Melissa Ricks: "Hindi naman ako buntis!"

IMAGE 0


"Natatawa ako kasi parang yung mga isyung lumalabas, kung anu-ano na lang. Siguro yung damit na sinuot ko alsado lang, o kaya busog lang ako nang mga panahon na yun. Hindi naman ako buntis. At sino ang ama?" says Melissa Ricks about the rumor that she is pregnant.


Natatawang itinanggi ni Melissa Ricks ang intrigang buntis daw siya sa interview sa kanya ng The Buzz, na ipinalabas last Sunday, September 20. Ayon kasi sa tsismis na lumabas sa mga pahayagan at websites (hindi ang PEP), kaya raw tumataba si Melissa ngayon ay dahil sa nagdadalang-tao umano ang young actress.

"Hindi naman ako buntis!" natatawa, pero todo-tangging sambit ni Melissa.

Nagulat ba siya sa balita?

"Natatawa ako kasi parang yung mga isyung lumalabas, kung anu-ano na lang. Siguro yung damit na sinuot ko alsado lang, o kaya busog lang ako nang mga panahon na yun. Hindi naman ako buntis. At sino ang ama?" sabi niya.

Apektado ba siya ng isyung ito?

"Ako, hindi ako affected kasi hindi naman talaga totoo. Wala namang hint ng katotohanan 'yan. So, parang nakakatawa na lang siyang pakinggan. Tapos ang dami-daming lumalabas sa diyaryo, nababasa ko sa text. Wala, dedma na lang."

Aminado naman si Melissa na apektado ang pamilya niya sa lumabas na isyung buntis siya.

"Affected naman siyempre yung family ko na may lumalabas na buntis ako."

Tinanong ba siya ng parents niya tungkol dito?

"Oo, tinanong nila ako. Sabi ko, 'no'. Siyempre ayaw naman nila ng mga negative na lumalabas, di ba?"

Nang kumustahin naman si Melissa tungkol sa rumored boyfriend niyang si Jake Cuenca, ito ang naging pahayag niya: "Mas close na kami ngayon. He's a very good friend right now. He's a very nice guy. Very charming naman kasi si Jake."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN