Cristine Reyes is touched by desire of Banana Split staff for her return to the show

IMAGE 0


"Touched ako. Yung mga writers ng show, the staff, mga friends ko... so, nakaka-touch na balak nila akong pabalikin. Pero, siyempre, hindi pa rin naman tayo sigurado kung totoo nga 'yan. Pero kung let's say totoo nga 'yan, pag-iisipan natin 'yan pero hangga't wala pa naman talaga, ayoko munang magsalita," says Cristine Reyes.


Sa recent interview kay RR Enriquez, inamin ng sexy TV host na marami sa mga taga-Banana Split ang nagsasa-suggest na ibalik si Cristine Reyes sa nasabing show.

Matatandaang naging kontrobersiyal ang pag-alis ni Cristine sa Banana Split dahil sa diumano'y hindi magandang ipinapakita sa kanya ng co-starsniyang sina Angelica Panganiban, Pokwang at RR nga.

Sa interview ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Cristine, inamin niyang na-touch siya sa balitang gusto siyang pabalikin sa Banana Split. Pero wala namang katiyakan tungkol sa estado ng pagbabati nila ni RR.

"Touched ako. Yung mga writers ng show, the staff, mga friends ko... so, nakaka-touch na balak nila akong pabalikin. Pero, siyempre, hindi pa rin naman tayo sigurado kung totoo nga yan.

"Pero kung let's say totoo nga 'yan, pag-iisipan natin 'yan. Pero hangga't wala pa naman talaga, ayoko munang magsalita.

"Hindi pa kami okey ni RR, pero darating din naman yung time na yun, huwag nating pilitin. Kami naman ni Pokwang, nagkasalubong lang kami sa trade launch, ako na ang unang bumati. Wala nang usap-usap. Nag-hug na kami.

"Maliit lang naman ang mundo ng showbiz. Kahit ano ang gawin mo, hindi mo maiiwasan na nagkakasalubong kayo. Maganda na nagkaayos na ang lahat. Para kasi sa akin ngayon, gusto kong alisin lahat ng negative feeling, mas maganda na mag-move on na tayo," pahayag ni Cristine.

OFF TO KOREA AND BEING SECOND CHOICE. Aalis ng bansa si Cristine on September 10 para dumalo sa Seoul International Awards dahil nominado siya as Best Actress sa teleseryeng Eva Fonda.

"Oo, pupunta ako ng Korea on September 10, 11, and 12. Sana manalo ako, pero matalo man, okey lang. The mere fact na ma-nominate ka, okey na sa akin, malaking karangalan na yun para sa akin."

Si Cristine ang pumalit kay Heart Evangelista bilang kapareha ni Richard Gutierrez sa pelikulang Patient X. Tanggap kaya ni Cristine na second choice lang siya sa nasabing role?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Well, hindi ko inisip yung mga ganyang bagay. Natutuwa nga ako dahil ako yung pumalit, e. Marami namang puwedeng pumalit diyan. Dun pa lang natutuwa na ako, so hindi ko ini-entertain yung ganyang thought. Thankful ako kay Tita Annabelle [Rama, Richard's mother and manager], kay Direk Yam [Laranas], kay Chard, sa manager ko [Viva Artists Management] , sa lahat, dahil sa akin napunta yung role."

BLOOMING CAREER, ZERO LOVELIFE. Marami ang nakakapansin sa magandang itinatakbo ng career ni Cristine ngayon. Obserbasyon tuloy ng marami, tila mas okey ang career ni Cristine kapag wala siyang lovelife.

"Oo, parang ganun na nga ang nangyayari. Siguro kasi, mas may time ka sa sarili mo, sa lahat ng mga bagay, so tanggap ka na lang nang tanggap ng trabaho.

"Sa ngayon talaga, ayoko muna ng lovelife, mas priority ko ang career ko at mga projects na ipagkakatiwala sa akin ng ABS. Dito kasi, na-experience ko ang mga gusto kong mangyari sa career ko, at sobrang thankful ako sa ABS dahil hindi nila ako pinabayaan kahit na anong nangyari," pagtatapos ni Cristine.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN