Jennylyn Mercado admits saying "Ikaw Sana" to ex-bf Mark Herras when they were still together

IMAGE 0


Jennylyn Mercado will soon go back to the primetime block via Ikaw Sana, which also stars her perennial screen partner and ex-boyfriend, Mark Herras.


Instead na si Pia Guanio ang magbato ng mga katanungan kay Jennylyn Mercado, ang dating boyfriend at screen partner na si Mark Herras, na makakapareha niyang muli sa GMA-7 primetime soap na Ikaw Sana, ang nagtanong sa aktres through a VTR sa Showbiz Central.

Ang unang tanong ni Mark kay Jen ay kung ano raw ang ipinagkaiba niya sa mga iba pang naging boyfriend ng kapareha.

"Ang pinagkaiba niya? 'Yang si Mark kasi, talagang ano 'yan, e, malambing siyang talaga. At saka, maharot talaga siya. Magaslaw, so, masaya siyang kasama. Palagi niya akong kinukulit. Yun ang pinagkaiba."

Ikalawang tanong naman ni Mark kay Jen: "Kung meron kang isang bagay na nami-miss sa akin, ano yun?"

"Ano ba? Yung pagiging conservative niya. Yung palagi niya akong sinasaway kapag kunwari yung damit ko...'Uy, bakit ganyan ang damit mo?' 'Tapos, kakausapin niya pati ang wardrobe na, 'Uy, palitan n'yo naman ang damit ni Jen.' Ganoon siya."

So, "he's quite overprotective?" tanong naman ni Pia.

"Oo...nakaka-miss yung ganoon. Di ba sa mga girls, gusto natin ng ganoon? Yung pino-protektahan tayo?"

"Ay, ako, ayoko!" mabilis na sabi ni Pia.

Nakangiting sabi naman ni Jen, "Ako, gusto ko."

On Mark's third question, noong time raw na sila ang mag-boyfriend-girlfriend, dumating raw ba ito sa point na naisip niyang sana, sila na lang habambuhay?

"Habambuhay? Noong kami pa ang mag-boyfriend and girlfriend, ah..."

One year and seven months rin daw silang nagkaroon ng relasyon. Though quite short pa rin, it was still an intense relationship.

"Noong time na yun kasi, kapag may boyfriend ka, although mga bata pa kami, pero yung relationship namin, talagang matindi ang relationship namin. So, feeling namin noong time na yun, kami talaga. Kami na talaga forever."

Did they ever discuss marriage? Or kids?

"Hindi naman dumating pero ano, palagi naming pinag-uusapan yung future like sana, tumagal pa tayo. Sana ikaw na, yung mga ganoon."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa huling tanong ni Mark, kung sakali raw at manligaw siyang muli balang-araw, may pag-asa pa raw kaya siya?

"Of course, yes, of course...hindi ko naman po sinasara ang puso ko kay Mark. Palagi kong sinasabi sa lahat ng interview ko na palagi siyang may special place sa aking buhay."

Ayon kay Pia, whatever problems they initially had naman, nalutas na raw nila yun at nag-blossom pa nga into friendship.

But then, halatang nagulat din si Jennylyn sa mga tanong ni Mark kaya nasabi na lang nito, "Si Mark, ha...ang mga tanong, nakakagulat."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN