PEP EXCLUSIVE: Nomar Pardo's wife and father stand their ground; will not settle with Richard Gutierrez

IMAGE 0


Unang nagkita sina Mr. Ramon Pardo (main photo) at Richard Gutierrez (inset) sa burol ni Nomar, anak ng una at personal assistant ng huli. Ang sumunod nilang pagtatagpo ay nangyari sa Imus Hall of Justice, kung saan isinampa ng pamilya Pardo ang kasong Reckless Imprudence Resulting in Homicide laban sa 25-year-old Kapuso actor.


Isang text message na galing umano sa abugado ni Richard Gutierrez na si Atty. Sheryll Mallari ang ikinagulat at ikinabahala ng pamilya ni Nomar Pardo, ang nasawing personal assistant ng aktor sa aksidenteng naganap noong ika-22 ng Mayo sa Silang, Cavite, kung saan ang 25-year-old na aktor ang nagmamaneho ng sasakyan.

Ipinadala ang naturang text message kay Atty. Ombra Jainal, abugado ng biyuda ni Nomar na si Lorayne Pardo, noong Miyerkules, ika-16 ng Setyembre.

Ito ang nilalaman: "Good afternoon. We were advised by Richard that he and Lorayne agreed on the three-year lump sum of Nomar's salary when they privately talked."

Nang makarating ang mensahe umano ni Atty. Mallari sa ama ni Nomar na si Ramon Pardo ay "nagalit" ang huli, at agad daw nitong tinawagan ang numerong nagpadala ng text message.

Sa eksklusibong panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Mr. Pardo noong araw ding 'yon, naikuwento nito ang naging pag-uusap nila ni Atty. Mallari sa cell phone.

"Hello, is this Atty. Sheryll?" ang bungad daw ni Mr. Pardo. Nung sumagot ng "yes" ang nasa kabilang linya, at saka raw siya nagpakilala bilang ama ni Nomar.

Habang isinasalaysay ni Mr. Pardo ang detalye ng kanyang pakikipag-usap kay Atty. Mallari, halatang nagpipigil sa galit ang boses nito kumpara sa malumanay niyang pananalita sa mga una naming panayam sa kanya. Aniya, "Hindi ko alam kung bakit may ganun... Hindi ko alam kung saan galing yun. They're trying to make fools out of us."

Sa pagpapatuloy niya, "Kaya nga, nung tinawagan ko si Atty. Mallari, ang sabi ko, 'Are you certain that's true? We did not settle. I talked to my daughter-in-law, wala siyang sinabing ganun. You call up this number, and he will tell you what to do.'"

At ibinigay daw ni Mr. Pardo ang numero ni Atty. Firdausi Abbas, ang may-ari ng law firm na humahawak ng kaso ni Lorayne laban kay Richard.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Maging si Lorayne ay nagulat sa naturang text message. "Hindi po!!!" ang mariin daw nitong sagot sa text nang usisain siya ng kanyang father-in-law.

Ayon pa kay Mr. Pardo, naalala raw ni Lorayne na noong nagkaharap sila ni Richard sa preliminary investigation, tinanong daw siya ni Cavite Prosecutor Emmanuel Velasco kung willing daw ba siyang mag-settle.

At ang isinagot daw ng manugang: "Payag ako sa civil case, pero sa criminal, hindi."

Inulit-ulit daw ng chief provincial prosecutor ng Cavite ang pagtatanong kung papayag silang makipag-areglo at kung magkano, pero "hindi" at "wala" ang paulit-ulit din daw nilang isinagot.

Samantala, tinawagan ng PEP ang law firm na kinabibilangan ni Atty. Mallari, ang BGE PAL (Belo Gozon Elma Parel Asuncion & Lucila), kaninang alas sais ng hapon, subalit "on leave" daw ito at ibinigay na lang sa amin ang kanyang numero.

Tatlong beses naming kinontak ai Atty. Mallari sa pamamagitan ng cell phone, subalit hindi ito sumasagot. Sa kasalukuyan, sinusubukan din siyang kontakin ng isa sa kanyang associate sa nasabing law firm.

SEPTEMBER 4 HEARING. "Moves to amicable settlement" ang naging main agenda sa preliminary investigation na isinagawa ni Prosecutor Velasco.

Sa kuwento ni Ramon Pardo, ang unang tanong daw kay Lorayne ay: "Are you open to settlement?"

At dito nga isinagot ni Lorayne yung: "areglo sa civil case, pero sa criminal, hindi puwede."

Tinanong din daw sila ni Prosecutor Velasco kung magkano ang gusto nila.

Sa pagkakataong ito, sumabad daw si Mr. Pardo para sagutin ang nasabing tanong. Heto raw ang kanyang sinabi: "Fiscal, excuse me po... Bakit kami ang tinatanong n'yo on how to compute that? Di ba, ang judge ang magsasabi niyan? We don't know how... Ang alam ko, kapag dumating sa huwes, ang huwes ang magsasabi dun sa family ng victim kung magkano ang dapat ibigay."

Nanindigan din ang biyuda ni Nomar na hindi siya makikipag-areglo, kahit pa nagpahayag daw ang prosecutor na: "Sasabihin ko sa inyo, tatagal din ito. Alam niyo, sayang ang panahon, e. Tatagal ito."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Lubos na ikinabahala ni Atty. Abbas ang sinabi ni Prosecutor Velasco. Sa kanyang panayam sa PEP noong gabi ring iyon (Click here to read story), ang kuwento niya: "When Lorayne told me what happened this afternoon, that Fiscal Velasco said, 'Dun din naman pupunta yun, e, sa settlement...' What he said is very radically inconsistent. Last time, Fiscal Velasco told Atty. Jainal: 'Totoo ba ito? Pag na-file na ito, dire-diretso na.' Now, it's different. There is no investigating fiscal who knows the law who will not find a prima facie case. There is sufficient evidence—bakit walang hearing?"

Ayon kay Mr. Pardo, natapos ang dalawang oras na hearing na "settlement" ang pinupursigi ng prosecutor. Binigyan ng labinlimang araw sina Richard at Lorayne para pag-isipan ang kanilang mga susunod na hakbang.

Bago sila naghiwalay, ang huling bilin daw ni Prosecutor Velasco, ayon kay Mr. Pardo: "Ganito na lang gawin natin. Let the lawyers talk among themselves. Pero 'pag magbabayaran, huwag dito [Imus Hall of Justice]. Dito lang kayo pipirma. Kung hindi magkasundo, we will study the case kung iaakyat natin sa korte."

SEPTEMBER 18 HEARING. Sa naganap na pagdinig sa kaso kaninang alas nuwebe ng umaga, September 18, ang dumating lang ay si Atty. Maria Lourdes Panganiban, ang representative ng BGE PAL law firm.

Sa kampo naman ng mga Pardo, dumating sina Atty. Abbas, Atty. Jainal, Mr. Pardo, at Lorayne.

Nagsumite ang abugado ni Richard ng rejoinder affidavit, pero hindi ito tinanggap ni Atty. Abbas dahil ang nasabing dokumento ay pinirmahan ng aktor sa Quezon City Prosecutor's Office. Inayunan naman siya ng piskal, na nagsabing, "[Richard] should have time; he should make time to come here."

Kumpara sa hearing na naganap noong September 4, mas panatag daw ang pamilya Pardo sa mga nangyari ngayon sa prosecutor's office.

At muli, iginiit ni Mr. Pardo: "Walang settlement na naganap."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kahit si Lorayne, hindi rin daw nagbabago ng pasya: "Kung ikaw ba iyong namatayan, makikipag-settle ka ba?"

Ito ang tinuran niya sa PEP noong araw ng first preliminary investigation.

Ito pa rin ang kanyang desisyon makalipas ang labinlimang araw—ang palugit na ibinigay ni Prosecutor Velasco sa dalawang kampo para pag-isipan ang pagkakaroon ng "amicable settlement."

At sa pakikipag-usap namin kay Lorayne Pardo kanina, ito ang tanging mensahe niya: "I have full confidence on my lawyers."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN