Rufa Mae Quinto reacts to Mo Twister's Twitter entry saying she's "engaged to Mikey Arroyo"

IMAGE 0


"Ano ba ang ginawa ko na masama? Palagi na lang niya akong pinaglalaruan, hindi naman ako manika. Nakikipagpustahan pa siya! Kung gusto niya na pumusta, maglaro siya ng baraha. Magsugal siya," says Rufa Mae Quinto in reaction to the Twitter entry of Showbiz Central co-host Mo Twister (inset, top) that she is allegedly engaged to Congressman Mikey Arroyo.


Malungkot na malungkot ang boses ng sexy comedienne na si Rufa Mae Quinto nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kaninang umaga, September 4, sa telepono. Ito ay dahil sa bagong isyu na kinasasangkutan nila ng kanyang Showbiz Central co-host na si DJ Mo Twister.

Hangga't puwede, ayaw na raw ni Rufa Mae na patulan si Mo dahil daw nagagamit siya. Napansin daw niya na nag-e-enjoy si Mo kapag pinag-uusapan.

Pero hindi napigilan ni Rufa Mae ang mag-react nang malaman niya ang Twitter entry ni DJ Mo na isinulat nito noong August 30, 2009, 7:11 p.m., at nabasa ng maraming tao: "mark my word, let me proclaim, i believe rufa mae quinto is engaged to mikey arroyo. Who wants to bet im wrong?"

Nakaramdam daw si Rufa Mae ng panlalamig at pananakit ng tiyan sa statement ni Mo, na nagli-link sa kanya sa presidential son at congressman na si Mikey Arroyo.

Dati nang may hidwaan ang dalawa dahil nasaktan si Rufa Mae sa mga ginagawa sa kanya ni Mo, pero naging polite pa rin daw siya. Two weeks ago, binati at bumeso na si Rufa Mae kay DJ Mo dahil ayaw na raw niyang mag-entertain ng negative thoughts/feelings sa kapwa.

"Binati ko na siya two weeks ago dahil masaya ako sa buhay ko. Ayoko na ng mga negative, tapos nabalitaan ko ngayon ang isinulat niya sa kanyang Twitter account. Hindi ako galit kay Mo, pero palagi na lang niya akong binabastos. Bastos siya!

"Nakaka-sad talaga. Bakit ba ganoon? Ano ba ang ginawa ko na masama? Palagi na lang niya akong pinaglalaruan, hindi naman ako manika. Nakikipagpustahan pa siya! Kung gusto niya na pumusta, maglaro siya ng baraha. Magsugal siya," pahayag ni Rufa Mae.

Maaaring nagsimula ang panibagong gusot sa pagitan ng Showbiz Central co-hosts nang magpa-interview si Rufa Mae tungkol sa nabili niyang bahay sa San Francisco, California kamakailan. Sinabi kasi niyang may kinalaman ang bago niyang boyfriend sa pagbili niya ng bahay na ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Isiniwalat din ng sexy comedienne na engaged na sila ng kanyang boyfriend at malapit na siyang lumagay sa tahimik. Pero hindi binanggit ng sexy comedienne ang pangalan ng kanyang boyfriend, na ikinataka ng marami at nagpasimuno ng maraming espekulasyon.

Ngayon ay nagtataka si Rufa Mae kung bakit nag-conclude si Mo na si Mikey ang kanyang tinutukoy. Ngunit hindi rin naman nakakatulong na hindi sinabi nang tahasan ng comedienne-host na hindi nga si Mikey Arroyo ang boyfriend nito.

Hindi na raw alam ni Rufa Mae ang gagawin para tantanan siya ni Mo. Wala naman siyang reaksiyon nang sabihin namin na baka nagugustuhan siya ng kanyang co-host kaya may opinyon ito sa lahat ng mga sinasabi at ikinikilos niya.

Magkikita sina Rufa Mae at Mo sa Showbiz Central sa Linggo, September 6. Inaabangan ang kanilang pagtatagpo dahil masyadong transparent si Rufa Mae. Hindi niya maitago ang nararamdaman na sama ng loob kay Mo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN