Sunshine Dizon says she's "clueless" about issue with Iza Calzado

IMAGE 0


"Alam mo, Sweet, yun din ang eksakto kong tinanong. Kasi, I was interviewed that time, noong Dantes Peak nga, yun din ang tinanong nila. Kaya sabi ko, bakit ako ang tinatanong n'yo? Di ba, kayo ang media people? You should be able to know kung kanino galing 'yan kasi ako talaga, I'm really clueless," replied Sunshine Dizon on Showbiz Central, when John "Sweet" Lapus asked her where her gap with Iza Calzado c


Wagi ang Obra episode ni Sunshine Dizon sa GMA-7 na "Butch" sa kauna-unahang MTRCB TV Awards bilang Best Drama Special.

Noong Linggo, September 6, sa Showbiz Central, si Sunshine ang naupo sa "Don't Lie To Me" segment para linawin din ang ilang isyu, tulad ng hindi matatapus-tapos na "gap" daw sa pagitan nila ng kapwa aktres na si Iza Calzado. In-interrogate siya ni John "Sweet" Lapus.

EASY LEVEL. Naging controversial ang isyu na ito. Once and for all linawin na. Last month, birthday ni Iza at pinag-usapan ang hindi mo raw pagbati nang personal. So, hindi mo nga ba binati si Iza nang personal?

Umamin si Sunshine ng "Yes," at "Truth" ang lumabas na sagot ng lie detector.

Paliwanag niya, "Honestly talaga, I'm really bad with dates. Even yung birthday ng mommy ko, nasu-switch ko sa birthday ng kuya ko, and I'm bad with dates talaga. But I made sure that morning na kasabay ng pagbati ni Tito Lhar Santiago ay binati ko rin po siya that morning.

"Kung ang ibinubutas ng tao sa akin ay ang hindi ko pagbati sa kanya nang personal, I think it's kinda unfair. I think, hindi naman nasusukat ang pagiging magkaibigan kung naaalala mo or nakalimutan mong bumati. Pero, bumati naman po ako."

Ang naging isyu yata ay yung sa SOP na sa lahat ng friends niya, ikaw lang daw ang wala sa VTR?

"I wasn't there rin kasi that day. We have a family affair nang araw na yun," aniya.

DIFFICULT LEVEL. Nang mag-birthay si Dingdong Dantes, nag-isnaban nga ba kayo ni Iza sa birthday special ni Dingdong na Dantes Peak sa backstage?

"No," ang sagot ni Sunshine at ang result ay "Truth."

"Actually, ganito po ang nangyari. Prior to the Dingdong special, we had a rehearsal here in GMA. Nagkataon na we were on the same stage. I greeted her pa nga. Maraming taong nandoon. At kung kailangang patunayan, maraming tao na naroon para lang magsabi na binati ko siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"And then, parang she was taken aback. I don't know why she's surprised. But I remember, she goes saying like, 'I'm sorry, I'm caught off-guard.' Parang ganyan. And then, I go like, 'You don't have to explain anything.'

"Kasi honestly for me naman, this is such a petty thing. Hindi na ito dapat pinapalaki. At saka, kung talagang tunay kayong magkakaibigan, hindi na kailangan ng eksplanasyon. Kasi, alam naman natin na ang mundong ginagalawan natin ay hindi na maiiwasan yung mga ganyang bagay." paliwanag ni Sunshine.

Dugtong niya, "'Tapos noong mismong day naman na special ni Dong, I greeted her again, sa backstage. Actually, ang pangit nga, bakit kailangan ko pang i-explain?"

May samaan nga ba sila ng loob ni Iza?

"No," ang sagot ni Sunshine and the result from the lie detector: "Lie."

"Siguro ganito na lang, kaya 'lie' ang lumabas, baka siguro dahil pinapahaba at pinapalaki ito ng mga tao. Baka nagkakasamaan na rin kami ng loob!" natatawa niyang sabi.

So, once and for all, saan ba nanggaling ang lahat ng ito? Kayo dati ang palaging magkasama at kayo ang dalawang magagaling na aktres sa GMA-7.

"Alam mo, Sweet, yun din ang eksakto kong tinanong. Kasi, I was interviewed that time, noong Dantes Peak nga, yun din ang tinanong nila. Kaya sabi ko, bakit ako ang tinatanong nyo? Di ba kayo ang media people? You should be able to know kung kanino galing 'yan kasi ako talaga, I'm really clueless. Hindi ko talaga alam kung kanino galing yan, kasi hindi talaga maganda, di ba?"

Ayon kay Sweet, sana nga raw ay makita silang muli together. Sa isang production sa SOP, magkausap sa corridor...

"You know, we do that naman," sabi ni Sunshine. "It just so happened that, ewan ko ba, parang people are... Paano ko ba ie-explain, pero dati pa naman, you know, when we were doing projects together, we're very close. Palagi kaming nagkikita sa trabaho. Pero siyempre, kapag nagkahiwalay na kami ng trabaho, we don't get to see each other very often.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"And my friends know that kung ako, gusto mo 'kong kausapin, huwag mo 'kong ite-text, huwag mo 'kong tawagan. Kasi kung ite-text mo lang ako, sometimes hindi ako nagre-reply. Ganoon ako... promise! I don't know, kung mali ko rin yun, I'm sorry."

Sa huli, ini-announce na nga ni Sunshine na ang next TV project niya ay ang TV adaptation ng pelikula ni Nora Aunor na Tinik Sa Dibdib.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN