PEP EXCLUSIVE: Mark Lapid is now free to marry Tanya Garcia, but "hindi pa niya ako sinasagot ng yes, e."

IMAGE 0


During the birthday celebration of his daughter Mischa Amidala last September 19, Mark Lapid looked the picture of a happy family man. He just needs to make it official. Now that his marriage to Korean national Yuri Park has been annulled, he and the mother of Mischa, Tanya Garcia, can go ahead with a long-awaited ritual: "We're planning to get married and we have our flower girl na."


Bukod sa second birthday ng kanilang anak ni Tanya Garcia na si Mischa Amidala, na ginanap sa bagong bukas na Marissa Hall sa Porac, Pampanga, may isang rason pang sine-celebrate ni Markā€”ang resulta ng annulment case na nai-file niya noong Pebrero 2007 sa Las Vegas, Nevada.

Matagal din nilang hinintay ang desisyon ng korte sa Las Vegas tungkol sa unang pagpapakasal ni Mark sa Koreanang si Yuri Park at sa loob ng mga panahong yun ay nanatiling tahimik lang sila, especially si Mark, sa lahat ng isyung ibinibato sa kanya.

Ayon nga rito, "It was officially decided on September 8 this year. Nakuha na namin ang paper. Officially it's over na and we can move on na and we're planning to get married na and we have our flower girl na," nakangiting turo naman nito sa anak na si Mischa.

Annulment nga ang naging result ng una niyang kasal, which means that no marriage existed.

Ano ang pakiramdam nang finally, natanggap na niya?

"Masarap po, because it was something na, alam n'yo yun, for how many years, pinoproblema, inaasikaso, it was used against me and against us. But we choose na manahimik na lang muna and let the court decides.

"Finally, nagpapasalamat nga kami at yung totoo, yun naman ang lumabas. Officially, last September 8 po, it was already been signed by the judge at nabigyan na rin kami ng custody."

SUBDUED CELEBRATION. Naging call for celebration ba ito sa kanila nang malaman nila ang desisyon ng korte?

"No, kaming dalawa ni Tanya, nag-usap kami. I handed her the document, the paper. Kami-kami lang. We did not celebrate anything but we're trying to plan kung ano ang puwede nang gawin."

Sa loob ng halos tatlong taong hinihintay niyang ma-grant ang annulment ng kasal nila ni Yuri Park, pinili niyang manahimik at hindi mag-react kahit kabi-kabila ang mga negatibong pagbabato ng komento at isyu sa kanila ni Tanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bakit?

"Nasa korte ho yung... ayaw naming magkaroon ng anuman. Baka magamit kung anuman yung statement sa case. Right now, tapos na po."

Nagkaroon ba siya ng regret dahil at that time na lumabas yung isyu, panahon ng election?

"Yeah, kaya nga sabi ko, tulad nga ng sinabi ko, ginamit po yun against me and everything. But it's okay, wala na ho akong magagawa ru'n kasi, nangyari na. Nagpapasalamat na lang ako na finally it's really over and we can move on na on what we want at kung ano talaga ang gusto naming mangyari kaya masayang-masaya."

HOW'S YURI TAKING IT? "Lumalaban siya. Kaya rin kami nagtagal sa case kasi lumalaban din siya, like for the child's support, humihingi siya ng $5,000 for monthly support. Sabi ko, saan naman ako kukuha ng pera? Wala naman akong ganoong pera.

"Ang rule ng court, the court has no jurisdiction for child's support and the court has no jurisdiction for child's custody. The court has only jurisdiction on the annulment case."

Magiging panibagong case naman daw ang usapin tungkol sa bata.

"That would be another case again. But the most important thing is yun nga, the annulment case is over and we can plan on our own."

Posibleng marami ang nagtatanong kung nagbibigay ba siya ng financial support sa bata at kung ina-acknowledge nga ba niya ang sinasabing anak niya sa Korean?

"Nagbibigay naman ako ng support ever since. Hindi ko nga lang maintindihan kung bakit ganoon, parang ginamit against me sa pulitika. Hindi ko maintindihan. Hopefully, natalo naman ako, so siguro, nag-succeed sila. So, ibigay naman nila yung para sa akin."

POLITICAL PLANS. Now that it's over, kasama rin ba sa plano niya ngayon ang tumakbo uli para sa anumang posisyon sa pulitika?

"Hindi po, father ko [Senator Lito Lapid], he will run for governor."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

So, may mga plano na ba sila for their wedding at kung kailan ito magaganap?

"Hindi pa niya ako sinasagot ng yes, e," nakangiting biro ni Mark. "Kailangan yung proposal daw, medyo maayos-ayos nang konti at kailangan daw haranahan ko muna siya. Kaya sabi ko, sige, tapusin muna natin ang birthday ni Mischa at planuhin muna natin yun."

WHEN'S THE WEDDING? Posible bang this year or next year na naka-set ang wedding nila?

"Pag-usapan muna namin kasi marami pa rin dapat gawin. Like, may election pa na darating."

Ayon kay Mark, he appreciates everything that Tanya does for him and their daughter.

"Oo naman, at saka talagang hands on siya, nakatutok siya. Maraming offers for taping, shooting and everything, pero, priority muna niya yung family. Like kapag aalis ako, instead na tatanggap siya ng taping, hihintayin niya muna 'ko kasi, mas priority niya na dumating muna 'ko."

Mark is now with the Philippine Tourism Authority. Saan ba siya mas kumportable, noong may posisyon siya sa gobyerno or now that he works for the PTA?

"Mahirap po silang ikumpara dahil hindi naman parehas yung mundo na ginagalawan ng dalawang opisina. Sa kapitolyo, it is really hands on, diretso sa mga tao. Pero sa Philippine Tourism Authority, it is more on office works talaga. It's a government-owned corporation, so iba naman. Magkaiba po."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN