Mart Escudero admits his career was affected by breakup with Jennica Garcia

IMAGE 0


"Late ko nang ma-realize na may problema na kami at nasasaktan na pala si Jen. Kaya that led sa paghihiwalay naming dalawa. Pero mutual decision naman 'yon at friends pa rin kami after that. Ngayon kasi, alam ko na ang halaga ni Jen sa buhay ko kaya heto ako, nagpupursige na makipagbalikan sa kanya talaga," says Mart Escudero about ex-girlfriend Jennica Garcia (inset).


Aware ang young actor na si Mart Escudero na kung nais niyang makipagbalikan sa ex-girlfriend niyang si Jennica Garcia, gusto muna siyang kausapin ng ina ng young actress na si Jean Garcia.

Ayon kay Jean, may mga ilang bagay raw siyang gustong tanungin, alamin, at linawin kay Mart. Nalungkot nga kasi si Jean dahil nakita niyang iniyakan ni Jennica ang paghihiwalay nila ni Mart. Ayaw kasi ni Jean na masaktan ulit si Jennica sa piling ni Mart.

Sinabi ni Mart na handa na raw siyang makausap si Jean kung kailan nito gusto. Hindi naman itinatanggi ng young actor na malaki ang takot niya sa ina ni Jennica.

"Kahit naman noong nililigawan ko pa si Jen, takot na ako kay Tita Jean," sabi ni Mart sa PEP (Philippine Entertainment Portal). "E, di mas lalo pa ngayon na di pa kami nagbabalikan, gusto na niya akong kausapin. Kaya nga handa ako sa anumang gustong sabihin sa akin ni Tita Jean. Tatanggapin ko naman ang lahat ng sasabihin niya sa akin. Ang importante, matanggap niya ako ulit para kay Jen at magtiwala ulit siya na hindi ko na ulit paiiyakin si Jen."

Inamin ni Mart na nasaktan at napaiyak niya si Jennica noong nagkahiwalay sila. Siya raw ang nagpabaya sa kanilang relasyon at masyado siyang naging kampante sa samahan nila noon.

"Sabihin na nating parang naging kumportable akong masyado sa relasyon namin ni Jen," aniya. "Alam ko kasing nandiyan siya para sa akin parati. Kumbaga, I took it all for granted. Nakalimutan ko na may pangako ako sa kanya na aalagaan ko siya at hindi ko siya pababayaan. Na hindi lahat ay pinaubaya ko kay Jen. I forgot na kalahati ng relasyon ay sa akin at kailangan pag-ingatan ko.

"Late ko nang ma-realize na may problema na kami at nasasaktan na pala si Jen. Kaya that led sa paghihiwalay naming dalawa. Pero mutual decision naman 'yon at friends pa rin kami after that. Ngayon kasi, alam ko na ang halaga ni Jen sa buhay ko kaya heto ako, nagpupursige na makipagbalikan sa kanya talaga."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


REUNITED IN TWO PROJECTS. Marami ang nakapansin na naapektuhan ang career ni Mart nang bigla silang maghiwalay ni Jennica. Biglang nawalan ng katambal si Mart, pero si Jennica ay ipinares sa leading man ng GMA-7 na si Dennis Trillo sa katatapos lang na Adik Sa 'Yo.

"Masakit mang aminin, pero naramdaman ko rin 'yon," sabi ng StarStruck alumnus. "Kasi nga nasanay na ang maraming tao, lalo na ang fans namin na magkasama kami. Since ginawa namin ang Impostora, Boys Nxt Door, Pasan Ko Ang Daigdig, Ako Si Kim Samsoon, at Gagambino, nagkaroon na kami ng following talaga.

"Kaya noong mawala siya, kahit na may mga projects ako, parang kulang pa rin, e. Si Jen ang hinahanap sa akin parati. Yung loveteam namin ang gusto nilang makita. Kaya nagpapasalamat kami sa GMA-7 at nabigyan pa kami ng two shows na magkatambal ulit kami."

Umaasa si Mart na 100 percent ang pag-asa niya sa pakikipagbalikan with Jennica. Lalo na't magkasama ulit sila sa trabaho via the four-week run of Dear Friend at sa bagong handog ng SRO Cinemaserye, ang "Reunion," kung saan kasama rin nila sina Sheena Halili at Rainier Castillo.

"Siyempre, gusto ko 100 percent na tanggapin na niya ako. Pero mukhang hindi pa aabot doon. May kulang pa raw. Marami pa akong kailangang suyuin para mapa-oo ko ulit si Jen. Kabilang nga doon si Tita Jean, si Tito Jigo [Garcia, Jennica's father] at ang ninang Vera niya.

"Alam ko na hindi madaling gawin, pero ipaparamdam at ipapakita ko sa kanila na nandito ako para muling suyuin at mahalin si Jen nang buong puso ko. Ipinagdarasal ko sa Diyos na sana ay mabigyan ako ng second chance. Whatever it takes, willing ako na gawin ang lahat dahil sobrang mahal ko si Jen."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN