Ciara Sotto frustrated by cancellation of musical production in Vegas

IMAGE 0


"Wala namang kaso, pero yung mga naunang ka-deal namin doon, nagkaproblema talaga kami sa kanila. Recession kasi ngayon, kaya ayaw rin naming magdemanda. Madaya lang kasi talaga na walang fruits man lang doon sa pinaghirapan namin," says Ciara Sotto about the cancellation of the musical production that she is supposed to do in Las Vegas.


Wagi si Ciara Sotto sa TV dance competition na Shall We Dance noong Linggo, September 20. Tinalo ni Ciara ang iba pang former T.G.I.S. co-stars niyang sina Angelu de Leon, Bobby Andrews, Michael Flores. Pero ang importante kay Ciara, na-refresh uli sa mind niya yung mga ginagawa nila noon na parang laru-laro lang.

"Nagsu-shoot kami, pero trabaho na pala yun!" natatawang pagbabalik-tanaw ni Ciara. "The whole time na nagti-T.G.I.S. ako, hindi ko iniisip na nagtatrabaho ako. I was having fun."

A lot of people thought na sa pagkawala ni Ciara sa loob ng mahigit dalawan taon, mag-aasawa na lang siya.

"I was out, so they made up stuff, you know. Kung may umaalis, ginagawan talaga ng tsismis. Naiintindihan ko kung bakit ganoon. Pero, walang ganoon. Si Rica [Peralejo], dalaga pa naman as of now, but bound to get married na rin daw. E, talagang doon din papunta yun. Sooner or later, ganoon din ang mangyayari sa akin. I'm taking my time. At saka I want to make it sure na maayos ang lahat bago ko gawin ang magpakasal," sabi ni Ciara.

Happy naman daw si Ciara sa lovelife niya. Ayaw na lang sabihin pa ni Ciara ang identity ng boyfriend niya.

"Mas okay talaga ang hindi taga-showbiz. Di magulo, di maintriga. Napaka-peaceful ng buhay ko. Simple lang ang bf ko, e. I don't think you will recognize him. Hindi siya kilalang tao. Very private," aniya.

WHAT HAPPENED IN VEGAS? Naging frustrated ba siya sa nangyari (o kawalan ng nangyari) sa kanya sa Las Vegas? Naging malaking balita kasi noon ang paggawa ni Ciara ng musical production sa Las Vegas, ang Fever, kasama ang kapwa niya Pinay singers na sina Karlyn Bayot at Rizza Navales.

"May iba akong agents doon na binigyan ako ng ibang work," sabi ni Ciara. "I don't really regret. Nakaka-frustrate talaga yung nag-rehearse ako for one year, 'tapos walang nangyari. Nagkaroon sila ng utang sa amin. Biglang hindi na nila binuksan pa ang venue. Mga ganoong bagay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Wala namang kaso, pero yung mga naunang ka-deal namin doon, nagkaproblema talaga kami sa kanila. Recession kasi ngayon, kaya ayaw rin naming magdemanda. Madaya lang kasi talaga na walang fruits man lang doon sa pinaghirapan namin.

"I don't know if it's a sign na kailangang mag-stay na lang ako sa Pilipinas. Pero nasa Diyos 'yan, e. May plano Siya, sa kung ano ang gusto Niyang path na tahakin ko.

"For me, blessing na rin, kasi nga may na-meet naman kaming bagong producers. Interesado sila, but under negotiations pa. Okey na rin yun. Hindi ko mababayaran ang training na na-experience ko while I was in the U.S."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN