Friends of Johven Velasco share fond memories of late writer-director at book launch

IMAGE 0


A person's life is often measured by how he is remembered, and by that standard, the late entertainment writer, playwright and stage director had led a full and varied one. Multi-awarded actress Jaclyn Jose (right) and "Prince of Indie Films" Coco Martin, count themselves one of the lucky ones who had Joven Velasco as "nanay-nanayan," teacher, colleague and mentor.


Naging makabuluhan ang paglunsad ng Huwaran/Hulmahan Atbp. (The Film Writings of Johven Velasco) noong Martes (Setyembre 1), sa Ishmael Bernal Gallery, Adarna Theater, UP Film Institute, Quezon City, bilang paggunita sa ikalawang taon ng pagpanaw ni Velasco, isa sa mga maituturing na "icon" ng pamamahayag pang-aliwan at bilang manunulat at direktor ng mga dulang pang-entablado.

Mula sa pagiging stage director, na identified sa PETA (Philippine Educational Theater Association), si Velasco ay nahubog din bilang direktor sa telebisyon (sa pamamagitan ng PETA-Bisyon) kung saan nakapagdirehe siya ng mga prize-winning, acclaimed teleplays, kabilang dito ang Oryang at Relikaryo noong late 1990's.

Sa entertainment writing higit na nakilala si Johven Velasco, sanhi ng pagiging isa niyang self-proclaimed avid fan of actress Susan Roces, the acknowledged movie queen of the 1960's.

At bilang pagbibigay-halaga sa okasyon, dumalo ang aktres, kasama ang kanyang anak na si Grace Llamanzares Poe, sa ginanap na book launching.

Naging mabunga ang naturang event, na pinagtulung-tulungan ng mga kaibigan ni "Sir" Johven (kabilang dito sina direktor Ellen Ongkeko-Marfil, talent manager Edgar Instrella, G. Manny Melgar, film critic and scholar, Joel David, indie filmmaker, Jerrold Tarog, a former Film History student of Velasco at UP, etc., mga bumubuo at kaanib sa PETA, at marami pang iba); ng mga tagapagtaguyod ng University of the Philippines Film Institute (sa pamumuno ng filmmaker na si Ed Lejano); at ng UP Press.

JOHVEN'S LEGACY. Bilang manunulat, dating direktor, at propesor sa UP, nag-iwan ng mabuting legacy si Johven Velasco sa pangkalahatang daigdig ng aliwang pang-lokal.

At tampok sa Huwaran/Hulmahan Atbp. ang mga katangiang ito, bilang isang antolohiya ng mga artikulong pampelikula na kaniyang sinulat sa iba't ibang malaganap na pahayagan. Sa 250-page na aklat ay napagsama-sama ang mga artikulong kaaaliwang basahin ng mga mag-aaral ng kursong film, mga propesyunal sa media arts, at mga masusugid na tagasubaybay ng local movies, noon at magpahanggang ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dito'y maraming mga isyung nauukol sa Philippine entertainment ang maituturing pa ring makabuluhan hanggang sa kasalukuyan. Kabilang dito ang kahalagahan ng integridad ng mga kandidato para sa pagpili ng Pambansang Alagad Ng Sining (National Artist)—as exemplified by the late actor-director and producer, Fernando Poe, Jr., na nasa cover ng libro, kasama ang mga larawan nina Susan Roces at ng author).

Kabilang din sa mga tinalakay ni Velasco ang napapanahong pagtanggap sa responsableng paggawa ng pelikulang pang-mainstream at kaukulang panghihikayat sa malayang paggawa ng makasining na pelikula o independent cinema production.

HER NO. 1 FAN. Sa ginanap na programa (nagsimula ng ika-5:30 ng hapon, dahil napakaagang dumating ng guests of honor na sina Ms. Susan Roces and her daughter, Grace Llamanzares Poe), naging kuwela ang ginawang pagbasa ng mga sipi (excerpts) na mula sa mga artikulong sinulat noon ni Johven Velasco.

Kabilang dito ang Susan Roces: A Very Special Participation, sa pagbasa ni direktor Joel Lamangan, kung saa'y dinetalye ni Velasco ang naging pagkamulat niya sa daigdig ng pelikula at dagliang paghanga, bilang avid fan, ng magandang aktres na si Susan Roces.

Looking at the former movie queen, na binansagang "the face that refreshes" noong kasikatan nito in the '60's, ay siya pa ring "face that refreshes" hanggang sa kasalukuyang panahon, o matapos ang limang dekada.

Sabi nga ng premyadong writer (na debuting director ng Biyaheng Lupa) na si Armando "Bing" Lao (also a friend of Velasco), patungkol kay Ms. Roces, "maganda pa rin siya... hindi nagbabago ang mukha niya!"

LOVERS OF BEAUTY. Halos lahat ng hapong 'yon ay maituturing na "lover of beauty," kaya akma ngang dumalo ang actress-beauty queen who was so honored na ang isa niyang dating avid fan ay binibigyan ng kaukulang tribute.

Sa kanyang pananalita, simple lang ang nabanggit din ni Susan Roces, tungkol sa magandang karanasan ng naging paghanga rin niya noon, sa mga tulad nina Gloria Romero at Nida Blanca. "Natutuwa ako and feel so honored na naimbitahan ngayon, dahil nakaka-relate din ako sa naging karanasan ni Johven Velasco. Hindi ko rin maikakaila na noong araw, naging fan din ako, at ginagaya ko ang mga damit ni Ms. Gloria Romero..."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa pananalita naman ni Grace Poe, kung si Johven Velasco raw ay ginagaya si Susan Roces, habang nasa harap ng salamin noon, siya naman daw, noong bata pa, ay ginagaya si Fernando Poe, Jr. Kuwelang pagbanggit, bilang pag-complement, sa naging karanasan ng may akda ng libro.

"Nalulungkot lang ako dahil sa matindi niyang paghanga kay mommy (Susan), sana nagkakilala rin kami noon..." matapat na wika ng daughter nina FPJ at Susan.

JACLYN REMEMBERS JOVEN'S INTERVIEWS. Dalawa pa sa movie personalities o film celebrity na kabilang sa indie cinema movement, na nagbigay-tribute kay "Kuya" Johven ay ang multi-awarded actress na si Jaclyn Jose at ang fast-rising young actor na si Coco Martin.

Si Jaclyn, isa sa mga totoong hinangaang aktres ni Johven Velasco, mula pa sa pagsisimula nito noong late '80's hanggang maging multi-awarded actress throughout the '90s and the new millenium's first decade.

Hindi malilimutan ni Jane (palayaw ni Jaclyn) ang ka-simplehan at ka-naturalan ni Johven V, na sa interbyu, ay tahimik lang ang pakikitungo, simple lang ang mga pagtatanong, at halos hindi nagsasalita, pero malalim ang mga pinapaksa sa panulat at detalyado ang pananalitang ginagamit, bilang pagsasalarawan sa kanyang subject.

At doon humanga si Jaclyn sa manunulat ng maraming artikulo tungkol sa kanya.

COCO BLOOMED IN JOVEN'S WORKSHOP. As for Coco Martin, tinuring ng young actor si Johven Velasco bilang kanyang "nanay-nanayan" sa showbiz. Hindi man ito ang naging una niyang manager, ito naman ang nagbigay ng unang acting workshop sa kanya, kasama ang iba pang aspiring actors, sa mga unang taon ng independent cinema movement, kung kailan ginawa ni Coco ang launching movie niyang Masahista (The Masseur), na dinirek ni Brillante Mendoza (also in attendance that afternoon, pati mga kapwa direktor sa pelikula like Mel Chionglo, Gil Portes, Maryo J. delos Reyes, Emman dela Cruz; media representatives; talent managers, PETA choir, singer Emil Echevaria, atbp.).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa isang acting workshop sa Tagaytay, pagre-recall ni Coco, "pinagsayaw niya kami ng mga kasama ko, kunwari mga macho dancer kami; ano raw ang mararamdaman namin pag nakita kami ng mga mahal namin sa buhay, na nagsasayaw nang gano'n, sa gay bar..."

Tuwang-tuwa si Coco sa pag-aalaala sa tagpong 'yon, "Gustung-gusto raw niya ako, dahil kamukha ko raw si Susan Roces," na ikinatawa ng mga nasa venue. "At ako raw ang pinakamahusay magsayaw..."

Mula noon, hindi lang sa mga bagay na may kinalaman sa ginagawang pelikula, o anupamang project, kundi maging sa mga personal concerns, naging tagapayo ni Coco ang kanyang "nanay Johven."

Sa kanyang impromptu speech ay masasabing malaki na ang naging improvement ni Coco Martin, bilang isang personalidad na mabilis na nahubog sa kanyang sining. At hindi maaaring hindi mabanggit ang partisipasyon ng isang Johven Velasco sa tinamong tagumpay, bilang aktor, ni Coco Martin.

WRITING AS CATHARSIS. Pero ang tulad ni Johven Velasco, sa kabila ng tagumpay sa larangan ng pagsusulat, pagtuturo, at pagdidirek sa entablado at telebisyon, ay marami ding naging siphayo sa kanyang propesyon, lalo sa mga huling taon ng buhay niya.

Batid ito ng malalapit niyang kaibigan, tulad nina Ed Instrella at Direk Ellen Ongkeko-Marfil. At ng character actor na si Jess Evardone, na naging kasambahay ni Prof. Johven.

Sa isang mahabang sulatin, pinamagatang Korean Rhapsody (sa pagkakabasa ni Bb. CB Garrucho ng PETA) ay naisatinig ang mga kalunus-lunos na dusa ng isang propesyunal na naimbitahang magsalita sa isang conference on Asian cinema, sa isang bansang natutunan lamang niyang kamuhian, kaugnay ng naging karanasan.

At kaalinsabay nito'y ang maraming pagtatanong, at pagkatanto hinggil sa layunin ng Diyos upang danasin niya ang nakalulunos na karanasan.

Na wari'y maihahambing sa kalungkutan din ng isang dating mag-aaral, na nagkaroon ng mabuting pagtuturing sa kanyang guro sa isang aralin ukol sa pelikula (film), at isa ito sa naging mabuti niyang gabay tungo sa katuparan ng pangarap—ang maging filmmaker.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Anupa't dalawang buwan bago ipalabas ang Confessional, debut film ni Jerrold Tarog noong 2007, ay pumanaw si Johven Velasco (noong September 1, 2007, sa edad na 59).

"I would have wanted him to see my film..." mga salita ni Jerrold Tarog, na isinangkap sa sinulat na book review ng Huwaran/Hulmahan Atbp. na sadyang nakakaantig ng damdamin.

SOMETHING TO REMEMBER JOVEN BY. Two years ago, sa obserbasyon nga ni Direk Ellen Ongkeko-Marfil, malungkot silang magkakaibigan dahil sa pagpanaw ni "Kuya" Johven, na marami itong naging hinaing at kalungkutan.

At ipinangako nilang dapat may gawin, alang-alang sa magandang alaala ng kanilang kasamahan, nanay-nanayan, teacher, kaibigan, at lahat-lahat na.

Ang Huwaran/Hulmahan Atbp. ay isa lamang simula ng posibleng iba pang makabuluhang adhikain, para kay Prof. Johven Velasco. Dahil mananatiling maganda ang alaala nito sa maraming nagmamahal at naging bahagi ng kanyang talino.

As the Friends of Johven Velasco lovingly dedicate in his memory: "People never die, if we keep them in our hearts!"

(NOTE: Mabibili na ang Huwaran/Hulmahan Atbp. The Film Writings of Johven Velasco sa mga pangunahing bookstores, at P350 per copy.)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN