Ex-couple Aiko Melendez and Jomari Yllana are proud parents to their son Andrei

IMAGE 0


"Yung seven or eight days namin na shooting, na-enjoy namin. Ang dami naming puwedeng pag-usapan, ang dami naming puwedeng pagkuwentuhan. Pero pinakamasaya ako is kung anuman yung hindi magandang pinagdaanan namin in the past nung mapag-usapan namin sa set, e, pinagtatawanan na lang namin. Yun ang maganda dun. Kumbaga, parang nakapag-move on na kami pareho sa hindi magandang pinagdaanan namin," says Jomari Yllana about ex-wife Aiko Melendez.


Proud parents sina Aiko Melendez at Jomari Yllana sa anak nilang si Andrei dahil isa ito sa mga bagong endorsers ng Bench Tweeners, along with Zaijian "Santino" Jaranilla (gumaganap na Santino sa May Bukas Pa) and Juliana Gomez (anak nina Richard Gomez at Lucy Torres).

Sa magkahiwalay na interview ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kina Aiko at Jomari sa presscon ng pelikulang Yaya & Angelina (The Spoiled Brat Movie) na ginanap sa Gerry's Grill restaurant sa Tomas Morato, Quezon City last September 1, inamin ng dalawa na hindi nila maiwasang mapangiti sa tuwing makikita ang Bench billboard ng anak, lalo na si Jomari na for the longest time ay naging model ng Bench.

Ayon kay Aiko, "Siyempre isa akong proud mom dahil nasa main street talaga ng Edsa yung billboard niya. I'm really proud of him. Bench model din si Jom. So, who knows ang anak niya ang susunod sa trono niya."

Bulalas naman ni Jomari, "Proud, very proud! Pero siyempre, limited din yung puwede niyang gawin kasi nga nag-aaral pa. Yung billboard niya kapag nakikita ko, napapalingon ako talaga kasi nakakatuwa din. At saka yung ginagawa niya, gusto niyang gawin."

Ayon kay Jomari, hindi naman daw nila pinilit si Andrei na maging endorser. Ang anak daw nila talaga ang may gusto nito.

"Hindi namin siya pinilit. Binanggit niya sa akin isang araw yun, e, na gusto niya. Sabi niya, 'Dada, can you tell Ninong Ben [Ben Chan] na I want to endorse.' Kasi in-offer na siya before, kaso ayaw niya. After a year yata, sinabi niya sa akin na, 'Dada, puwede na. I like it.' So, yun," wika ni Jomari.

Paano kung sabihin ni Andrei one day na gusto na rin niyang mag-artista, papayagan ba nila ito?

Sabi ni Aiko, "Kasi I'm the type of mom na 'finish your school first, then we'll talk after'. Kasi I'm a very supportive mom, so gusto kong suportahan kung anuman ang gusto ng anak ko. Pero not now."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paliwanag naman ni Jom, "The only time he can do extra-curricular activities is on weekeneds lang, e, 'pag Saturday and Sunday lang. 'Pag Sunday kasi sacred sa amin, kasi kaming dalawa yung Sunday, e. Minsan Saturday din. Puwede namin siyang payagan, pero he's only allowed on a Saturday or Sunday lang. Kasi yung Monday to Friday, hindi puwede talaga, eskuwela kasi yun, e."

Si Aiko raw ang humahawak ng finances ni Andrei. At sa unang suweldo ni Andrei bilang Bench endorser ay ibinangko niya raw most ng kinita nito at binigyan niya lang ang anak ng pambili ng gusto nitong laruan.

"Yung ten percent I alloted it para sa toy niya. Yung the rest, I put it in the bank. Malaking tulong na rin sa akin kasi yung clothes niya, provided na ng Bench e. So, toy talaga ang pinabili niya."

Anong toy ang binili ni Andrei?

"He's into airsoft kasi ngayon, e, yung mga baril. So, alam mo talagang lalaki. So, hindi ako nangangamba!" natatawang sabi ni Aiko.

THE SPOILED BRAT MOVIE. Sabi nina Aiko at Jomari, ikinatuwa raw ni Andrei nang malaman na magkatrabaho silang dalawa sa movie na Yaya & Angelina (The Spoiled Brat Movie) na pinagbibidahan nina Michael V at Ogie Alcasid as Yaya and Angelina, respectively. Mas na-appreciate din daw ni Andrei ang setup ng parents niya ngayon.

Reunion movie ito nina Aiko at Jomari na huling nagkasama sa pelikulang Kahit Kailan noong 1997. Mommy at daddy ni Angelina ang roles nila sa movie. Pareho ngang na-enjoy nina Aiko at Jom ang mahigit isang linggo nilang shooting. Mas naging close daw sila even after na maging magkaibigan sila matapos ang kanilang paghihiwalay.

"Kasi walang pressure, e," sabi ni Aiko. "Kaysa nung last movie namin na Kahit Kailan, kasi kami noon. May selosan noon because may relationship kami. Here, walang pressure kahit sino ang makita kong kasama niya. It doesn't affect me or bother me anymore. And I'm working also with Ogie at Michael V, who happens to be mga kumpare namin, kaya masaya talaga sa set."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi naman ni Jomari, "Very open yung pagte-text namin, yung communication namin. Minsan nag-o-open siya ng problema niya sa akin. Minsan ako, ganundin, nag-o-open up ako. Kuwentuhan konti. Pero yung pagtatrabaho namin, it's been years na hindi kami nag-work together. Yung seven or eight days namin na shooting, na-enjoy namin.

"Ang dami naming puwedeng pag-usapan, ang dami naming puwedeng pagkuwentuhan. Pero pinakamasaya ako is, kung anuman yung hindi magandang pinagdaanan namin in the past nung mapag-usapan namin sa set, e, pinagtatawanan na lang namin. Yun ang maganda dun. Kumbaga, parang nakapag-move on na kami pareho sa hindi magandang pinagdaanan namin."

May napansin ba silang pagbabago sa isa't isa noong ginawa nila ang movie na ito?

Ayon kay Jomari, "Hindi siya nagbago. She's the same sweet person I know. 'Pag tinitignan ko natatawa nga ako e, kung paano siya maglaro, kung paano siya magbiro, ganun pa rin. Different lang is may rank siya ngayon, she's a public servant."

Sabi naman ni Aiko, "Sa outlook niya sa buhay, wala pa rin. It's still the same Jomari na kilala ko dati. Pero hindi ko na siya kilala on a deeper level kasi hindi ko siya tinatanong unless siya mismo ang magkukuwento sa akin. Kasi when it comes to personal things, I don't ask."

Ayon pa kay Jom, kung ide-describe ang friendship nila ni Aiko ngayon masasabing sila ay "good friends trying to be good parents."

CELEBRITY DUETS. Isa si Jomari sa mga contenders sa Season 3 ng Celebrity Duets ng GMA-7. Noong presscon nito ay sinabi ni Jomari na gusto niyang maka-duet ang kanyang mga dating nakarelasyon na sina Aiko, Ara Mina, at Pops Fernandez. Nasabi na ba niya kay Aiko ito?

"Na-invite ko na siya, hinihintay ko na lang ang sagot niya. Hinihintay ko na lang ang matamis niyang oo!" biro ni Jom.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Anong song naman ang gusto niyang kantahin nila ni Aiko?

"Kailangan ballad, e, for her ballad talaga. So, pag pumayag si Aiko, ang gagawin ko, kakantahan ko lang siya. Iisipin ko yung pinakamagandang kantang babagay sa kanya. It should be a love song," tugon ni Jom.

Ikinagulat naman ni Aiko nang malaman niya mula sa mga press na gusto pala siyang maka-duet ni Jomari sa sinalihan nitong Celebrity Duets.

"To be honest, ngayon ko lang nalaman talaga na gusto niya akong maka-duet. Kaya hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa inyo. Tingnan natin. I'll think about it," sabi ni Aiko.

Nagkabiruan pa nga si Aiko at mga press na "Separate Lives" daw ang kantang bagay na i-duet nila dahil magkahiwalay na sila ngayon.

OTHER CAREERS. Samantala, sigurado na raw na tatakbo sa mas mataas na puwesto si Aiko sa 2010 elections. Mula sa pagiging councilor ng Quezon City District 2, kakandidato siya as vice mayor ng QC. Natuwa nga si Aiko nang malamang willing siyang suportahan ni Jomari sa kanyang pagkandidato.

"I know naman na yung support ni Jomari ay laging nandiyan. Kasi, siyempre, nanay ako ng anak niya, di ba? Kumbaga, it's given already. Niloloko ko lang sila na financial support ang mas kailangan ko sa kanya," ani Aiko

Bukod sa The Spoiled Brat Movie, under negotiation din daw ang susunod na pelikula ni Aiko under Regal Entertainment, kung saan makakasama niya ang mga kaibigang sina Carmina Villarroel at Ruffa Gutierrez. Marami rin daw siyang nakukuhang offer na teleserye at indie films, pero kailangan daw nilang pag-usapan ito ng kanyang bagong manager na si Boy Abunda.

Inamin naman ni Jomari na muntik na rin siyang sumabak noon sa pulitika. Dapat sana ay tatakbo siyang councilor ng ParaƱaque pero hindi nga natuloy dahil nag-give way siya para sa kanyang kapatid na si Anjo Yllana. Sa ngayon daw ay wala sa isip niya ang pagkandidato. Not in the near future daw.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mas gusto nga raw niyang pagtuunan ng pansin ang newfound career niya na pagpo-produce ng concerts. Isa siya sa responsible sa nakaraang successful concert ng American Idols na sina David Cook at David Archuleta at ang YouTube sensation na si Marie Digby. Sa ngayon daw ay gusto naman niyang mag-focus sa local artists.

"Sa ngayon gusto ko namang i-tap ang local artists. Pero wala pa kaming naka-sked. Sana before the year ends, sana makahabol kami by December," sabi ni Jomari.

Sa ngayon gusto munang mag-focus nina Aiko at Jomari sa pagpo-promote ng movie nilang Yaya & Angelina (The Spoiled Brat Movie). Bukod kina Ogie, Michael V., Aiko at Jomari, kasama rin sa cast nito sina Iza Calzado, Leo Martinez, Roxanne Guinoo, Sheena Halili, Victor Aliwalas, Pekto Nacua, at John Feir.

Produced by APT Entertainment and GMA Films, sa ilalim ng direksyon ni Mike Tuviera, ang Yaya & Angelina (The Spoiled Brat Movie) ay mapapanood na sa mga sinehan simula sa September 23.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN