Jennica Garcia says she's "70 percent" sure she wants to get back with Mart Escudero

IMAGE 0


All Mart needs to do is make good with the other 30 percent, composed of Jennica's mom, Jean Garcia, her dad, Jigo Garcia, and her Ninang Vera, the woman who practically raised her. Plus, never to do "that thing" again. (Secret!)


Seventy percent na ang chance na makikipagbalikan si Jennica Garcia kay Mart Escudero.

"Okay, sige aaminin ko na, yung chance, seventy percent na. Thirty percent na lang ang kulang para maging kami ulit.

"Kasi sa akin mismo, seventy percent na yung chance. Pero may kailangan pa siyang buuin na thirty percent.

"Yung ten percent, sa papa ko. Yung ten percent, sa mommy ko, at yung remaining ten percent, sa ninang ko.

"Yung ninang ko, si Ninang Vera, siya ang nagpalaki sa akin, baby pa lang ako, inaalagaan na niya ako, kaya kailangan rin siyang suyuin ni Mart bago maging kami ulit," pag-amin ni Jennica nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa 17th floor ng GMA TV Complex last Friday night sa presscon ng SRO Cinemaserye Presents Reunion.

Ayon pa sa young actress, sa Ninang Vera niya mukhang mahihirapan si Mart.

"Kasi sa papa ko, walang problema si Mart, very close siya sa papa ko, e, ganun din sa mama ko."

Kaya kung hindi mahihirapan si Mart na "ligawan" ulit sina Jigo Garcia na ama ni Jennica at si Ms. Jean Garcia na ina ng dalaga, kailangan raw na mag-double effort si Mart sa panunuyo sa ninang niya.

NEW UNDERSTANDING. Sa panayam kay Mart, sinabi nito na para sa kanya, may mutual understanding na ulit sila ni Jennica after a break of almost five months.

Pero nang hingan ng PEP si Jennica ng pahayag, ito ang natatawa niyang sinabi: "Ewan ko sa kanya, ganyan naman si Mart, e, kapag tinatanong laging iyon ang sinasabi niya, na parang kami na ulit.

"Sa ngayon, wala pa, hindi pa kami, talaga."

Bago kaya mag-Pasko ay sila na ulit? Pareho kayang kulay-rosas na ulit ang mundo nila by Christmas and Jennica's birthday na sa December 26 naman?

"Hmmm, siguro... oo!"

NEVER DO THAT AGAIN. May isang bagay raw na kailangang huwag nang gawin ulit ni Mart para hindi na muling masira ang kanilang pagsasama, pero ayaw sabihin ng dalaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kapag sinabi ko kung ano yun, para ko na ring sinabi kung ano ang reason kaya kami nag-break. Noon naman na mag-on kami, naging very open kami sa lahat, kaya yung reason ng breakup namin, iyon na lang ang hihingin kong balato sa inyo.

"Ibalato na lang ninyo sa akin yun," pakiusap ni Jennica.

For the record, never raw nambabae or nangaliwa si Mart kaya never nila naging problema yun.

Ano raw yung isang bagay na kailangang gawin ni Mart para mapabilis ang pagbabalikan nila?

"Wala, kung ano siya, iyon na yun. Okay naman si Mart, e! Kung ano ang ugali niya, okay na para sa akin yun, kaya wala na siyang kailangang idagdag or ibawas.

"Ang sa akin lang ngayon, kaya hindi na muna, naka-focus kasi ako sa work ngayon, iyon ang importante sa akin, lalo pa nga at kami ang bida dito sa Reunion.

"Trabaho muna."

Kung may na-miss si Jennica sa halos limang buwan nilang paghihiwalay ni Mart, "siguro yung sweetness niya, na umaga pa lang, nasa bahay na siya, kapag wala siyang trabaho. Yun bang paggising ko, pagbaba ko sa sala, nandun na siya kahit umaga pa lang.

"Ganun siya ka-sweet."

REUNION. Ano ang expectation ni Jennica (as Chantilly) ngayong bida sila ni Sheena Halili (as Pepper) sa SRO Cinemaserye Presents Reunion ng GMA-7?

"Siyemre sobrang thankful ako, at nakaka-excite itong show namin. Kung pressured ako? Hindi naman siguro maiaalis yun kasi nga kami ang bida, kumbaga kami ang magdadala ng show.

"Pero instead na mag-worry ako dahil pressured ako, gagawin ko na lang challenge or inspiration yun para mas lalo naming pagbutihin ang ipapakita naming acting sa show."

May maaasahan bang kissing scenes sa pagitan nila ni Mart (playing the role of Angelo)?

"Alam ninyo, hindi naman siguro kailangan na magkaroon kami ng kissing scenes na bonggang-bongga para panoorin kami ng mga tao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Lalo na yung karamihan na manonood siguro sa amin, mga teenagers, parang hindi naman siguro kailangan ang mga bonggang kissing scenes.

"Isa pa, sobrang mahal at nirerespeto ko ang papa ko, at ayoko naman na mapanood niya ang show namin na puro halikan ang makikita niya.

"Baka sabihin nun na, 'Iyan lang ba ang alam mong gawin?!!' Ayoko naman na sabihan niya ako nang ganun.

"Maganda ang story ng Reunion, nakakaaliw and tiyak na maraming makaka-relate sa mapapanood nila."

Ang kuwento nito ay tungkol sa dalawang magkaibigan na nang malaman nilang magkakaroon ng high school reunion ay umimbento ng kuwento tungkol sa buhay nila para ma-impress ang kanilang high school crushes at ang mga kaklase nilang inapi-api sila noong sila ay mga estudyante pa noon.

May hawig ito sa Romy and Michelle's High School Reunion na pelikula nina Lisa Kudrow at Mira Sorvino.

LONER IN HIGH SCHOOL. Noong high school si Jennica, loner pala siya.

"Actually, noong nag-aaral ako, madalas kong maranasan na kumakain ako ng lunch na nag-iisa sa loob ng classroom. Mahiyain kasi ako noon, na nauwi na nga sa pagiging loner ko, kaya hindi ako masyadong nagsasasama sa mga kaklase ko.

"Pero na-overcome ko naman yun nung nagtagal na."

Ang SRO Cinemaserye Presents Reunion na mapapanood Thursday nights starting September 17 sa GMA-7 ay sa direksyon ni Soxy Topacio.

Tampok rin dito sina Jade Lopez, Jose Manalo, Steff Prescott, Kevin Santos, Patani, at si John Lapus.

Balik-tambalan rin ito nina Sheena at Rainier Castillo na gumaganap bilang Ryan.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN