Dingdong Dantes's autograph-signing for bookazine set on October 11

IMAGE 0


Matinee idol Dingdong Dantes resumes the autograph signing for his bookazine starting October 11 in National Bookstore at TriNoMa Mall in Quezon City.


Sa nangyaring pananalasa ng bagyong Ondoy, kung saan marami sa mga kababayan natin ang naapektuhan nang husto, isa sa mga grupong nagsagawa dumalaw sa mga nasalantang lugar ay ang Yes Pinoy Foundation. Itinatag ito ng aktor na si Dingdong Dantes kasama ang ilang mga malalapit na kaibigan niya noong kanyang birthday month, Agosto.

Kinansela ng Stairway To Heaven star ang kanyang mga commitment sa showbiz upang makatulong sa mga preparasyon para sa relief operation ng kanyang grupo.

Isa sa mga hindi natuloy ay ang autograph-signing para sa kanyang bookazine na YES Life Stories: Dingdong, na dapat sana'y naganap noong Sabado, ika-3 ng Oktubre.

Pero dahil bumuti na ang lagay ng panahon, matutuloy na ito sa darating ng Linggo, ika-11 ng Oktubre, sa branch ng National Bookstore sa TriNoMa. From 1:00 to 3:00 p.m., personal na pipirmahan ni Dingdong ang kanyang bookazine.

Sa susunod na Sabado, ika-17 ng Oktubre, nasa Powerbooks Greenbelt naman siya from 3:00 to 6:00 p.m.

At sa ika-22 ng Oktubre, Huwebes, nasa Filbars Megamall naman siya from 3:00 to 6:00 p.m. din.

Magkakaroon din daw ng book signing sa Mall of Asia, although hindi pa kumpirmado ang exact schedule nito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN