Xian Lim stopped courting Katorse co-star Erich Gonzales

IMAGE 0


"I did stop. Kasi, both of us had an agreement na work muna. Kasi, we realized that this is bigger than we imagine. And this break is only given to certain people. The opportunity only comes back again [only] once," says Xian Lim (in photo) about his decision to stop courting Erich Gonzales.


Malakas ang dating ng baguhang si Xiam Lim. Hindi nakapagtataka na kahit medyo bago pa lang siya sa showbiz ay nakasama na ang Kapamilya star sa Top 10 centerfolds ng Cosmo Bachelor Bash this year.

Pero bago pa man siya mag-artista, na-feature na rin siya sa Cosmo Bash last year, kung saan dumaan pa siya sa go-see.

"I was just modeling at that time. It was last September of last year and it was my first go-see ever. Kakagaling ko lang sa States noon. When I said I wanted to try modeling, yun ang pinaka-first go-see ko. Kinakabahan pa ako and I was super happy to know that I'm gonna be part of the shoot," kuwento ni Xian nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa presscon na ipinatawag ng Cosmopolitan for the September 2009 issue.

This time, hindi na raw siya dumaan sa go-see at in-inform na lang siyang kasama siyang muli sa piling-piling 69 bachelors.

"Super happy po akong talaga noong sinabihan ako," sambit ni Xian.

Sa September 10 ang fashion show ng Cosmo Bachelor Bash sa NBC Tent. So, this time na mas kilala na siya at umeere na ang kanilang serye na Katorse, ano naman ang pinaplano niyang gimmick?

"Last year po kasi, naka-long-sleeve pa ko. This time, wala nang long sleeve!" natatawa niyang sabi.

"Pero tingnan po natin kung ano ang maiiba sa akin this year," pahabol niya.

Magta-trunks na lang ba siya?

"Tingnan po natin... Titingnan ko rin po sa result ng katawan ko that day kung ano ang maramdaman ng katawan ko."

Nagdyi-gym na raw siya as part of preparation. Pero dati raw, nagpapalaki siya ng katawan para sa pagiging basketball player niya. Ngayon nga lang daw na nakasama siya sa Cosmo Bachelor Bash, ibang workout naman ang ginagawa niya to show his sexiness.

Pero ayon kay Xiam, hindi naman daw siya nakikipagtalbugan with other Cosmo Bachelors.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"For me naman, I don't consider it as a competition. I just want to enjoy it to the fullest talaga and just do my best. Kung ganito ang katawan ko, I'm just gonna be happy," aniya.

Inimbitahan na ba niya ang co-star niya sa Katorse na si Erich Gonzales sa Cosmo Bachelor Bash?

"Actually, sinasabihan ko siya sa set, kami ni Ejay [Falcon] actually. Ejay was always telling them sa set na, 'Uy, nood kayo ha!' Sabi nila, 'We'll see.' Kasi, busy naman silang lahat. We'll be lucky kung makapunta man sila."

KATORSE. Finally, naipalabas na ang serye nilang Katorse. Hindi itinatago ni Xian ang kasiyahan niya sa bagay na ito.

"Super happy and knowing that it's my biggest break, super happy pong talaga. Marami na rin sa family ko ang sumusubaybay."

Alam naman daw niyang pagdating sa kanyang performance, marami pa siyang dapat na i-improve.

"The way I deliver my lines. I mean, it's a learning process naman and I'm open to all their comments."

Kung dati raw ay niligawan niya si Erich at aminado siya sa bagay na ito, ngayon ay pareho sila ni Erich na nagpu-focus muna sa opportunities na dumarating sa kanila.

"Inamin ko naman po before na nanligaw ako sa kanya. Pero ngayon po, ayoko na pong gawin ang word na ligaw. I wanted more of showing her how I feel about her, just making her feel special. Kasi, special naman po talaga siya. Para sa akin, I think, she's a special girl," sabi ni Xian.

Huminto na raw siya sa panliligaw kay Erich.

"I did stop. Kasi, both of us had an agreement na work muna. Kasi, we realized that this is bigger than we imagine. And this break is only given to certain people. The opportunity only comes back again [only] once."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nabasted ba siya?

"Hindi naman po," paglilinaw ni Xian. "Hindi po naging kami, pero hindi naman po ako nabasted. It's more on mutual understanding na ano talaga, work muna talaga. I-enjoy muna namin nang lubos-lubos ang mataas na pagri-rate ng Katorse."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN