Ogie Alcasid says Yaya and Angelina will take a "rest" to make way for new characters

IMAGE 0


"Ipapahinga na muna namin ni Michael V ang character naming sina Yaya at Angelina. May iniisip kaming bagong characters pero hindi ko pa puwedeng sabihin kung ano iyon. Kahit sa Bubble Gang ay mawawala na rin ang mga characters naming ito kung saan ito nagsimula. Mawawala na rin sina Angelina at Yaya sa Hole in the Wall, dahil matatapos na ito sa October 16. Kung ibabalik man ang show, siguro next year na iyon," Ogie Al


Isang simpleng thanksgiving merienda ang ibinigay ng GMA Films at APT Entertainment kahapon, October 1, sa Gerry's Grill along Eugenio Lopez Street, Quezon City, para sa success ng Yaya and Angelina: The Spoiled Brat Movie," directed by Mike Tuviera.

Naroon si Ms. Annette Gozon-Abrogar ng GMA Films and Mr. Jojo Oconer of APT Entertainment. Nasa feeding program daw kasi si Mr. Tony Tuviera para sa mga nasalanta ng bagyo kaya hindi ito nakadalo. Nagpasalamat sila sa mga entertainment press sa suporta sa pelikula.

Tinanong ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Ms. Annette sa box-office gross ng movie na nasa second week na ngayon. Hindi siya nagbigay ng exact gross pero last Sunday nagulat daw sila na sa kabila ng bagyong Ondoy ay malaki ang kinita nito. Kahapon, September 30, malaki pa rin ang kinita nito, siguro raw dahil wala pa ring pasok ang mga bata sa schools.

Mag-isang dumating si Ogie Alcasid. Hindi naman nakarating si Michael V. Nagpaabot na lang daw ito ng pasasalamat at humingi ng paumanhin sa hindi niya pagpunta sa party dahil nagti-taping ito noon ng "Yari Ka!" segment para sa show nitong Bitoy Funniest Video sa GMA-7.

Biniro ng naroong press si Ogie kumbakit hindi yata siya in character as Angelina sa pagdating niya sa party.

"Ayoko na," natatawang sagot ni Ogie, pagkatapos ay nagpasalamat sa mga dumalong press na naroon. "Nakakahiya mang mag-celebrate dahil sa nangyayari ngayon, pero gusto lang naming magpasalamat sa inyo.

"Ipapahinga na muna namin ni Michael V ang character naming sina Yaya at Angelina. May iniisip kaming bagong characters pero hindi ko pa pwedeng sabihin kung ano iyon. Kahit sa Bubble Gang ay mawawala na rin ang mga characters naming ito kung saan ito nagsimula. Mawawala na rin sina Angelina at Yaya sa Hole in the Wall, dahil matatapos na ito sa October 16. Kung ibabalik man ang show, siguro next year na iyon."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paano kung may humiling na gawan ng sequel ang Yaya and Angelina?

"Siguro, pag-uusapan muna naming mabuti ni Bitoy," sagot ni Ogie. "Iyon kasing susunod naming project ni Bitoy, pareho na kaming lalaki."

KAYA NATIN ITO. Humingi na ng tulong sa entertainment press si Ogie para sa binabalak nilang fund-raising concert sa November 14, titled Kaya Natin Ito, kasama sina Girlie Rodis at Direk Rowell Santiago to be held at the Araneta Coliseum.

"Mamayang gabi, makikipag-meeting kami sa mga talent managers ng mga artista, from GMA Network, ABS-CBN, mga OPM artists. We are looking for possible producers and sponsors dahil makikipagtulungan din sa amin ang Araneta Coliseum. Proceeds will go to the Philippine National Red Cross at sa Gawad Kalinga para sa mga nasalanta ng bagyong Ondoy.

"May ginawa na rin akong song of the same title na gusto naming gawin into CD at may music video at ibebenta rin namin during the concert. Sana kahit sa sandaling paghahanda, maging successful ang fund-raising concert namin."

SONGBIRD BRINGS RELIEF. Natanong ng PEP kung paano siya tumutulong sa mga biktima ng bagyo?

"Last Sunday, hindi um-attend si Regine [Velasquez] ng SOP dahil may migraine siya, pero nagawa pa rin niyang mag-grocery at pinuntahan ko na lang siya after ng show. Ang dinalhan namin ng relief goods [bigas, bottled water, canned goods], iyong mga affected areas sa Old Balara na malapit sa bahay niya. Kilala na kasi ni Regs iyong mga nakatira roon.

"'Tapos dinalhan din namin ng relief goods ang mga affected areas sa Pasig City, sa lugar nina Dudut at Mikee Jaworski. Sila na ang nag-distribute sa mga tao. Kinabukasan, bumalik ako sa Old Balara, nagdala pa ako ng bigas at iba pang kailangan nila roon."

Natanong din si Ogie kung hindi ba nag-aalala si Michelle Van Eimereen at mga anak nilang sina Leila at Sarah?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nag-alaala si Michelle kasi nag-text ako sa kanya na please pray for the Philippines dahil nga sa malakas na bagyo. Tumawag siya nang makita niya sa news kung gaano karami ang rainfall na bumagsak dito for six hours last Saturday. Sa Australia kasi, 100 percent lang ang rainfall for one year samantalang iyong rainfall last Saturday ay equivalent daw sa one month rainfall for the whole of September."

PLANS, SHOWS, VACATION. Ano ang susunod niyang gagawin?

"May ginagawa akong bagong album for Universal Records. Di ko puwedeng sabihin ang concept, pero nakapag-record na ako ng nine songs, five songs to go. Sa November naka-schedule ang release nito.

"Sa last week of October, magti-taping kami ng Bubble Gang sa Tokyo, Japan. Four days kami roon dahil para ito sa one-month celebration para sa 14th anniversary ng show. Come to think of it, since 1995, three times na pala kaming nag-taping sa Japan, three times din sa USA at once sa Dubai."

Tuloy raw ang two shows nila ni Janno Gibbs ng Small Brothers sa States sa November. Kasama ba nila si Regine?

"Hindi, kasi may ginagawa siyang movie, iyong kanila ni Aga [Muhlach]. Hindi kasi sila makadiretso ng shooting, lalo ngayon na laging umuulan," sagot ni Ogie.

Tuloy ba ang European concert tour nila ni Regine before Christmas, at itutuloy ba nila ng bakasyon?

"Hindi pa kami sure, this week pa lamang mapa-finalize ang usapan. Six countries kasi iyon kung matutuloy kami. Kung hindi matuloy, makakapahinga na rin muna kami, dahil naging very hectic ang schedules namin this year."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN