-secret wedding na raw sina Ogie at Regine. Totoo ba yun?

"Paano naman mangyari yun, e, hindi pa nga ayos? Nag-date lang sila bago mag-birthday... Ano ba yun, asalto. Akala siguro 'kasal to,' pero asalto lang!" tawa ni Angelina.

Naiintindihan naman ni Regine na sa kanilang dalawa, si Ogie ang hindi pa handang magpakasal.

"E, wala rin namang puwedeng pilitin, di ba? Kailangan talagang ayusin. Pero alam mo, nagmamahalan nang tunay ang dalawa kaya yun ang maganda."

Kailan naman kaya gagawa sina Ogie at Regine ng movie?

"E, kasi, nauna rin itong ibang project. Pero sana, next year, ipagdasal natin na matuloy. May ginagawa rin sina Regine at Aga Muhlach."

Disappointed ba si Ogie na hindi natuloy ang movie nila ni Regine?

"Siyempre, na-disappoint si Ogie. Pero gaya ng sabi ng iba, talagang nasa panahon ni God 'yan kung kailan dapat. Minsan, mahirap ipilit ang mga bagay. So, kung mangyayari yun, mangyayari. Mahirap ipilit."

After ng Yaya and Angelina: The Movie, magko-concentrate naman daw si Ogie sa pagkanta.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Well, ang alam ko, tatapusin ni Ogie yung album niya for the last quarter. And then, may show sila ni Janno Gibbs sa States sa November, and then, December, mag-tour sila ni Regine for Europe. Concert muna and then, bakasyon ng konti."

Showing na sa September 23 ang Yaya and Angelina (The Spoiled Brat Movie).


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN