Sheena Halili plays high school loser in SRO Cinemaserye's Reunion

IMAGE 0


Sheena says she would be happy to meet ex-bf and Reunionco-star Rainier Castillo's new love. "Malay n'yo maging BFF ko pa siya!" laughed Sheena. "Kaya lagot 'yang si Rainier dahil marami akong ikukuwento sa girlfriend niya. Pero hindi ko naman siya sisiraan. Slight lang!"


Pagkatapos ng kanilang pagsasama sa Dear Friend, muling pinagtambal ang dating magkarelasyon na sina Sheena Halili at Rainier Castillo sa bagong handog na SRO Cinemaserye Presents Reunion.

Sa naganap na press launch ng naturang show sa 17th floor ng GMA Network Center, biniro ng entertainment press ang dating magnobyo na baka puwede nilang balikan ang nakaraan. Nagkaroon ng relasyon ang dalawa noong naging contestants sila sa kauna-unahang Starstruck.

Pero nanggaling na rin sa kanila na hanggang pagiging good friends na lang sila. Mas gusto raw nilang maging maganda ang working relationship nila kesa sa magkaroon ulit ng relasyon. Kung loveless nga si Sheena, si Rainier naman ay may non-showbiz girlfriend.

"Tama na itong maganda ang working relastionship naming dalawa," sey ni Sheena.

"Kung tutuusin nga, ngayon lang ulit kami naging ganito kakomportable after doing Dear Friend. Yung ang first time na magkatrabaho ulit kami and I must admit na medyo naiilang pa ako sa kanya that time, although nagkausap na kami.

"Hindi naman kasi basta na lang mababalik yung dating closeness namin, e. Nabibigyan ng proper time 'yon, di ba? It just so happens na noong gawin na namin itong SRO, mas okey na kami. Mas nakakausap ko na siya at nakakapagbiro na kami sa isa't isa."

BECOMING FRIENDS AGAIN. Sumang-ayon si Rainier sa mga sinabi ni Sheena. Bilang lalake, siya nga ang nahihiya kay Sheena noong una silang magkasama ulit sa Dear Friend. Ilang taon din kasi silang nag-iwasan pero this time ay unti-unti nang bumabalik ang dati nilang pagkakaibigan.

"Hindi rin naman madaling sabihin na okey na kami ni Sheena. Tama siya na may tamang oras at panahon para maging magkaibigan ulit kami.

"Ngayon nga, mas okey na ang pakikipagtrabaho namin sa isa't isa. Nandiyan yung nabibiro ko na siya at natatawa na siya sa mga jokes ko. Dati hindi ko magawa 'yan kasi nga nahihiya ako sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"This time we feel na we're ready to work with each other nang ilang beses pa," ngiti pa niya.

May balak bang ipakilala ni Rainier ang girlfriend niya kay Sheena?

"Bakit naman hindi, di ba? Wala namang sigurong masama roon. Pinapakilala ko naman siya sa mga kaibigan ko sa trabaho. At isa na nga si Sheena sa matagal ko nang kaibigan talaga," diin pa ni Rainier.

MEETING RAINIER'S NEW GIRL. Para naman kay Sheena, walang problema kung makilala niya ang karelasyon ngayon ni Rainier.

"Malay n'yo, maging BFF (best friend forever) ko pa siya!" malakas na tawa ni Sheena.

"Kaya lagot 'yang si Rainier dahil marami akong ikukuwento sa girlfriend niya. Pero siyempre, ang sasabihin ko rin na mabait at pasensyosong tao 'yang si Rainier. Hindi ko naman siya sisiraan sa girlfriend niya. Slight lang!" sabay tawa pa niya ulit.

Marami ang natutuwa dahil sa magagandang break na nabibigay na kay Sheena. Nagsimula ang magandang suwerte niya nang gumanap siya bilang Monica sa Marimar at nasundan ito ng mga ilang kikay roles pa sa Ako Si Kim Samsoon, LaLola, Zorro at ngayon sa Rosalinda bilang si Becky. May segment din siya sa Pinoy Records.

Sa SRO Cinemaserye Presents Reunion ay ka-tandem niya si Jennica Garcia bilang mga high school losers na gustong maging popular kaya nagpanggap silang mga sosyalera sa high school reunion sila.

Bukod sa mga TV shows, kasama rin si Sheena sa malapit nang ipalabas na Yaya and Angelina: The Spoiled Brat Movie.

"Parati akong nagpapasalamat sa lahat ng blessings na dumarating sa akin ngayon. I always pray to say thank you kay Lord kasi sunud-sunod ang mga trabaho ko. For the past three years, hindi ako nabakante talaga.

"Kaya every time na may bago akong trabaho, talagang work to death ako. Ayokong mawala ang magandang suwerte na ito. Malaki ang pasasalamat ko sa GMA-7 para sa tiwalang binibigay nila sa akin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

At kabilang si Rainier sa natutuwa sa success ngayon ni Sheena. Aniya, "Lagi ko namang sinasabi na si Sheena, magaling siyang artista. Mabigyan lang siya ng magandang break, talagang sisikat siya. Ngayon at sunud-sunod nga ang mga ginagawa niya, alam ko na dahil sa pagiging masipag at matiyaga niyang tao. Kaya happy ako para sa kanya at hindi siya nagbabago. Kung sino ang Sheena Halili na nakilala ko noon, siya pa rin ang taong iyon hanggang ngayon."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN