Pauleen Luna may help ex-boyfriend Sherwin Gatchalian's 2010 campaign if she's free

IMAGE 0


"I don't burn bridges, wala akong kaaway na ex ko. As much as possible, kung hindi man kami nag-part ways nang maayos, after a while, maayos... Naiintindihan ko na, sometimes things are just meant to happen, na hindi kailangan lahat ng mga bagay-bagay pinapatulan," says Pauleen Luna.


Magkaibigan pa rin si Pauleen Luna at ang former boyfriend niyang si Valenzuela City Mayor Sherwin Gatchalian. Kaya naman kapag hiningan ng tulong ni Mayor Sherwin si Pauleen sa kampanya sa 2010 elections, papayag daw si Pauleen.

"No problem with that, basta I'm free," sabi ni Pauleen nang makapanayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

Paliwanag niya, "I don't burn bridges, wala akong kaaway na ex ko. As much as possible, kung hindi man kami nag-part ways nang maayos, after a while, maayos. 'Tsaka ngayon wala na din akong ano... Di ba, dati meron akong mga nakakaaway? Ngayon wala na, kasi I'm more mature now. Naiintindihan ko na, sometimes things are just meant to happen, na hindi kailangan lahat ng mga bagay-bagay pinapatulan."

UNLUCKY IN LOVE? Recently, naudlot ang sana ay seryosong relasyon nila ng co-star niya sa Adik Sa 'Yo na si Dennis Trillo. Masasabi ba ni Pauleen na malas siya sa pag-ibig?

"No, you learn something from it every time and one thing that's good is that I apply it. Alangan namang may natututunan ka, pero hindi mo naman ginagamit? That's number one. Number two, I can say that I've become stronger than I was before, maraming lessons learned," saad ni Pauleen.

Given a choice, kanino niya pipiliing ma-in-love ulit: sa isang politician o sa isang artista?

"Hindi ko alam," sagot niya. "Siguro sa artista kasi mas naiintindihan niya yung trabaho ko. Sometimes kasi it's very difficult to be in a relationship with someone who's in a different field because he doesn't know the ups and downs of the business. Minsan nag-a-assume sila na baka ganito or ganyan, but they don't really know what's happening with you, unlike kapag pareho kayong nandun sa field na yun, alam ninyong pareho."

ANOTHER KONTRABIDA ROLE. Kasama si Pauleen sa bagong primetime series ng GMA-7 na Ikaw Sana kung saan kasama niya sina Mark Herras at Jennylyn Mercado. Hindi ba natatakot si Pauleen na kontrabida na naman siya sa Ikaw Sana after Adik Sa 'Yo?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"It's Direk Joel [Lamangan] kasi at saka nandun yung challenge. Natuwa ako na he got me again. Ibig sabihin, I did something good, at hindi ako makakatanggi kay Direk. 'Tsaka masama man ako dito, if it turns out well, then that would be a plus for me kasi it's a challenge for me."

After these two projects at kontrabida ulit ang offer kay Pauleen, tatanggapin ba niya?

"Sana, hopefully, bida naman. Pero ako kasi, I think of it as a blessing. So, bakit ako tatanggi?" sabi niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN