Aljur Abrenica on reports linking him to Rich Asuncion: "May ebidensiya po ba sila?"

IMAGE 0


From the successful sinenovela Dapat Ka Bang Mahalin to the primetime project All My Life, Aljur Abrenica will now try his luck in films with screen partner Kris Bernal via nandito Ako. When asked if he's nervous, the 19-year-old hunk describeds the feeling as "mas excited."


"Hindi mo pala mahal si Kris," ito ang bungad agad ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Aljur Abrenica sa press conference ng launching movie nila ni Kris Bernal na Nandito Ako...Nagmamahal Sa 'Yo sa Imperial Suites kahapon, ika-22 ng Setyembre.

Nangiti ito agad dahil naalala niyang "lie" ang lumabas sa lie detector nang mag-guest silang dalawa ni Kris sa Showbiz Central.

Aniya, "Ayon sa lie-detector...kaya nga po tinatanong ko kung 100 percent accurate ba siya. Tinanong ko agad si Kuya, ano ba kuya, 100 percent ba 'yan? Kasi, hindi ko ine-expect na magla-lie siya. Siguro dahil kinakabahan lang po talaga ako noon. 'Tapos, medyo kumikirot pa po ang kamay ko."

Naka-benda pa ang left hand ni Aljur nang dumating sa presscon. Aniya, aabutin pa raw siguro ng three weeks bago ito tuluyang tanggalin.

"Naka-fiber glass lang siya na nakapatong, pang-support lang. Kapag tinanggal 'to, matatanggal din po."

Ano nga ba ang nangyari?

"May fight scene po kasi sa eksena, konting fight scene lang sa All My Life. Kaso, pagkasuntok ko kay Paolo (Avelino), nagkamali. Tumama sa pader, sa may bahay. So, hindi ako nagsasalita na masakit, tuloy ang eksena. Wala pa rin akong nararamdaman noon. Pagkakita ko, bumukol bigla. Parang holen siya.

"Okey lang ako, nagbibihis ako nang makita nila Direk, sinabi nila na isugod na sa hospital. Pagsugod nga po, yun nga po, na-fracture nga raw."

Ang kanyang aksidente, bagamat sa kaliwang kamay, ay hassle pa rin.

"Medyo nakakaka-istorbo rin po kasi ang cast na ito dahil sa pagligo nga po...Yung time management, pagkain, pagbihis."

Kahit daw sa mismong movie nila, mapapansin na hindi niya halos ginagalaw ang left hand niya dahil sa nangyaring aksidente.

REEL PROJECT. Ilang araw na nga lang at ipalalabas na ang movie nila, sa ika-30 ng Setyembre. Kinakabahan na ba siya?

"Hindi ko pa po maramdaman. Basta ngayon, ang nararamdaman ko po, very excited po. Siguro yung kaba, kapag dumating na lang ang araw ng premiere night, doon ko pa lang mararamdaman.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi yung mga tao, titingnan ko yung mga reactions nila sa mga eksena. Saan maganda. Excited..."

Malaking bagay raw para kay Aljur na ang nagdirek sa kanila mula pa sa telebisyon ay si Direk Maryo J. delos Reyes.

"Isang napakagaling na director po talaga. Na Dapat Ka Bang Mahalin pa lang, isa na siya sa pinaka-hinahangaan kong director. Professional, lahat-lahat. Basta makinig lang po kayo sa kanya. At saka si Direk Maryo, hindi lang siya nagdidirek, inaarte pa niya. Parang spoiled na spoiled nga po kayo. Ginagawa niya ang eksena 'tapos, gayahin mo lang siya."

Dugtong pa niya, "Napaka-grateful po talaga namin. Siya pa po ang nag-request na gawan kami ng movie kay Mother Lily Monteverde, kaya talagang masasabi ko na mahal na mahal ko talaga si Direk."

Napag-uusapan ba nila ni Kris ang mga nangyayari sa career nila, halimbawa nga ay itong launching movie nila? Ito na nga ba ang tamanag panahon para sa kanilang tambalan? Hindi ba sila nabibilisan na makalipas ang dalawang taon ay pinagkakatiwalaan na sila sa mga malalaking proyekto?

"Napag-uusapan po, pero, ako po kasi, sa amin ni Kris, siyempre, kailangan pong pag-usapan yun. Minsan, napag-uusapan namin. Pero ako, as much as possible, gusto ko munang ilayo run. Gusto ko munang ilayo ang isip ko pansamantala na enjoy muna tayo. Na normal naman tayo.

"So, umiiwas talaga ko sa mga usapang ganoon. Maganda rin namang pag-usapan, pero ako, more on enjoy muna."

Kuwento ni Aljur, may naririnig na raw siyang possible follow-up project nila ni Kris, at sa primetime block na this time.

"May naririnig po ako. Meron daw po kami sa gabi. Sa primetime na raw po talaga. Pero hindi ko pa po alam kung ano at kung sigurado na. Baka mamaya mag-change. Actually, naririnig ko pa lang po talaga."

Their movie could make or break their tandem, ready na ba sila?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Para po sa akin, lahat ng makakaya namin ni Kris, ibinigay po namin sa movie na ito. Kung anuman po yung maging resulta, para sa akin po, parang God's plan na rin po. Kung mag-break man at paghiwalayin kami as loveteam, para sa akin, the Lord's plan na rin po siguro yun.

"Pero lahat po ng makakaya namin, ibinibigay po namin sa isang bagay."

THE REAL DEAL. Tinanong namin si Aljur kung bakit nga ba hindi nila masabing official na sila ni Kris gayung pareho naman nilang sinasabing mahal nila ang isa't isa?

"Siguro po, ine-enjoy lang namin yung kung anuman ang meron kami ngayon," nakangiting sabi ni Aljur.

Hindi rin kasi mamatay-matay ang isyu sa kanya at kay Rich Asuncion.

"Well, hindi ko nga po alam. Actually po, kahit ako po, nagtataka rin kung bakit nga ba may ganung isyu. Parang, saan po ba nanggagaling? May ebidensiya po ba sila? Kasi po, hindi naman po kami lumalabas ni Rich na magkasama. At kahit paano, nakakahiya na rin po sa tao kasi, parang minsan, siguro siya na rin ang umiiwas dahil baka maakusahan siya na sumisira ng loveteam....

"Pero wala po talaga. Siguro po yung dati, inamin ko naman po. Pero ngayon, si Kris lang po talaga."

Kahit naman si Kris, nali-link din sa iba. Sa ngayon nga, nali-link ito kay Carlo Aquino.

"Yung kay Carlo naman po, sa Dapat Ka Bang Mahalin pa po, tropa na po talaga kami. Talagang lumalabas kami na magkakasama. Nagte-textan po kami. Yung sinasabi na sa Starbucks, sa Commonwealth po yun, nandoon ako. Siguro po, nabibigyan lang ng malisya ng iba."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN