Mo Twister apologizes to Rufa Mae Quinto for "Twitter joke"

by Rose Garcia
Sep 7, 2009
"You know, I thought it's an Internet joke, like many Internet jokes, so ipinost ko sa Twitter ko. And I didn't know na magiging ganito kagrabe. I really wanna apologize. You know, the Internet is not very reliable. I was just trying to be funny and I was trying to make a joke, pero hindi nakakatawa," explains Mo Twister about a joke he posted on his Twitter account.

Hindi nag-report si Rufa Mae Quinto sa Showbiz Central kahapon, September 6. Hindi tuloy naganap ang inaasahang pagtatagpo nila ng isa sa mga co-host niya na si Mo Twister.

Ilang araw kasi bago ang Showbiz Central ay may inilagay si Mo sa Twitter account niya na "engaged" na si Rufa Mae sa congressman at presidential son na si Mikey Arroyo. Nakipagpustahan pa nga ang TV host-radio DJ na totoo ang kanyang hinala.

Obviously, hindi nagustuhan ni Rufa Mae ang isinulat na ito ni Mo. (Click here to read related story.)

Dahil din dito, marami ang nag-aabang sa muling pagkikita ng dalawa at kung ano ang posibleng maganap sa talk show nila. Kung matatandaan, dati nang nagkaroon ng isyu sa pagitan nila at kailan lang binati ni Rufa Mae si Mo.

Kahapon, sinabi ng iba pang co-hosts ng Showbiz Central, sa pangunguna ni John "Sweet" Lapus, na kung mapapansin ay wala na naman si Rufa Mae sa show nila. Diniretso niya ng tanong si Mo kung siya na naman daw ba ang dahilan kung kaya't absent si Rufa Mae?

Continue reading below ↓

Ayon kay Mo, "First, I wanna say sorry kay Rufa Mae. Kasi, kasalanan ko talaga 'to. This was an Internet rumor na sinulat ko sa aking Twitter, which is parang blog.

"Kung matatandaan n'yo last week, may nagbanggit sa opening... I think, may nagbanggit na si Rufa Mae raw yung boyfriend niya, may reference sa Malacañang. So, yung reference sa Malacañang, naging Internet rumor na si Congressman Arroyo raw ang boyfriend.

"You know, I thought it's an Internet joke, like many Internet jokes, so ipinost ko sa Twitter ko. And I didn't know na magiging ganito kagrabe. I really wanna apologize. You know, the Internet is not very reliable. I was just trying to be funny and I was trying to make a joke, pero hindi nakakatawa," paliwanag niya.

Hirit ni Sweet, hindi raw natawa si Rufa Mae.

"I know, so kahit comedienne siya, hindi siya natawa. You know, I don't know with Congressman Arroyo. If I offended him as well and his family, I really apologize. It's irresponsible of me. Kahit iniisip ko na Internet blog lang 'yan, hindi naman 'yan journalistic opinion, hindi naman 'yan credible show. Even though, we should still be responsible kapag ginagamit natin ang Internet," saad ni Mo.

Continue reading below ↓

Ayon naman kay Raymond Gutierrez, they hope that Rufa Mae is watching the show.

Sabi naman ni Mo, "Yes P-chi [palayaw ni Rufa Mae]... You know, P-Chi and I, we always have our differences. But from all the things na nagawa ko from the past, like feeling ko, hindi ako mali or hindi siya tama, this one, alam ko mali talaga ako."

Sinabi naman ni Pia Guanino, they are glad that Mo is man enough to admit his mistake and man enough to apologize.

"It's not being man, it's called for. Dapat talaga akong mag-apologize," saad ni Mo.

Kaya biro ni Pia, there's an iota of being nice naman daw pala kay Mo. Ayon naman kay Sweet, sana raw ay pumasok na si Rufa Mae next week, kahit hindi nito pansinin muli si Mo ng another three months, tulad noong una itong magtampo sa co-host.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"You know, I thought it's an Internet joke, like many Internet jokes, so ipinost ko sa Twitter ko. And I didn't know na magiging ganito kagrabe. I really wanna apologize. You know, the Internet is not very reliable. I was just trying to be funny and I was trying to make a joke, pero hindi nakakatawa," explains Mo Twister about a joke he posted on his Twitter account.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results