Joyce Bernal on box-office triumph of Kimmy Dora: "Hindi kayang i-explain ng salitang 'happy' ang nararamdaman namin ngayon."

IMAGE 0


"Gusto naming pasalamatan ang mga co-workers namin na katulad ninyo na nagdala ng family nila, nagdala ng elementary classmates, high school classmates, and saka college classmates. Nagdala silang lahat para mapanood ang Kimmy Dora, salamat po sa inyong lahat. Makakaasa po kayo na ang susunod na pelikula ng SpringFilms, kakaibang pelikula na puwede po ninyo uling ipagmalaki, ipagyabang, panoorin, at ulit-ulitin," says director Joyce Bernal


According to reports, mahigit P70 million na raw ang kinita ng launching movie ni Eugene Domingo na Kimmy Dora. Mula P20 million na puhunan sa paggawa ng naturang pelikula, masasabing kumita nang malaki at magandang panimula ito para sa Spring Films, ang film company na gumawa ng Kimmy Dora.

Ang Spring Films ay binubuo nina Direk Joyce, Shayne Sarte, Eric Raymundo, at Piolo Pascual.

Isang cast and thanksgiving party ang ibinigay ng Spring Films para sa tagumpay ng Kimmy Dora last September 22 sa Taumbayan Bar sa Kamuning, Quezon City. Dito ay nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang direktor ng pelikula na si Joyce Bernal, na overwhelmed sa tagumpay na tinatamasa nila.

"This is a word-of-mouth party, piging para sa Kimmy Dora, isang cast party and thanksgiving party. Hindi kayang i-explain ng salitang 'happy' ang nararamdaman namin ngayon, and sobrang thankful kami sa mga taong sumuporta at nanood ng Kimmy Dora.

"Gusto naming pasalamatan ang press na bonggang-bongga yung mga isinulat, bonggang-bongga yung support, yung pumupunta sa lahat ng events namin. Gusto naming pasalamatan ang mga co-workers namin na katulad ninyo na nagdala ng family nila, nagdala ng elementary classmates, high school classmates, and saka college classmates. Nagdala silang lahat para mapanood ang Kimmy Dora, salamat po sa inyong lahat. Makakaasa po kayo na ang susunod na pelikula ng SpringFilms, kakaibang pelikula na puwede po ninyo uling ipagmalaki, ipagyabang, panoorin, at ulit-ulitin."

Naikuwento rin ni Direk Joyce sa PEP ang ilang experiences na pinagdaanan nila bago nila naabot ang success na ine-enjoy ngayon ng Kimmy Dora.

"Alam mo ba, kamiā€”si Piolo, si Ericson, yung kaming apat na taga-SpringFilms, tapos si Uge [Eugene] 'saka si Cris Martinez [scriptwriter], every night sine-sense namin yung figures, starting ng 9 p.m., 10, p.m., saka 11 p.m. Mayroon kaming target. Minsan, alam mo yun, 3.999 million... 'Ano ba, wala na bang magpapakawala diyan at manonood para makuha lang yung 4 million?' Pero grabe pag dumating yung figures namin sa gabi, kasi ang laki ng diperensiya ng 6 p.m. to 11 p.m. Ang laki ng bulk na dumarating. Yung night crowd talaga ang sa amin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nung first hour ng first day namin, 11 a.m., P6,000, pang-grocery lang yun. Kinausap ko nga si Lord, 'Lord, totoo ba yun?' Tapos pagtingin ko sa cell ko, P6,000 nga, parang palaslas na ako! Tapos nung gabi, umabot siya ng P2.4 million, tapos the next day, tumaas pa, di kami nag-drop! Nung weekend, grabe! Yung Sunday namin, P7.8 million! Sabi ko, wow, from 6,000!

"Si Piolo ang confident sa amin. Sabi ko, 'Sana ang projection natin for today, sana umabot tayo ng ganito...' 'Ano ka ba, another 400 thousand 'yan!' Sabi ko, 'Sobra naman ang tiwala mo.' Tapos, nagkakatoo nga."

Sa tagumpay ng Kimmy Dora, kinumpirma ni Direk Joyce na may mga nakalinya na silang gagawing pelikula at isa na nga rito ay ang follow-up movie ni Eugene Domingo.

"Pinag-uusapan namin, 'Ano ba ang susunod na gagawin natin? Comedy ba o mag-iiba tayo ng genre? Love story ba?' Tapos ang dami nang lumalabas, ang dami na ring nae-excite. Si Piolo kasi, may gusto siyang proyekto na kaming lahat gusto namin, pero mahirap na proyekto. Tinatanong namin si Uge kung gusto ba niya Kimmy Dora Part 2, pero mahirap kasi hindi natin alam kung paano gagawin," lahad ni Direk Bernal.

May nagpadala raw ng sulat sa isang daily broadsheet na nagrereklamo sa istorya ng Kimmy Dora. Na-offend daw kasi ang ilang may Down's Syndrome at mga taong malalapit sa mga ito. Sa pelikula kasi, ang isang character ni Eugene bilang Dora ay parang may Down's Syndrome. Nakarating na ito kina Dirke Joyce at handa naman daw silang humingi ng tawad sa mga taong nasaktan nila.

"May nagsabi na sa akin, may letter to the editor daw sa Inquirer. Sasagutin namin yun, siguro we're preparing the apology letter kung anuman yun. Di ko pa nabasa, pero kung may na-offend, of course, we will apologize. Kasi, hindi naman natin alam ang sensitivity nung ibang tao, siyempre, hindi naman natin sila puwedeng itsapuwera. Pero siyempre, titingnan natin yung point," ani Direk Joyce.


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW




Trailer courtesy of Spring Films


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN