Nikki Gil says she's not responsible for the positive changes in boyfriend Billy Crawford

IMAGE 0


"I never make him do naman what he doesn't want to do. So kung anuman yung ginagawa niya, dahil gusto niya. Because he found a deeper meaning pagdating sa buhay by experiencing these new things. So, I did not give him rules and regulations. I did not ask him to stop doing this, and to start doing that," says Nikki Gil about boyfriend Billy Crawford.


Sa live guesting ni Nikki Gil sa The Buzz noong Linggo, September 6, para sa promo ng primetime series na Florinda, kung saan kabilang sa cast ang singer-actress, hindi maiwasang itanong ng host na si Ruffa Gutierrez ang tungkol sa tumitinding relasyon nila ng boyfriend niyang si Billy Crawford.

Ruffa: Napakaganda mo ngayon and they say that a woman in love is always blooming. So, in a scale of one to ten, gaano ka ba ka-in love ngayon?

Nikki: Naku, 'yan na! 'Pag sinabi nating ten, may meaning 'yan. So, nine. Closest to it.

Ruffa: Siyempre, alam nating lahat na si Billy ang lalaking nagpapatibok sa iyong puso ngayon. Ano pang kailangan niyang gawin para ma-fill up yung between nine and ten? Ano pa yung one point na yun na hinahanap mo para maging ten na siya?

Nikki: Siguro, time will take care of that. Parang yun na lang yung pinakakulang. And I guess time will tell if we're really meant to be with each other. Yung nine to ten na yun, ang magtatawid na lang nun ay panahon.

Ruffa: Ano ang masasabi mo sa sinasabi ng mga tao na before Billy met you, he was so mabarkada? Hindi siya masyadong malapit sa Diyos. I mean, he prays naman pero since being with you, parang tumino na si Billy, hindi na lumalabas, hindi na umiinom, simba nang simba kasi dinadala mo sa church.

Nikki: I wouldn't say I'm responsible for that because, you know, I fell in love with a... if you will, a bad boy, and I wouldn't do anything to change that.

Ruffa: Tiname mo?

Nikki: Hindi naman. I never make him do naman what he doesn't want to do. So kung anuman yung ginagawa niya, dahil gusto niya. Because he found a deeper meaning pagdating sa buhay by experiencing these new things. So, I did not give him rules and regulations. I did not ask him to stop doing this, and to start doing that.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ruffa: Kumbaga, kusang nanggagaling kay Billy yun?

Nikki: Kusa niyang ginawa yun.

Ruffa: What is the most special thing that he has done for you? Alam ko, he always buys you bags and he goes all the way to Alabang to visit you.

Nikki: Yeah, he did that. But ako, little things. Okay, sige, one big thing and one little thing. One big thing that he has done for me was Valentine's Day, he rented a yacht. And then we had dinner there. And then, a small thing that I will always remember and I don't think he knows this, but I will always find it sweet. There is one time na I think I was holding so many things and then fixing something. And then he tied my hair for me.

Ruffa: Wow! Alam mo ang mga lalaki 'pag nai-in love talagang nagiging malambot kahit na bad boy pa siya. So, sa tingin mo si Billy na nga for now?

Nikki: Well, I always say na wala naman talagang formula pagdating sa pag-ibig. Minsan akala mo 'yan na, pero hindi pa pala. Or minsan parang hindi mo ma-imagine na, 'Yan, sigurado ka, Lord, na 'yan?' Pero in the end kayo pala talaga. So, I'm really taking it a day at a time. I'm enjoying our relationship and the friendship that we're sharing. And we're happy.

Sumunod naman nilang pinag-usapan ay tungkol sa Florinda, ang third installment ng The Susan Roces Movie Collection, na pinagbibidahan ni Maricel Soriano. Bukod kina Maricel at Nikki, kasama rin sa cast sina Roxanne Guinoo, Jay Manalo, Zanjoe Marudo, at William Martinez.

Ruffa: Okay, let's talk about Florinda. How is it working with Maricel Soriano?

Nikki: I always say na parang working dito sa soap na will always be a learning experience for me. It's such an honor and privilege to be working with the Diamond Star. Sabi ko nga, kahit passerby lang ako, okay lang sa akin. Masabi ko lang na naka-work ko si Ms. Maricel. And I learned a lot. Roxanne (Guinoo) and I learned a lot, definitely.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ruffa: Ano ang isang natutunan mo, example? Siyempre, may mga mabibigat kayong eksena.

Nikki: Natutunan ko na una, kahit umiiyak ka, dapat dilat ka kasi mata yun, e. Huwag kang blink nang blink. At saka huwag kang naka-squint. There was one time na ginanun niya yung face ko. Sabi ko, 'Oh no! What did I do, what did I do?' Yun pala, para may ilaw yung face ko. So, minor things like that, we will always cherish.

Ruffa: Ano ang mga dapat abangan ng mga fans sa Florinda?

Nikki: Dapat nilang abangan yung istorya, hindi sila makakatulog.

Ruffa: Gaano ba siya ka-scary?

Nikki: Hindi siya scary. Kumbaga, mapapaisip ka dito sa serye na ito. Florinda will run for four weeks. So, every episode talagang wow, ang daming nagaganap. So, talagang kailangang subaybayan every day. It's really very, very exciting.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN