Mark Herras muses about ending up with Jennylyn Mercado

IMAGE 0


"Palagi kong kasama si Jen sa taping. Ever since naman, hindi naman nawala ang feelings ko for Jen. Yun naman ang pinaka-precious relationship na nagkaroon ako ever since. Yung kay Jen ang pinaka-trinesure ko. Yun ang pinakamatagal at trinesure," says Mark Herras about ex-girlfriend Jennylyn Mercado.


Balik-tambalan ang dating magkasintahan at first StarStruck winners na sina Mark Herras at Jennylyn Mercado sa bagong primetime series ng GMA-7 na Ikaw Sana. Magsisimula nang mapanood ito sa September 21, kapalit ng All My Life.

Sa istorya, pag-aagawan si Mark nina Jennylyn at Pauleen Luna, na gumaganap bilang mag-stepsisters. Feeling ni Mark, mas challenging ang role niya rito sa Ikaw Sana kumpara sa afternoon soap nila noon ni Jennylyn na Paano Ba Ang Mangarap?.

"Ito kasi, magkapatid sila. And then, at first, I have a relationship with Pauleen, and then, mami-meet ko si Jen. Tapos, may conflict kaya hindi ko maituloy ang pag-ibig ko kay Jen because of my lolo [Tony Mabesa]. My lolo is dying at ang request niya, pakasalan ko si Pauleen.

"Siyempre, kapag makita mo ang lolo mo na nagmamakaawa sa 'yong ganoon at dying, siyempre yun ang susundin mo. Pero siguro, towards the ending, mas ipaglalaban ko pa rin ang feelings ko," paglalarawan ni Mark sa kanyang character.

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Mark sa presscon ng Ikaw Sana noong Martes, September 15, sa Studio 6 ng GMA Network.

PAULEEN LUNA. Hindi naiwasang itanong kay Mark ang tungkol sa napabalitang breakup nina Pauleen at Dennis Trillo, bagamat hindi naman talaga umamin ang dalawa sa totoong estado ng kanilang relasyon. Bukod kasi sa magkasama ngayon sina Mark at Pauleen sa show ay na-link din sila sa isa't isa noon.

May lumalabas din kasing report sa mga tabloid na pinagseselosan daw siya ni Dennis. Ano ang reaksiyon ni Mark dito?

"Ha? Ano na naman? Nadamay na naman ako?" natatawang sabi niya. "Hindi ko alam, siguro lang hindi ko lang alam ang isyu about selos. But with Pauleen kasi, sobrang close kami as friends. After ng lahat na naisyu kami before, mas naging close kami ni Pau at puwede kong sabihin na parang siya ang naging best friend ko na babae."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero hindi na ba siya nanligaw kay Pauleen?

"Hindi, hindi na talaga," sagot ng binata. "Kami ni Pau talaga, parang hindi na rin namin puwedeng sabihin na may possibility na maging kami or magkaroon ng relationship ulit. Kasi parang, alam mo yun, naging super close kami ni Pauleen, e. Lalo na parehas kami kay Nay Lolit [Solis, their manager]. Parang nagkaroon kami ng bonding ni Pau. Ganoon ang turingan namin ni Pauleen ngayon, e, parang magkapatid."

"Yung sa kanila ni Dennis, hindi ko naman inisip na ganoon. Hindi ko rin naman alam ang nangyari dun. Basta kami ni Pau, magkaibigan kami," ulit ni Mark.

Pero napag-uusapan ba nila kung ano nga ang pinagdadaanan ni Pauleen ngayon?

"Hindi na ako masyadong nagtatanong. Siyempre, alam ko kapag relationship. Pero every time naman na kung si Pau lalapit sa akin at magsasabi ng problema, siyempre, open naman ako to listen and to give advice. Pero kaya naman nila yun."

JENNYLYN MERCADO. Kumusta naman ang lovelife niya? Matagal-tagal na rin na tila tahimik siya pagdating sa aspetong ito. Isang bagay na hindi nakasanayan dahil madalas ay maingay ang lovelife niya.

"Hindi ba kayo sanay?" natatawa niyang sabi. "Siguro ano lang, tumitiyempo lang ng right time kung sino and kung kailan. Ngayon, wala pa, wala pa. Sa ngayon kasi, puro yung project ko with Jen. Malay n'yo, kami pa rin pala, di ba?"

Medyo nagulat kami sa naging pahayag ni Mark dahil tila nagpapahiwatig siya na nagkakagusto siyang muli sa dating girlfriend.

So, naiisip niyang sila pa rin pala sa huli?

"May mga oras..." pag-amin niya.

Noong ginawa nila ang Paano Ba Ang Mangarap?, parang hindi ganoon ang nararamdaman niya. So, ano ang nangyari at nagpabago ng kanyang isip?

"Kasi, palagi mong kasama, e," sabi ni Mark. "Palagi kong kasama si Jen sa taping. Ever since naman, hindi naman nawala ang feelings ko for Jen. Yun naman ang pinaka-precious relationship na nagkaroon ako ever since. Yung kay Jen ang pinaka-trinesure ko. Yun ang pinakamatagal at trinesure.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi ako, kung ikukumpara ko ang pagkalalaki, hindi ako yung tipo ng lalaki na sasabihin ko sa harap ng babae na in love ako sa 'yo. Kung hiwalayan naman, dun ako mahina, e. Na parang ngayon na lalong nagma-mature ang utak ko."

Ano ang nakikita niya kay Jennylyn na tipong naa-appreciate niya ngayon?

"Si Jen, sobra-sobrang nag-iba... Iba na yung pakikipagtrabaho ni Jen, sobrang nag-iba. At siguro, dahil din, alam mo yun, may mga oras sa bahay na nanonood ako. Marami sa YouTube ng mga dating pinagsamahan pa namin ni Jen... Once in a while, pinapanood ko at parang pati ako, kinikilig sa nakikita ko.

"Hindi ko alam. Hindi ko alam kung bakit ganito ang nangyayari ngayon," sabi niya.

Feeling din ni Mark, kung sa huli ay magkabalikan nga sila ni Jennylyn, masasabi niyang yun na raw siguro yun. Tingin din niya, tapos na siya sa hindi seryosohang relasyon.

"Hindi rin naman kasi nakakatuwa na papalit-palit ka ng girlfriend. Na maghihiwalay kayo, manliligaw ka ng panibago na naman. Panibagong pakikisama na naman," paliwanag niya.

Nakikita niya bang wife-material si Jen?

"Oo naman!" mabilis niyang sagot. "Sa lahat naman ng naging girlfriend ko, si Jen talaga ang nakilala ko nang sobra. Kahit yung personal life ni Jen, halos alam ko."

FROM NINONG TO DADDY? Napalapit na rin daw si Mark sa anak ni Jennylyn kay Patrick Garcia na si Alex Jazz, na inaanak niya. Kung sakali rin daw, hindi magiging isyu sa kanya kung may anak na ang dating kasintahan.

"Wala, wala... Hindi kaso sa akin kung may baby yung tao, kasi hindi naman ako yung tumitingin sa porke't may baby ang tao, hindi mo na puwedeng mahalin or magka-relationship. Wala namang kaso kung may anak," ani Mark.

Okey lang ba sa kanya pag tinawag siya ni AJ na "daddy" at hindi na "ninong"?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Wow!" natatawa niyang sabi. "Well, bahala si AJ, bahala siya..."

Hindi naman itinanggi ni Mark na dinadalaw niya talaga ang bata sa bahay nito.

"Dadalawin ko nga dapat noong isang araw, kaso tinamaan ako ng sakit kaya hindi pa ko tumuloy," banggit niya.

Ang baby lang ba talaga ang dinadalaw niya, o pati si Jennylyn?

"Kasama na yun at saka sila Tita [Lydia Mercado, Jennylyn's mom]. Pero ang talagang dinadalaw ko si AJ," diin ni Mark, sabay ngiti.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN