Actress Maybelyn dela Cruz still waiting for her first baby

IMAGE 0


"I take my work naman seriously. Pero sa akin kasi, maliit man o malaki ang role, ginagawa ko ang makakaya ko. Tinatanggap ko. Gagawin ko nang maayos yun. Hindi sa hindi na ako nag-ambisyon. Ang sa akin lang, ginagawa ko ang the best na maibibigay ko. Kung naa-appreciate o hindi ng iba yun, di ko na lang masyadong iniintindi. Ang mahalaga, hindi ako nawawalan ng trabaho," says Maybelyn dela Cruz.


Walang kasing sarap daw ang buhay-may asawa, ayon kay Maybelyn dela Cruz. Sa January, two years nang married ang dating Click star na aktibo pa rin sa pag-aartista.

She's playing the role originally played by Beth Bautista, as Choleng, in the TV remake of the 1985 film Tinik sa Dibdib.

"Awa ng Diyos, never naman akong nawala sa eksena," sabi ni Maybelyn sa PEP (Philippine Entertainment Portal). "After I got married, puro afternoon soap ang sinabakan ko. I did Gaano Kadalas ang Minsan?, and I was in Dapat Ka Bang Mahalin?. Lahat ay Sine Novela or part ng Dramarama sa Hapon ng GMA-7. Ganoon din ang Tinik sa Dibdib. Under contract na ako ng GMA-7 since I was 17 years old. Magtu-27 na ako ngayon."

Naging maganda ang suporta ng GMA-7 sa kanya ever since kaya nananatili raw siyang loyal dito. Very happy raw siya with the management.

"The bosses, hindi mahirap lapitan," sabi ni Maybelyn. "Generally, maganda ang work experience ko sa GMA. At kung hindi naman, I doubt kung magtatagal ako rito."

FAMILY LIFE. Twenty-five years old na si Maybelyn nang mag-asawa. Para sa kanya, tama lang ang edad na lumagay na siya sa tahimik last January 20, 2008.

"Naniniwala rin kasi akong wala sa edad 'yan," sabi niya. "Pagdating sa love, walang masyadong bata, wala ring masyadong matanda. 'Yan ang paniniwala ko. For as long as you are mature enough, sa pag-iisip, na may idea ka how a married life should be. Kung alam mo kung paano pagsisikapan ang pag-aasawa, and you love your partner, by all means, get married!"

Mga tatlong anak ang gusto ni Maybelyn, pero kung ilan daw ang ibibigay ng Diyos, tatanggapin daw nilang mag-asawa. Ideal daw sa kanya ang tatlo. Kaso, hindi pa sila nabibiyayaan ng anak.

"Wala pang baby, pareho kaming busy ng mister ko. Isa rin kasing lagalag yun. He's the chairman of the Philippine Councilors League. Literal na iniikot niya ang buong Pilipinas. Marami kasing trabahong dapat asikasuhin, lalo na't mag-e-elections na," kuwento ni Maybelyn tungkol sa mister niyang si Michael Fernandez, na konsehal sa Dagupan City.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

NO FRUSTRATIONS. Matagal-tagal na rin naman sa showbiz si Maybelyn, na nagsimula bilang child star sa Ang TV ng ABS-CBN. Pero wala naman daw siyang panghihinayang sa nangyari sa kanyang career.

"Wala naman akong frustrations," sabi niya. "Bago ako nakapag-asawa, nagawa ko naman kung ano ang gusto kong gawin. Before I got married, I tried theater. Marami na akong nagawang commercials, TV, nagpelikula na... Ang kulang sa akin, yung theater. Nagawa ko naman bago ako ikasal. Up to now, I'm still doing it. Nasa third season na kami ng Noli Me Tangere, where I play the role of Maria Clara.

"I take my work naman seriously. Pero sa akin kasi, maliit man o malaki ang role, ginagawa ko ang makakaya ko. Tinatanggap ko. Gagawin ko nang maayos yun. Hindi sa hindi na ako nag-ambisyon. Ang sa akin lang, ginagawa ko ang the best na maibibigay ko. Kung naa-appreciate o hindi ng iba yun, di ko na lang masyadong iniintindi. Ang mahalaga, hindi ako nawawalan ng trabaho.

"Marami nang mga bagong dumating, mas bata, magaganda, magagaling pa, pero they still remember me. Kina-cast pa rin ako. Enough na yun para sa akin," saad ni Maybelyn.

Never din daw na nag-impose ng limitations si Maybelyn sa kanyang pag-aartista.

"Yung husband ko kasi, very supportive sa akin," sabi niya. "Alam niya ang nature ng trabaho ko. Umagahan na ang uwi. Naiintindihan niya yun. May roles na kailangang gampanan na alam niyang role lang yun, at hindi naman kailangang personalin. Iba yung personal na sa harap ng kamera.

"Yung sexy-sexy, hindi 'yan. Ever since kasi, hindi ako gumawa ng ganyan. Anything, pero hindi 'yan. Hindi ko naman kasi personality pa yung ganyan. Baka masuka ang audience!" natatawang sabi ni Maybelyn.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN