Robin Nievera opens up about love-hate relationship of his separated parents

IMAGE 0


"You know, they have their lives and I have mine. And I'm just... If they make you happy, you know what, go for it! I can't be like, 'No, you have to be together.' Selfish naman ako, di ba? Whatever makes my mom or dad happy, I'm okay with that," says Robin Nievera about his famous parents—Concert King Martin Nievera and Concert Queen Pops Fernandez.


Ang tungkol sa galit-bati na samahan ng kanyang mga magulang na sina Pops Fernandez at Martin Nievera ang hindi naiwasang pag-usapan kay Robin Nievera sa presscon para sa back-to-back concert ng kanyang ama with Gary Valenciano—ang As 1 na gaganapin bukas ng gabi, September 19, sa MOA Concert Ground.

May special appearance si Robin at ang anak ni Gary V. na si Gab Valenciano sa nasabing concert. Tuluyan na rin kasing papasukin ni Robin ang music scene.

ROBIN SPEAKS UP. Tinanong ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Robin kung ano ang nararamdaman niya sa tuwing mag-aaway ang kanyang mga magulang, lalo noong nakaraang taon nang ilabas lahat ni Pops ang sikreto kung bakit sila naghiwalay ni Martin. (Click here to read related story.)

"I never like it," diretsong sagot ng 22-year-old na binata. "Every time an issue comes out, I always like be ahrrr...! Like when they broke up the first time, shattered ako. I was 12-13? That's not nice and all the press was on them. So, even Ram [younger brother], when people on the street would ask me, 'How's your mom and dad? ' I don't wanna talk about that!

"So, na-hurt ako. But I'm older now. It hurts me a little bit 'cause my parents are fighting again and I hate that feeling. But it's really mom and dad..." pahayag ng binata.

Paano nila hina-handle na magkapatid ang sitwasyon tuwing nag-aaway ang parents nila?

"I talk to them. They talk to me. They talk to me first!" tumatawang sabi ni Robin. "'So, this is what's happening!' Before I read anything, they're telling me na. But we talk about it."

Hindi ba siya nagtanim ng sama ng loob sa ganitong paulit-ulit na sitwasyon ng mommy at daddy niya?

"No, I don't. I'm okay with everything. You know, it happened. I'm okay with it," pagkikibit-balikat niya habang nangingiti.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Robin, dati ay hindi niya tanggap na maghihiwalay ang kanyang parents.

"I was 12 before when they broke up. I always tell my Mom, 'Don't do it.' That's was a long time ago na!"

Ano naman ang naging epekto sa kanya ng nangyari sa parents niya?

"I think I'm okay!" natatawa niyang sagot. "I'm not naman... I don't know how to say that. I've always been a friendly guy. I don't like telling my parents, 'What's going on?' But I'm sad, you can see it on my face. But I'm okay. Church always helps me. I like to pray. So, God has always been there for me. Friends have always been there for me. 'Cause I don't have to tell them my Mom and Dad are fighting. They read it even before I found out. Sometimes it sucks! In fairness, they're still friends. Some broken marriages, they don't even talk to each other. My Mom and Dad are still friends."

Wala raw kinikilingan si Robin isa man sa mommy at daddy niya. Kapag nasa Las Vegas siya, madalas silang magkasama ng ama niya. Pag nandito naman siya sa Pinas at wala rito ang daddy niya, lagi niyang kasama ang mommy niya.

CHEERY DISPOSITION. Isa sa kahanga-hangang katangian na napansin namin kay Robin sa interview na ito ay ang pagiging palabiro niya at masayahin. Kung gaano seryoso pag sumagot si Pops ay siya namang sobrang kalog ng kanyang panganay. Wala ngang dudang nakuha ni Robin ang pagiging kalog ng kanyang ama.

Kaya naman kahit seryoso ang pinag-uusapan, sinisingitan nito ng tawa ang bawat sabihin; marahil ay para hindi maging mabigat ang tema ng pinag-uusapan.

Napangiti uli si Robin nang matanong siya ng PEP kung paano niya hina-handle sa tuwing may kanya-kanyang lovelife ang mommy at daddy niya.

"I support the both of them. Well, we're older and more mature so... But before, I don't wanna know! Now, it's okay. I'm okay naman with everyone, e," tugon niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi ba siya nahihirapang makisama tuwing magkakaroon ng panibagong pag-ibig o karelasyon ang kanyang mga magulang?

"You know, they have their lives and I have mine. And I'm just... If they make you happy, you know what, go for it! I can't be like, 'No, you have to be together.' Selfish naman ako, di ba? Whatever makes my Mom or Dad happy, I'm okay with that."

Mababait ba yung mga nagiging karelasyon ng mommy at daddy niya?

"Naku, if they're not nice to me or Ram, patay sila! Not for me, ha? From them [his parents]. If a guy is not nice, my Mom... will kill him!" tawa ni Robin, sabay sabing, "No, so far, no naman."

Nakikita niya na bang umiyak ang mom niya sa tuwing makikipag-break ito sa kanyang boyfriend?

"I was there with my Mom. We broke up at the same time!" mabilis niyang sagot kasunod ang isang malakas na halakhak.

Nang kumustahin ng PEP kay Robin ang ex-boyfriend ng kanyang ina na si Jomari Yllana, hindi ito nakasagot agad.

"I don't know what to say. I haven't seen him since the concert," sabi ni Robin, na ang tinutukoy ay ang reunion concert ng parents niya sa Araneta Coliseum last February na iprinodyus ni Jomari at ng business-partner nitong si Ronald Singson.

Okey naman sa kanila si Jomari?

"Am okay with him? Oo naman! I'm okay? Yeah, I'm okay with him," sagot ni Robin.

Pagdating naman sa sarili niyang lovelife, last year pa raw nang huli siyang magkaroon ng girlfriend. Wala raw muna siyang balak magkaroon ng bagong kasintahan dahil gusto niyang mag-focus sa kanyang music and career.

ROBIN'S BAND. May binuo raw banda si Robin na tinawag niyang Wagyu. Plano nilang gumawa ng album at ang kanyang compositions ang gagamitin nila. Dapat nga raw noong nakaraang taon pa sila nakapag-recording, pero umalis siya patungong Las Vegas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ikinuwento rin ni Robin na natapos niya ang isang crash course tungkol sa production.

Ngayong tuluyan na ngang papasukin ni Robin ang showbiz, handa na raw siyang harapin ang mga intrigang dadaan sa kanya, ke sarili niyang issues o sa mga parents niya.

"Yeah, before pa. Since I was 12 pa, I was ready. Someone's gonna ask you how do you feel? But no one did!" tawa niya.

Maliban sa boses at pagiging masayahin, ang isa pang namana ni Robin kay Martin ay ang hilig nito sa lahat ng genre ng music. Ang kulot niyang buhok ay namana nito kay Pops.

Gusto ni Robin na mag-revive ng isa sa mga kanta ng daddy niya, pero nahihirapan siyang pumili dahil sa dami ng mga hits nito. Isa pang gusto niyang i-revive ay yung kanta na hindi lang nilagyan ng lyrics nito kundi nilapatan din ng music nito.

Wala pa ring maisip si Robin na kanta na pinasikat ng kanyang ina para i-revive. Tatanungin muna raw ni Robin kung alin sa mga hits ni Pops ang kanyang composition.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN