Dingdong Dantes does not want to give in to pressure on his first teamup with Rhian Ramos

IMAGE 0


"May pressure siya kung talagang iisipin kong may pressure. Pero ako kasi, ang talagang thinking ko ngayon, much more than iisipin ko ang pressure, mas gusto kong pagbutihan na lang dahil ayokong magkaroon ng any personal na regrets after kung maging okey man o hindi. Basta ako, always positive outlook and palaging pagbubutihan na lang," says Dingdong Dantes about his first teamup with Rhian Ramos in Stairway To Heaven.


Bago pa man maging phenomenal hit ang pagtambal ni Dingdong Dantes kay Marian Rivera, naipareha na noon ang aktor kina Antoinette Taus, Tanya Garcia, Iza Calzado, at Karylle. Sa mga panahong may katambal si Dingdong onscreen ay may pagkakataon na iba ang karelasyon niya sa totoong buhay, pero hindi ito naging hadlang upang tangkilikin ng mga manoonood ang mga palabas ng aktor.

Sa upcoming drama series ng GMA-7 na Stairway To Heaven ay may panibago na namang leading lady si Dingdong sa katauhan ni Rhian Ramos. Tinanong ng PEP si Dingdong kung may pressure ba siyang nararamdaman ngayong iba na ang kapareha niya pagkatapos ng tatlong sunud-sunod na telenevola nila ni Marian. Bukod pa rito ang katotohanan na alam na ng lahat ang namamagitan sa kanila ng aktres.

"May pressure siya kung talagang iisipin kong may pressure," sabi ni Dingdong. "Pero ako kasi, ang talagang thinking ko ngayon, much more than iisipin ko ang pressure, mas gusto kong pagbutihan na lang dahil ayokong magkaroon ng any personal na regrets after kung maging okey man o hindi. Basta ako, always positive outlook and palaging pagbubutihan na lang."

Sa case nila ni Rhian, who will play Jodi sa Stairway to Heaven, ito raw talaga ang una nilang pagsasama sa isang project.

"First talaga na magkasama kami. Kasi siyempre, iba yung workshop, iba yung audition. Ang taping, yun na ang real thing. Ayos naman, magaan naman ang set. At saka yung mga eksena naman, magaan naman. Nakikita ko na very cooperative namin with each other and very cooperative namin with the director. So, you know, talagang open kami. Kaya siguro yun ang first step para maging maganda ang pagganap namin sa mga role," saad ni Dingdong.

Naramdaman ba niya na may chemistry sila ni Rhian?

"I think, viewers ang makakasabi," sagot ng aktor. "Pero sa amin, ano naman, noong ginagawa namin yun, wala naman akong naramdamang mali. For me, it's still too early to tell magmula dun, at mas dumami pa ang mga pagsasamahan namin. Pero, positive naman ang pakiramdam ko."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagkasundo ba sila agad?

"Ah, oo, right away naman."

Dito ba sa Stairway To Heaven ay puwedeng patunayan na kayang mag-hit ng isang project kahit walang romantic angle sa mga bida?

"Ah, oo," pagsang-ayon ni Dingdong. "Ako, naniniwala ako dun. Parang halimbawa sa mga pelikula, kahit alam nating iba-iba ang background ng mga actors and actresses, pero kapag maganda talaga yung material at pagkatapos magagaling pa sila, talagang makakalimutan mo kung ano ang istorya ng buhay nila."

Ang Stairway to Heaven ay isang napakagandang love story sa mga role na gagampanan nina Dingdong bilang Cholo at Rhian bilang Jodi. May nagbiro kay Dingdong kung masisiguro kaya niyang hindi sila made-develop ng kanyang leading lady habang ginagawa nila ang primetime series?

Natawa ito sabay sabing, "Klaro naman na, siyempre, bilang respeto sa kanya bilang isang artista at respeto rin sa kung anuman ang nagaganap sa aming pareho, siyempre dapat na unang umiral ang professionalism sa lahat ng bagay."

Binanggit ng PEP kay Dingdong ang obserbasyon ng ilan na may tendency kasi siyang ma-in love sa nagiging leading ladies niya. Ano ang reaksiyon niya rito?

"Mas mabuti na yun kesa maging kaaway, di ba?" nakangiti niyang sabi.

So, puwede ring mahulog ang loob niya kay Rhian?

"Like what I've said, klaro naman ang objective. At maganda ang intention namin para sa show at sa isa't isa. Maganda naman ang kakalabasan, hindi lang ng Stairway to Heaven kung hindi para sa amin as actor and actress," pagdidiin ni Dingdong.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN