Rainier Castillo says he's now comfortable working with ex-gf Sheena Halili in SRO's Reunion

IMAGE 0


"Mas magaan na ngayon, wala nang ilangan, hindi tulad dati na kabe-break pa lang namin, may ilangan pa noon. Ngayon, okay na okay kami bilang magkaibigan," said the actor of his co-star Sheena Halili in SRO Cinemaserye Presents Reunion.


Rarampa pala dapat si Rainier Castillo sa Cosmo Bash kamakailan.

"In-offer-an ako, kaya lang, nung nasabihan ako, one week to go na lang, wala na akong time na maghanda, kaya hindi na lang ako sumali," said Rainier nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) last Friday night sa 17th floor ng GMA TV Complex sa presscon ng SRO Cinemaserye Presents Reunion na pinagbibidahan nina Sheena Halili (as Pepper) at Jennica Garcia (as Chantilly).

Payag naman daw si Rainier na rumampa sa entablado nang nakahubad.

"Okay lang, wala namang problema sa akin yun," says Rainier.

Pero hindi raw siya papayag na rumampa na naka-trunks or briefs lamang.

"Ah hindi, hindi ko kaya yun. Siguro hanggang low-waist lang na pantalon, tapos nakahubad ako, iyon payag ako. Pero kung briefs lang or trunks, hindi."

Fit na fit na ngayon si Rainier bunga ng regular workout niya, pero para sa young actor, hindi pa sapat ang ganda ng katawan niya para ipakita ito sa publiko. Kaya hindi siya pumayag na rumampa sa Cosmo Bash dahil wala pa siyang masyadong preparasyon.

"Siguro kung nasabihan ako nga two to three months before, nakapag-work out akong mabuti, baka sumali ako."

Sa pelikula naman, hindi pa rin siya handa na magpakita nang todong paghuhubad. Hindi pa niya kaya ang butt exposure.

"Siguro kung sa pelikula, hanggang boxers ang suot ko, iyon kaya ko yun."

Kung indie film na ang role niya ay isang gay siya or may gay kissing scene at love scene siya, papayag ba siya?

"Ah hindi, hindi ko kaya yun."

Balik-tambalan sina Rainier (na gumaganap as Ryan) at Sheena sa SRO Cinemaserye Presents Reunion na mapapanood tuwing Huwebes ng gabi simula September 17 sa GMA-7.

Happy si Rainier na magkakasama silang muli ni Sheena.

"Mas magaan na ngayon, wala nang ilangan, hindi tulad dati na kabe-break pa lang namin, may ilangan pa noon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ngayon, okay na okay kami bilang magkaibigan."

Any chance na magkabalikan sila ni Sheena?

"Hindi ko masasabi, wala namang nakakaalam kung ano ang puwedeng mangyari bukas-makalawa. Basta ngayon, masaya kami na magkaibigan kami."

NON-SHOWBIZ GIRLFRIEND. Aminado si Rainier na four months na siyang may non-showbiz girlfriend na modelo, na ayaw na niyang banggitin pa ang pangalan.

Naikuwento na niya kay Sheena ang tungkol sa kanyang present GF at ayon kay Rainier, masaya si Sheena para sa kanya.

"Natutuwa naman siya, sabi nga niya, sana raw magtagal kami ng GF ko, na alagaan ko raw."


Base sa deskripsyon ni Rainier, ang GF niya ngayon ay petite rin at kahawig ni Sheena.

Meaning, mahal pa rin niya si Sheena?

"Hindi naman basta mawawala agad kung anuman yun, naging bahagi si Sheena ng buhay ko.

"Basta masaya kami pareho ngayon na magkaibigan kami.

"Nagkataon lang siguro na kahawig niya ang girlfriend ko ngayon," nangingiting pahayag ni Rainier.

Ang SRO Cinemaserye Presents Reunion ay balik-tambalan rin nina Jennica at Mart Escudero (as Angelo), at ito ay sa direksyon ni SoxyTopacio.

Tampok rin dito sina Jade Lopez, Jose Manalo, Steff Prescott, Kevin Santos, Patani, at si John Lapus.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN