Celebrity Duets contender Akihiro Sato celebrates birthday in the Philippines a second time

IMAGE 0


"My last girlfriend is also a Brazilian, a model, but she's not here any more. January pa. But now, I don't have. I'm really focusing on work. Now, there's no time talaga," says the loveless Akihiro Sato.


Second time na ng Brazilian-Japanese model at Celebrity Duets contestant na si Akihiro Sato na mag-celebrate ng kanyang birthday sa Pilipinas. Ginanap ang celebration ng kanyang 24th birthday last night, September 14, sa newly-opened Celsius restaurant sa Tomas Morato, Quezon City.

Ang actual birthday ni Akihiro ay noong Sabado, Sept. 12.

"Dito rin ako nag-celebrate ng birthday ko last year," banggit ni Akihiro. "It's just that now, I'm into showbiz na rin. Last year, I also celebrated after the Cosmopolitan Bachelor Bash."

When asked kung ano ang birthday wish niya, ito ay ang magtuluy-tuloy na raw ang career niya sa showbiz at maging full-fledged actor.

Magkasabay raw sila ng birthday ng kanyang mommy na based naman sa Brazil.

"Actually, I'm a little bit upset because, always, we are together. I called them last night. Kasi magkaiba ang time natin sa Brazil," sabi ni Akihiro sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

Feeling din ni Akihiro, ibinigay na rin siguro na birthday gift sa kanya ang hindi niya pagkaka-eliminate sa Celebrity Duets last Saturday. Kung nagkataon kasi, mismong araw ng birthday niya ay siya pa ang kauna-unahang natanggal sa naturang celebrity-singing contest ng GMA-7. (Ang natanggal ay ang dating beauty queen na si Janina San Miguel.)

"Yeah, I'm so happy that I'll continue with the show. And I also appreciate because they bought a cake for me. And yesterday, I was in SOP also. So nice. All this, gifts for me."

CELEBRITY DUETS. Hindi nakarating sa birthday party niya ang kapwa niya Celebrity Duets contenders, although inimbitahan daw niya ang mga ito. Aniya, "Everybody's busy, especially it's Monday."

Ano ang masasabi niya sa pagkaka-eliminate ni Janina?

"I got upset," mabilis niyang sagot. "You know, this show is actually more on to enjoy, for fun. We all enjoy in the show. We don't expect to win and we expect to just stay together, so it's kinda upset. So I told her, 'Everything is great. You're part of the show, for sure.'"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

What about him, lalaban ba siya until the end?

"I hope so," nakangiti niyang sabi.

Ayon kay Akihiro, aware naman daw siya sa comment ng ilan na mas gusto siyang makita na mas sexy ang outfits niya than those he wore sa first three episodes.

"Well, I'll be sexier, and hopefully mas better din sa voice ko. Yung last song ko, Latino, kinda more sexy," pangako ng male supermodel.

LOVELESS AKIHIRO. Madalas sinasabi ni Akihiro na kung may gusto siyang makasama sa anumang project niya, si Marian Rivera ang wish niya. Pero when asked kung sino naman sa mga actresses ang type niya, sinabi niyang si Iza Calzado ito.

Pero since January, wala raw siyang girlfriend.

"My last girlfriend is also a Brazilian, a model, but she's not here anymore. January pa. But now, I don't have. I'm really focusing on work. Now, there's no time talaga."

He never had any relationship with a Filipina?

"Wala, wala pa," sagot ni Akihiro. "Walang time talaga. At saka mahirap kasi pag Filipina. But if ever, I like to have a Filipina girlfriend. But now, wala pa talaga and no time talaga."

Among Akihiro's celebrity guests sa kanyang birthday party ay sina JC Tiuseco at Daniel Matsunaga, kapwa niya Cosmo Bachelor centerfolds.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN