Aiko Melendez sets priority on political career rather than showbiz

IMAGE 0


"Magpapaka-hypocrite naman ako kung sasabihin kong hindi ko nami-miss ang pag-aartista. First and foremost, narating ko naman itong sa politics dahil sa koneksiyon ko rin sa showbiz. Pero nang mag-councilor ako, talagang tumutok ako dito," says Aiko Melendez.


Sineryoso ni Aiko Melendez ang politics. Kaya naman pagkatapos ng kanyang term bilang konsehala ng second district ng Quezon City, tatakbo naman siya sa 2010 elections sa pagka-vice mayor.

Nagpahayag na ang ibang mga artista ng hangarin nilang tumakbo sa 2010 elections. Sa Quezon City, sa same district kung saan nahalal si Aiko, dalawang artista ang hantad nang naghahangad na tumakbong councilors—sina Ara Mina at Alfred Vargas. May payo sa kanila si Aiko.

"Kahit naman sino pupuwedeng pumasok sa pulitika," aniya. "But in general, ito lang ang masasabi ko—kung papasukin nila ang pulitika, dapat seryoso sila. Hindi ito isang bagay na kapag nandoon na at nakaamba na ang mabibigat na responsibilities sa kanila, 'saka sila aatras, o kaya'y walang gagawin.

"It's not that easy being a public servant. Maraming nangangailangan ng tulong, na kahit paano, sa abot ng makakaya mo, dapat mong tugunan dahil sa sinumpaan mong tungkulin, di ba? Hindi 'yan pagpapasarap lang. Tatrabahuin mo 'yan. Hindi lang yung nandoon ka sa City Hall palagi, kundi yung kahit wala ka doon, may inaasikaso kang ibang bagay na para talaga sa district na nasasakupan mo as a councilor.

"I must say, tinatapos ko ang term ko. Ang ibig sabihin lang, ilang beses akong nahalal dahil okey naman ang record ko. I just hope ganoon din ang gawin nila kapag tumakbo sila at na-elect," saad ng actress-politician.


SERVICE FIRST BEFORE SHOWBIZ. Isa pang ipinagmamalaki ni Aiko ay hindi siya naglaan ng mas mahabang oras sa pag-aartista. In fact, her career took the backseat for quite some time.

"Magpapaka-hypocrite naman ako kung sasabihin kong hindi ko nami-miss ang pag-aartista," sabi niya. "First and foremost, narating ko naman itong sa politics dahil sa koneksiyon ko rin sa showbiz. Pero nang mag-councilor ako, talagang tumutok ako dito.

"Kung may offers man, piling-pili, at hindi yung parang nagma-money tripping na lang. Napakaiksi na ng oras ko kumbaga para mag-money tripping lang. Lumalabas ako paminsan-minsan, pero tinitiyak kong maganda ang offer, and worth it naman."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Napapanood siya kung minsan sa piling-piling guestings sa TV, gaya sa Maalaala Mo Kaya, at nagbabalik-pelikula siya sa pamamagitan ng comedy film na Yaya & Angelina (The Spoiled Brat Movie) ng APT Entertainment at GMA Films.

"Bakit daw comedy? Bakit hindi drama kung saan ako higit na nakilala? Honestly, wala pang alok na talagang gusto ko pagdating sa drama. Ito namang comedy, hindi ko matanggihan ang grupo ni Mr. Tony Tuviera. Si Mike Tuviera pa ang direktor namin at magaan ang mga katrabaho ko dito, lalo na sina Ogie Alcasid at Michael V na nakasama ko rin nang matagal noon sa Bubble Gang. Na-miss ko ang panahon na yun, na regular ako ng isang gag show. Kaya natapos namin ang pelikula na feeling happy kaming lahat," sabi pa ni Aiko.

How true na tumatanggi siya sa drama projects dahil ito ang panahong ang inaalok na lang sa kanya ay mother roles?

"Wala akong reklamo sa mother roles, kaya lang, dapat credible naman," sabi ni Aiko. "Paano ako gaganap na mother ng isang artista, let's say, mga sampung taon lang ang tanda sa akin? In real life, mother na rin naman ako. Pero ang eldest ko, si Andre magbibinata pa lang kung tutuusin. 'Tapos, pagaganapin ako ng mother ng isang more than 20 years old na ang edad? That's just okay, pero may ibang plano kasi ang manager kong si Kuya Boy [Abunda] para sa career ko.

"Dito sa Yaya & Angelina, kami ni Jomari [Yllana, Aiko's ex-husband] ang gumaganap na parents ni Kuya Ogie. But Kuya Ogie plays the role of a seven-year-old, kaya credible na maging anak ko siya sa movie. Bukod sa comedy naman ito, talagang pinagmukhang bata si Kuya Ogie sa camera tricks dito, kaya dapat yun ang abangan," sabi ni Aiko.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN