Mark Herras prepares his body for Cosmo Bachelor Bash next year

IMAGE 0


"Next year na ako. Next year kami! Kasi kapag sinabayan namin sila ngayon, masyadong maguguluhan ang GMA. Bata pa naman talaga ang katawan ko. Hayaan n'yo munang mag-enjoy sila ngayon kasi kapag bumongga ako, baka makalimutan nila kung sino sila!" says Mark Herras in jest about not joining the Cosmo Bachelor Bash this year.


Hindi nai-insecure si Mark Herras kay Aljur Abrenica.

Sa pagrampa kasi ni Aljur na topless sa Cosmo Bachelor Bash kamakailan, naitanong kay Mark kung hindi ba niya nararamdaman na natalbugan na siya ni Aljur. Na dapat, mas nauna si Mark na rumampa sa Cosmo Bachelor Bash dahil mas ahead siya sa showbiz kay Aljur.

"Kaya nga hindi ako sumabay ngayon sa Cosmo kasi masyado na kaming marami dun. Next year na ako. Next year kami! Kasi kapag sinabayan namin sila ngayon, masyadong maguguluhan ang GMA. Bata pa naman talaga ang katawan ko. Hayaan n'yo munang mag-enjoy sila ngayon kasi kapag bumongga ako, baka makalimutan nila kung sino sila!" natatawang biro ni Mark sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

Payag naman si Mark to pose sexy.

"Hindi ako magko-Cosmo hangga't hindi ako cover!" tawa niya ulit.

Inalok pala siya this year for the Cosmo supplement.

"Oo, ang alam ko, gusto nila underwear. Payag ako, pero kapag cover na!" tawa na naman ni Mark.

Brief kung brief?

"Oo! Sabi nga nila bakit daw sina Aljur. Sabi ko, 'Hayaan muna natin sila, kasi kapag bumongga ako, maiiwan silang lahat!" biro niya.

Babawi raw si Mark next year. Paano siya babawi?

"Yung iba nagpapakita ng katawan, dun sila hit. Ako, sasayaw ako!" na muling sinabayan ng tawa ni Mark.

Hindi naman daw siya nanghinayang na hindi siya nakarampa.

"Hindi ako nanghinayang kasi may alloted time. Kasi kapag sumabay ako tapos hindi pa ako ready, sino ang magmumukhang kawawa, e, di ako? Nagbibigay muna ako ng chance, give chance to others. Give chance to others daw, o! Ha! Ha! Ha!

"Next year ako magko-Cosmo Bachelor, para I have a lot of time to prepare. Yun yung dapat nilang abangan, yung sa Cosmo. Kami nila Mike Tan, nina Rainier [Castillo] next year, kaming magbabarkada next year," sabi ni Mark, na hindi namin alam kung nagbibiro pa rin o seryoso na.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ALJUR-KRIS TANDEM. Nararamdaman ba ni Mark na nauungusan na sila ni Jennylyn Mercado nina Aljur at Kris Bernal in terms of popularity?

"Nung time nila Aljur ngayon, yun yung peak namin noon ni Jen. Di ba, yung Aljur and Kris, yun yung peak noon ng Mark-Jen? So sila ngayon, dun sila sa teenage stage. Kami ni Jen, upper level na kami. 'Tsaka pareho naman kaming GMA, 'tsaka never naman akong... Hindi ko iniisip 'yang mga insecurities na 'yan. Wala namang kaso sa akin yun."

Pare-parehong produkto ng StarStruck sina Mark, Jennylyn, Aljur, at Kris. Sina Mark at Jennylyn ang winners sa unang batch; nanalo naman sina Aljur at Kris sa fourth batch.

MARIAN & JENNYLYN. Naitanong din ng PEP kay Mark kung ano ang nararamdaman niya kapag nakikita niyang umaalagwa na ang career ngayon ni Marian Rivera, na naging espesyal na bahagi ng buhay niya noon.

"I'm happy for her, nagkikita naman kami. Walang usap, hindi na kami nag-uusap. Siguro hi-hello na lang," maikling sagot ni Mark.

Pinanghinayangan ba niya na naudlot ang sana'y magandang relasyon nila ni Marian?

"Hindi naman. Never akong nanghinayang sa nawalang relasyon," sagot niya.

May lumabas na intriga na kaya siya nawala sa Darna ay dahil ayaw siyang makasama diumano ni Marian. Kung halimbawang totoo ito, ano ang magiging reaksiyon ni Mark?

"Wala lang!" sambit ni Mark. "Kung totoo man yun, ayos lang, di ba? Hayaan n'yo na lang sila. Kasi ako naman yung tipo ng tao na hindi naman ako umaabot sa point na ganun, na kapag may kaaway ako hindi ko ipapasama sa show ko, di ba?"

Kung walang boyfiend si Marian, may chance bang ligawan ulit ni Mark ang dalaga?

"Hindi na siguro."

Bakit?

"Wala lang, wala lang," sabi niya.

Mahal pa ba niya si Marian?

"Antagal na, siyempre... hindi na."

Bakit kay Jennylyn, may feelings pa rin siya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"E, iba naman yung kay Jen," sagot ni Mark.

Ano ang pinakamalaking pagkakaiba ng naging relasyon nila ni Jennylyn sa naging sitwasyon noon nila ni Marian?

"Yung relationship ko kasi with Jen, one year and five months, tapos everyday, everyday kaming magkasama. So, malalim talaga yung pinagsamahan namin," paliwanag ng binata.

Magkasama sina Mark at Jennylyn ngayon sa bagong primetime series ng GMA-7 na Ikaw Sana.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN