Jericho Rosales exchanges smiles easily with Kristine Hermosa's rumored boyfriend Oyo Sotto

IMAGE 0


"We're not super close or super friends, but nagbabatian kaming dalawa. He's a gentleman. Every time I see him, he always gives me a smile. Hindi siya isnabero," says Jericho Rosales of Kristine Hermosa's rumored boyfriend Oyo Sotto.


Patunay ang consistent high ratings ng Dahil May Isang Ikaw na, bukod sa powerhouse cast at ganda ng tinatakbo ng istorya, may hatak pa rin ang tambalang Jericho Rosales at Kristine Hermosa pagkatapos ng limang taong paghihiwalay bilang onscreen partners.

Labis ang pasasalamat ni Jericho sa mainit pa ring pagtanggap at suporta ng mga tagahanga nila ni Kristine.

"Masarap ang feeling kasi five years yun, five years kaming di nagkasama, parang, 'Wow! Ang galing!' 'Tapos ngayong nagkasama kami uli sa Dahil May Isang Ikaw, ganun pa rin ang support nila sa amin. I'm relieved, I'm thankful, sa lahat ng mga Echo-Tiners, sa lahat ng mga fans ng mga soap opera na ginawa ko, nandito pa rin sila to support us on our new show. So, maraming, maraming salamat talaga.

"'Saka marami silang dapat abangan sa Dahil May Isang Ikaw, kumbaga ngayon pa lang lumalabas talaga ang mga characters sa istorya at kung anu-ano ang connection nila sa isa't isa. Unti-unti makikita na nila yung twists, conflicts na lalong nagdadagadag ng ganda sa story."

During the mini-presscon of Dahil May Isang Ikaw for Echo and Kristine, naging tuksuhan ang past ng dalawa. Inamin noon ng aktres na ang kapareha ang first love niya. Bali-balita ngayon na sobra raw ang sweetness na nakikita sa pigitan nina Echo at Kristine sa set ng teleserye.

"Mas kapansin-pansin yung lokohan namin ni Tin pero walang ibig sabihin yun. I must admit we're getting there, parang bumabalik yung dati naming closeness. Basta relax kami and that's the most important thing, because we need that. We need to be relaxed sa set. Kumbaga walang mga worries, walang kung anu-anong mga negative feelings and we're keeping that, we're maintaining that kind of working relationship."

ON SMILING TERMS WITH OYO. Masasabing matalino at mature na nga ang mga manonood. Open book ang espesyal na relasyon nina Tin at Oyo Sotto, at single naman si Echo, pero patuloy pa rin ang pagtangkilik ng fans sa bagong show nila. Ayon kay Echo, alam niya ang limitasyon niya at bilang lalaki ay may respeto siya kay Oyo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"We're not super close or super friends, but nagbabatian kaming dalawa. He's a gentleman. Every time I see him, he always gives me a smile. Hindi siya isnabero.

"For me to work with Kristine is so easy. Wala akong naging problema o dapat problemahin. Sa akin naman, wala naman akong masamang intensiyon. We're all working lang naman."

AT EASE WITH KARYLLE. Sa nakaraang interview ng isang showbiz talk show kay Ms. Zsa-Zsa Padilla ay nasabi niyang huminto na raw sa paglapit-lapit kay Karylle ni Christian Bautista, pero si Jericho raw ay patuloy pa rin ang pag-aaligid. Marami tuloy ang nag-isip na mukhang nililigawan na raw ni Echo si Karylle.

"Lagi talaga akong lumalapit kay Karylle. Wala, e. Medyo kumportbale ako around her at sa nakikita ko, di naman siya naiinis sa akin. Nagkukuwentuhan kami palagi, I'm really comfortable with her. May ganun kasi ako, 'Uy, medyo comfortable ako, I can be myself.' Masaya lang ako na malapit ako sa mga alam ko namang mababait at mabubuting tao."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN