Michael V breaks stereotype about comedians being playboys

IMAGE 0


"Natutuwa nga ako na yung image ko sa publiko, hindi negative. Very wholesome ang tingin nila sa akin, which is very helpful sa career ko. If not siguro for this image na naipapakita ko, pinagkakatiwalaan tayo ng maraming tao," says Michael V., who reprises his Yaya character in the movie Yaya & Angelina (The Spoiled Brat Movie).


Madalas sabihin na matinik sa mga babae ang mga komedyante. Pero mukhang si Michael V lang ang natatanging komedyante sa TV at pelikula na hindi natsismis na nambabae o nali-link sa kung kani-kaninong artistang babae.

Maging si Bitoy ay nagtataka kung bakit gano'n ang naging image niya, hindi tulad ng ibang comedians na nababansagang "babaero."

"May nagtanong din sa akin niyan noon pa. Pinag-isipan ko ang isasagot ko. Ang nasabi ko lang, wala naman sigurong maniniwala rin kung mangbabae ako!" malakas na tawa ni Bitoy nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

Dagdag niya, "Parang, 'E, ano ngayon kung may iba kang chicks? Care namin!' Kaya okey lang na walang ma-link sa akin. Kesa naman okrayin pa ako, di ba?"

Mas marami kasing naniniwala na si Bitoy ay matinong lalaki, mabait na asawa, at responsableng ama sa kanyang mga anak. Mas okey nga raw na ganun ang image niya kesa sa mabahiran siya ng hindi magandang imahe sa publiko.

"Natutuwa nga ako na yung image ko sa publiko, hindi negative," sabi niya. "Very wholesome ang tingin nila sa akin, which is very helpful sa career ko. If not siguro for this image na naipapakita ko, pinagkakatiwalaan tayo ng maraming tao. Nandiyan ang mga endorsements ko, mga TV shows sa GMA-7 [Bubble Gang, Bitoy's Funniest Videos, Hole In The Wall, Eat Bulaga] at iba pang karaketan. Kaya sabi nga nila, it pays to be good."

Pero hindi naman sinasabi ni Bitoy na hindi maganda ang mga naging imahe ng kanyang mga kaibigang comedians na nababalitang mga babaero, tulad nila Janno Gibbs at Ogie Alcasid.

"Kanya-kanyang mga style lang iyan, di ba? May kanya-kanya kaming mga images sa publiko, e. With Janno naman kasi, noon pa naman siyang ladies' man kung tawagin. Malambing na tao kasi 'yang si Janno at magaling kumanta. Yun ang secret niya kung bakit hanggang ngayon, e, sila pa rin ni Bing [Loyzaga] after ng mga nangyari sa samahan nila. Naniniwala naman ako that Janno is really trying his best to be a good family man.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Si Pareng Ogie naman, iba rin 'yan. Tahimik lang 'yan pero matinik! But that was before. He had his share of being a ladies' man noon. Ngayon, kay Regine [Velasquez] na lang siya. Sa totoo lang, I have never seen Ogie happier, lalo na noong naging sila na ni Regine. Siguro nga they were meant to be with one another," saad ni Ogie.

Sa September 23 ay ipalalabas na ang pelikula nila ni Ogie na Yaya & Angelina (The Spoiled Brat Movie) mula sa GMA Films at APT Entertainment, direksiyon ni Mike Tuviera.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN