Michelle Madrigal: "I want a real man who can take good care of me."

IMAGE 0


"Hindi naman talaga choice ko lang na mas matanda ang maging boyfriend ko. Walang standard na ganoon. Iba lang kasi 'pag sila yung nakakausap ko," says Michelle Madrigal.


Iniintriga ang magkapatid na Michelle Madrigal at Ehra Madrigal, kapwa nasa GMA-7. Sa kabila ng lahat, masaya si Michelle sa pag-aalagang ginagawa ng Kapuso network dahil mula nang lumipat siya mula sa ABS-CBN, hindi na siya nawalan ng trabaho.

Hayan at may maganda siyang role sa TV remake ng 1985 film na Tinik sa Dibdib, kung saan ginagampanan niya ang papel ni Moret, ang babaeng may taglay na trauma, which was originally played by Dina Bonnevie in the movie version.

"Pareho naman kami ni Ehra, inaalagan talaga dito sa Siete," sabi ni Michelle sa PEP (Philippine Entertainment Portal). "Walang intriga sa amin pagdating sa trabaho. Kanya-kanyang trabaho kami rito, at yun ang nagpapasaya sa amin. Kasi kahit saan ka mapunta, magiging masaya ka kapag nabibigyan ka ng trabaho. Kahit sino, magiging masaya kapag ganoon. Kung sino ang nakakapagbigay sa 'yo ng trabaho, natural, doon ka masaya."

Si Ehra naman daw, sa ngalan ng pag-ibig, stick to one. Samantalang si Michelle ay papalit-palit daw. Ano ang reaksiyon dito ni Michelle?

"Uy, grabe naman! Hindi ako playgirl!" depensa agad ng 21-year-old actress. "Hindi ako ganoon. Nagkataon lang na si Ehra, yung boyfriend niya, nagtatagal talaga sila. They really work hard para mag-work din kasi yung relasyon nila. Hindi naman kasi 'yan yung kapag naging kayo na, stop na ang panliligaw, hanggang doon na lang ang commitment.

"Nagkakataon kasi siguro na yung nagugustuhan ko, may edad sa akin. Yung gusto nila, mag-settle down na. Si JC [de Vera] ang una kong boyfriend, pero pareho pa kaming bagets noon. Sixteen or 15 nung kami noon. Hindi pa napapag-usapan noon yung ganyan, kaso mga bagets pa kami. Puppy love lang yun.

"Yung huling naging ex ko naman, siya yung tipong gusto nang magpakasal. May anak na rin kasi yun, pero hindi kasal. E, I was just starting my life. Hindi pa ako ready, at saka hindi na kami nagkakasundo. Hindi rin yung age. Mga 12 years din ang tanda niya sa akin. Sooner or later, alam mo na rin agad na hindi magiging compatible, hindi magkakasundo kahit mag-compromise pa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi naman talaga choice ko lang na mas matanda ang maging boyfriend ko. Walang standard na ganoon. Iba lang kasi 'pag sila yung nakakausap ko," tuloy-tuloy na paliwanag ni Michelle.

Hindi lang daw talaga type ni Michelle yung tipo ng lalaking aalagaan pa niya.

"Hindi ko type ang little boys. I want a real man who can take good care of me. Gusto ko naman, yung lalaki, alam kong protektado niya ako. Yun bang kung may mang-away sa akin, kung may mambabastos, kaya akong ipagtanggol. Hindi yung mauuna pa sa aking tumakbo, o hindi na lang magsasalita!" natatawang sabi niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN