Vice Ganda witnesses Vilma Santos's humility while shooting In My Life in New York

IMAGE 0


"Hindi ko malilimutan ang experience na ito. Nakakaloka! Yung mga Pinoy kasi sa New York, avid fans, pero parang nahihiyang mag-approach. Ang ginagawa ni Ate Vi, siya na mismo ang lumalapit at nagyayaya siya sa fans na magpa-picture taking na. Bongga! Wala siyang kaere-ere. No wonder, kaya pala naging Star For All Seasons ito!" says Vice Ganda about Star For All Seasons and Batangas Gov. Vilma Santos.


Nakaranas si Vice Ganda ng primera klaseng humility mula sa Star For All Seasons at Batangas Governor Vilma Santos habang ginagawa nila ang In My Life sa New York. Isa sa supporting cast ng pelikula si Vice.

"Sa New York ko na mismo na-meet si Ate Vi. Sa story conference, hindi ko siya nakita doon. Bongga talaga nang makita ko siya! Parang wala lang. Wala yung dating na parang 'Ate Vi ako!' Para siyang mother to everyone. Maasikaso siya. She reaches out to everyone," kuwento ng stand-up comedian sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

Sa ibang bansa, kung saan ngaragan ang trabaho, doon napuna ni Vice ang grace under pressure ng isang Vilma Santos.

"Hindi ko malilimutan ang experience na ito. Nakakaloka! Yung mga Pinoy kasi sa New York, avid fans, pero parang nahihiyang mag-approach. Ang ginagawa ni Ate Vi, siya na mismo ang lumalapit at nagyayaya siya sa fans na magpa-picture taking na. Bongga! Wala siyang kaere-ere. No wonder, kaya pala naging Star For All Seasons ito!" lahad ni Vice.


Nakasama na ni Vice sa ibang projects ang dalawa pang lead stars sa In My Lifena sina John Lloyd Cruz at Luis Manzano; si John Lloyd sa Maging Sino Ka Man at si Luis sa Dyosa.

"Kaya wala nang adjustment," sabi ni Vice. "May gay bar scene din sila sa New York, e. Actually, totoong nag-gay bar sila para ma-expose sila doon at maramdaman nila yung atmosphere mismo. Unfortunately, hindi na ako nakasama. Paalis na ako. Papunta na akong Los Angeles noon, e. Wala munang shooting noong una. Para ma-expose lang sila sa gawi ng mga tao doon. Workshop bale."

Isang crossdresser ang role ni Vice sa In My Life.

Aniya, "Kuntodo makeup ako. Bale, sa barkada, ako ang naiba. Sina Luis at Lloydie, pa-macho pa ang dating nila. Pero ako, all-out ang pagka-girl! Ako yung comic relief dito. Heavy drama kasi ang pelikula. Dapat, ako ang breaker. Yun ang laging sinasabi ni Direk Olive sa akin. May pressure sa akin. Magaan sa umpisa ang pelikula hanggang bumigat nang bumigat, pagapang ang emosyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Malaking chance ito para sa akin.... Direk Olive Lamasan ang direktor. Napakalaking project na nakakaloka, na ang shooting, sa New York pa!"

Mas pinaboran daw ni Vice ang chance to work with Ate Vi kaysa makatrabaho si Sharon Cuneta sa BFF (Best Friends Forever).

"Sabay kasi ang shooting halos, e. Very tight ang schedule ng BFF at naunang maipalabas yun, di ba? Hindi ako hihintayin ni Mega, 'no! Bongga sana yun. In a year, may Mega, may Star For All Seasons pa. E, nagsabay. 'Kakainis!" natawa na lang ang komedyante.

Naghihintay lang si Vice ng regular work sa ABS-CBN ngayon sa kabila ng pagiging visible niya sa guestings. Inuna kasi niya ang mga karaketan abroad na naisara ng manager niyang si Ogie Diaz.

Mas bongga nga raw ang career niya ngayon kesa kay BB Gandanghari na nawala na yata nang tuluyan sa eksena.

"Iba kasi, komedyante ako," sabi niya. "Hindi naman komedyante si BB, supermodel siya! Naku, ayoko nang mag-comment tungkol sa kanya! Wala akong ibang maipapayo sa kanya kung hindi ipagpatuloy niya kung ano yung mga bagay na makapagpapasaya sa kanya. Yun ang essence ng buhay. The last time I saw him sa TV, parang masaya naman siya. Maganda ang aura niya sa TV. Go lang nang go!"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN