Paolo Paraiso: "My love for Mylene and our kids is there at hindi mababago iyon."

IMAGE 0


Paolo Paraiso keeps cordial relations with former love Mylene Dizon not just for the sake of their two kids, Tomas and Lucas Miguel, but because they have remained friends. Some people find that strange. To which Paolo rebuts: "Hindi na namin pinapansin ang mga paghuhusga sa amin ng ibang tao. Only God can judge us."


Para kay Paolo Paraiso, lucky charm ang kanilang mga anak ni Mylene Dizon na sina Tomas at Lucas Miguel. Sunud-sunod kasi ang suwerteng dumarating sa kanilang dalawa magmula nang ipanganak ang mga ito.

Matapos isilang ni Mylene ang second baby na si Lucas sa US nitong April, naging maganda ang takbo ng careers nila. Sunud-sunod ang pagkapanalo niya ng Best Actress awards para sa pelikulang 100. Ang huli niyang napanalunan ay ang Gawad Urian.

Si Paolo naman ay sunud-sunod ang mga trabaho at kasama nga siya sa malaking cast ng GMA Sinenovela na Kaya Kong Abutin Ang Langit.

Nagpapayat muna si Paolo bago siya sumabak ulit sa trabaho sa telebisyon dahil ang laki ng itinaba niya habang nasa US para bisitahin si Mylene at ang bago nilang baby.

"Noong July pa naman ako bumalik pero tumaba talaga ako. Kaya hindi muna ako nagpapakita noong dumating ako. Nagpapayat muna ako. Araw-araw akong nag-workout at sumasali ako sa mga marathon.

"Sabi ko in a month's time gusto ko nang bumalik sa dati kong katawan. Mabuti naman at kinaya ko just in time sa taping ko ng Kaya Kong Abutin Ang Langit," ngiti ni Paolo.

EASYGOING ARRANGEMENT. Huling napanood si Paolo sa Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang bago siya lumipad patungong States. Ngayon at nandito na rin si Mylene, maayos naman ang arrangement nilang dalawa with regards to their children.

"Wala namang nabago sa arrangement naming dalawa with the kids. I visit the kids and I take them out. Minsan sumasama si Mylene kapag wala naman siyang trabaho sa araw na iyon. Para ma-feel naman ng mga bata na we're a happy family. Malaki na yung panganay naming si Tomas. He understands na ang arrangement namin ng mommy niya."

Aware nga si Paolo na may mga bumabatikos sa relasyon nilang dalawa ni Mylene. Pero para kay Paolo, wala siyang nakikitang masama dahil nagmamahalan pa rin naman sila ni Mylene.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi na namin pinapansin ang mga paghuhusga sa amin ng ibang tao. Only God can judge us. Basta ang responsibilidad ko sa mga bata ay ginagawa ko at hindi ko nane-neglect ang mga pangangailangan nila, we're okay. Hindi naman namin gusto i-please ang maraming tao. What's important is that my love for Mylene and our kids is there at hindi mababago iyon," pagtatapos ni Paolo Paraiso.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN