Sunshine Dizon hopes that people would stop pitting her against Iza Calzado

IMAGE 0


"Ako naman, honestly, every time I do a show, I never rely on my credentials. Every time I start a new project, palagi akong kinakabahan. Palagi akong nagtatawag ng lahat ng kilala kong santo because you'll never know naman. Kumbaga, you're only good with what you did na maganda nung huli, but you cannot rely on that," says Sunshine Dizon.


Sa ginanap na back-to-back grand launch ng GMA-7 afternoon soaps na Tinik Sa Dibdib at Kaya Kong Abutin Ang Langit kagabi, September 23, sa Studio 5 ng GMA Network Center, tinuldukan na nina Sunshine Dizon at Iza Calzado ang hindi pa rin matapus-tapos na isyu tungkol sa pag-aaway diumano nila. Lalo't higit nang magsalita ang SVP for Entertainment ng GMA-7 na si Ms. Wilma Galvante, tinawag pa niya ang dalawa at kalauna'y pinagtabi sa gitna ng stage.

Matagal na ring sinasabi ni Sunshine na para sa kanya, everything is still the same between her and Iza when it comes to their friendship. Yun nga lang, kagabi lang sila nakita na magkatabi at mukhang maayos naman sila.

"Sana people will ano na rin... stop making whatever. Huwag nang ganoon," pakiusap ni Sunshine. "It's two different shows po and sana people will stop competing us against each other din. Parang let's give chance naman sa parehong show because I believe we both have a very good project at hand, a very good cast, very good directors... Sana ang mabigyan pansin ay yung istorya, mga kasama namin, hindi na iba-iba pang kuwento."

Although nasabi niyang "all's well" between her and Iza, paano nga ba nangyari 'yon? Who made the first move?

"I guess, you know, friends should be like that. You don't need explanation of whatsoever. Alam mo naman in this business, you can't avoid that. You can't avoid those things," saad ni Sunshine.

Nag-usap ba sila o parang wala na lang?

"Well, I remember noong Dingdong's special, we saw each other dun sa rehearsal. When I kissed her, she goes like, 'Oh, I'm sorry, I was caught off-guard.' Parang ako, 'You don't have to explain anything anymore.' So, I guess that was it. Ganun. Siguro if you will consider that as a first move, I was the one who made the first move, but it's not an issue anymore."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Maibabalik kaya ang dating friendship nila?

"Well, wala naman... For me, wala namang nagbago. So, you know, it's just having two different projects at the moment and, you know, I just hope and pray that both shows will really do good," sabi ni Sunshine.

BACK-TO-BACK LAUNCH. Ano ang naging reaksiyon ni Sunshine nang malaman niyang back-to-back ang gagawing press conference para sa Tinik Sa Dibdib niya at sa Kaya Kong Abutin ang Langit ni Iza?

"I know naman that it's gonna happen because, I think, they wanted to offer to people something new," sagot niya. "And it's the first time nga, that's why they want to launch it that way. Parang may thing yung mga tao na we only do primetime and all that. Now, we're doing drama sa hapon.

"And they say, hapon now is the new primetime, sabi nilang ganoon. So, ako, I'm really praying dahil yung mga shows na pinanggalingan nito [Kung Aagawin Mo ang Lahat Sa Akin and Ngayon at Kailanman], napakatataas po ng rating. Ako, hindi ako pumeprente, I'm really kabado."

Nabanggit ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Sunshine na bagamat parehong magandang materyal ang mga Sine Novela nila ni Iza, siguradong hindi maiiwasang maikumpara ang mga ito in terms of rating. Ano ang masasabi niya rito?

"Well, ako, siguro it's up to the people na rin to judge. Pero ako, personally, sana lang, I'm hoping and praying that would not be the case. Kasi, you know, hindi naman kami magkalaban. Ang kalaban namin, ibang network, di ba?" saad niya.

Pero aminado ang aktres na hindi talaga mawawala ang pressure pagdating sa ratings.

"Ako naman, honestly, every time I do a show, I never rely on my credentials. Every time I start a new project, palagi akong kinakabahan. Palagi akong nagtatawag ng lahat ng kilala kong santo because you'll never know naman. Kumbaga, you're only good with what you did na maganda nung huli, but you cannot rely on that. Hindi mo puwedeng sabihin na 'You're such a big star, napakahusay mo, everything will work fine with you.' So, you know, hindi ka dapat maging prente. The only thing you have to do is do your job. Gawin mo ang makakaya mo para lalo pang mapaganda ang project and, hopefully, magustuhan ng mga tao," paliwanag ng aktres.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

REPRISING THE SUPERSTAR'S ROLE. Ang Tinik Sa Dibdib ay TV remake ng 1985 film ni Nora Aunor. Gaano ba ka-challenging kay Sunshine ang paggganap sa role na unang ginampanan ng Superstar?

"Well, siyempre, added pressure talaga," sabi ni Sunshine. "I mean, hindi ko naman susubukan or whatever na palitan or higitan because nobody can... wala na talagang makakapantay kay Ate Guy. I'm just really hoping na kahit konti, maabot ko man lang ang kagalingan niya.

"And I hope also that the people will appreciate my own interpretation of the character, so there. Sana rin if ever na may chance na mapanood ni Ate Guy, matuwa naman siya sa akin."

This time ay si Sunshine naman ang sobrang aapihin, taliwas sa mga karaniwan niyang role kung saan siya ang nang-aapi.

"At least for a change!" natatawa niyang sabi. "And I think, it's a good change naman coming from All About Eve [her last primetime show with Iza], na alam mo yung parang people really hated me. Kumbaga, what's good naman with me and my audience, naa-accept naman nila na nagko-kontra ako, nagiging mabait naman. So I like to keep it that way. I also like to stick on doing characters na iba-iba because I get bored easily."

PREGNANT RUMOR. Natawa naman si Sunshine sa intrigang buntis siya courtesy of a non-showbiz guy.

"Wala namang ganun! Pero sabagay, palagi naman daw akong ganun. Pang-ano ko na ba 'to, pang 10th, pang 5th or pang-100? Wala namang ganoon, nakakaloka naman yun!" natatawa niyang sabi.

Ayon kay Sunshine, she's very much single. Pero aminado naman siya na ang sinasabing guy na nakikitang kasama niya at sinasabing boyfriend niya ay kilala naman daw niya talaga.

"I will not deny naman the fact that I know him, but nothing whatsoever like that. So, let's just be fair din naman for people who are not in the business. Huwag namang ganun. Pangit, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"At saka, wala na ngang boyfriend, ganoon pa ang tsismis? Parang feeling ko tuloy, baka nagkataon lang dahil magkaka-presscon today, bilang walang mapag-usapan tungkol sa akin!" natatawa niyang sabi.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN