Coco Martin injured on the set of Tayong Dalawa

IMAGE 0


Coco Martin, who plays Ramon in the top-rating ABS-CBN drama series Tayong Dalawa, was injured while taping a shooting scene earlier this morning.


Naaksidente ang aktor na si Coco Martin sa taping ng ABS-CBN primetime series na Tayong Dalawa habang kinukunan ang isang mahalagang action scene kaninang bandang 5:30 ng umaga, September 15.

Sa naturang eksena ay nakikipagbarilan si Coco, na gumaganap bilang Ramon sa naturang teleserye, sa kanyang mga kalaban. Isang blank round ang pinaputok ngunit tumama ang smoke powder sa kanyang kaliwang mata. Namilipit sa sakit ang aktor kaya nilapitan siya agad ng staff at crew. Narinig din ang isang crew na humingi ng tubig para mabuhusan ang mata ni Coco.

Dinala agad sa University of Santo Tomas Hospital si Coco, kung saan sumailalim siya sa ilang medical tests. Pagkatapos matanggal ang foreign bodies na pumasok sa kanyang kaliwanag mata at magamot ang sugat niya sa mukha sanhi ng aksidente ay pinauwi na rin siya.

Dahil sa aksidente ay nakansela ang taping ng Coco para sa isang episode ng drama anthology na Maalaala Mo Kaya. Naantala rin ang shooting ng kanyang final action scene sa Tayong Dalawa.

Sa text message naman na ipinadala ni Coco sa SNN kanina, sinabi nitong nagpapahinga na siya sa bahay. Pero kailangan pa rin niyang uminom ng antibiotics every six hours at regular na lagyan ng liquid drops ang kanyang mga mata.

Umaasa siyang gumaling agad para makabalik siya sa taping ng Tayong Dalawa, na magtatapos na sa susunod na linggo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN